Chapter 4 - Magkakilala kayo?!

119 3 0
                                    

Chapter 4 - Magkakilala kayo?!

[Cassandra Lei's POV]

Dahil sasamahan ko nga si Calvin sa party, maaga ako kumilos para mag-ayos. At heto na ako ngayon nag-aabang dito sa Coffee shop kung saan kami nagkakilala kahapon. Nakawhite dress lang ako ngayon. Simplicity is beauty. RIGHT? 5pm niya daw ako susunduin dito. 4:45 na. Maaga lang ako dumating. Hm,

"Cassie!" lumingon ako sa direksyon at ..

"Uy Calvin!" ngumiti naman ako. Tinignan ako ni Calvin mula ulo hanggang paa. Problema neto? >.<

Then...

"Wow Cass, you're .. you're so.. beautiful .." nakatulala siya sa mukha ko.

"Ahahahaha! Bolero ka Calvin ah! Tara na, baka mahuli pa tayo sa party ninyo."

"Ah yes..let's go?" inilahad niya yung kamay niya. At inabot ko naman ito. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya at inantay makapasok bago siya pumunta sa driver's seat. Infairness ang gentleman.

-----------------------------------------

Habang nasa daan kami .. Ang tahimik naming dalawa. Siguro nagtitimbangan pa kami. Of course bagong kilala pa lang kami dba? Para basagin ang katahimikan nagtanong ako.

"Ahm, Calvin anong party ba yung pupuntahan natin?"

"Ah, yes I'm sorry hindi ko na nasabi sa'yo. Ahm, party yun sa company namin. Actually, bagong merge lang kasi yung company namin at nung company nung boyfriend ng kapatid ko." - Clavin

"Ah, I see. Hm, bakit ako nga pala yung naisip mong yayain? Yung girlfriend mo? Wala ka bang girlfriend?" tanong ko sa kanya.

"Out of the country siya remember?" then he smiled.

"Ay oo nga pala. Sorry, what's her name again? Ellaira? Tama ba?"

"Wow. Ayos ang memory mo. Bute tanda mo pa." -Calvin

"Ah, I don't know familiar kasi sa pandinig ko. Hehe. Ahm, curious lang ako, di ba kapag may merge na magaganap parang may kasalan din? Haha. Di ko lang sure ah? Ganun kasi mga napapanuod ko sa mga Korean Dramas at nababasa ko na stories sa Wattpad."

"Hahahaha. Nakakatuwa ka naman Cassandra. Hm, Oo ganun na nga.Yung younger sister ko at yung bestfriend ko ang ikakasal soon." -Calvin

"Ahh, ganun pala. Pero nagtataka lang ako. Bakit hindi ikaw yung ipapakasal? I mean kung mas matanda ka sa kapatid mong babae? Ahm, wala bang babaeng anak yung kabilang family.. Hm.. wala bang kapatid o ate yung bestfriend mo?" tanong ko sa kanya.

"Ahh yun ba? Meron siyang kapatid, no let me rephrase it.. Ex ko yung kapatid niya.." -Calvin

"Ex mo? Huh?" medyo naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Ex ko yung kapatid nung bestfriend ko. Dapat kaming dalawa nga yung ikakasal ang kaso iniwan niya ako. Pinagpalit niya ako sa iba. Hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakapag-usap ulit. First love and first girlfriend ko yung kapatid ni Francis. Ah, Francis nga pala yung name nung bestfriend ko. Yaan mo mamaya ipapakilala kita sa kanya." -Calvin

"I'm sorry to hear that Calvin.. I didn't mean to open that kind of topic. Sorry talaga." I said to him. Masakit yun ah? Yung maiwan ng taong minamahal mo? Parang ako. Hanggang ngayon nangungulila kay Ace.

"Wala yun Cass, hayaan na natin sana lang masaya na siya ngayon kung nasaan man siya. Balita ko kasi nasa ibang bansa siya eh. Ganun paman, I wish her well." -Calvin

Nakatingin ako kay Calvin, bakit ganun? Nakikita ko sa mga expressions niya na hanggang ngayon sobrang nasasaktan pa rin siya dun sa kinukwento niyang ex niya?

Parang mahal na mahal niya pa rin. Pero akala ko ba may gf na siya? Hmmmm..

"Ayann Cassie, nandito na tayo." Pinapark na niya ang kotse.. Tanaw ko na mula dito sa parking area yung venue. Mukhang marami ng tao. At teka wait... familiar sa'ken yung isang yun ah?

Hindi ko namalayan nakababa na pala si Calvin. At napagbuksan na niya ako ng pinto..

"Thankyou Calvin. Ang dami namang tao."

"Ah hayaan mo sila. Tara ipapakilala kita sa parents ko. At sa kapatid ko."

-------------------------------------------

Pumasok na kami. At hinanap muna ni Calvin ang Mommy at Daddy niya. Seriously, bakit kailangan pa'ko ipakilala? Ano ko girlfriend niya? Baka kung ano isipin nila. Baka isipin nila kabet ako ni Calvin ayoko naman nga ganun. Ohmygee!

"Cassie, this my Mom and dad, Mom and dad this is Cassandra Vera, yung girl na ikinukwento ko sa inyo kagabi.." -Calvin 

"Goodevening po. Hello po.." nagbeso ako sa Mom at Dad niya. 

"Oo nga CJ, ang ganda ganda nga nya. Tama ka hijo." Bati ng mom niya. Nagsmile lang ako tas medyo nagbow bilang pa-thankyouu ko. 

"Naku hindi na ako magtataka kung pagbalik dito ni Hana eh wala na siyang aabutang Calvin, hahahahaha!" -Dad ni Calvin 

Natawa din ang Mom niya at Si Calvin. Sino naman si Hana? Akala ko ba Ellaira yung name ng girlfriend ni Calvin? 

"Osige mom dad dun lang kami ni Cassie a? Bye, see you around!" -paalam ni Calvin sa parents niya.

----------------------------

"Pasensya ka na sa parents ko Cassie ah, nagbibiro lang sila." -Calvin

"Ahm Calvin sino si Hana?" tanong ko sa kanya.

"Ah, si Hana at si Ellaira iisa lang yun Cassie. Hana Ellaira kasi ang name nung girlfriend ko." -Calvin

"Ahhhh. Kaya pala. Akala ko two timer ka eh! Hehe" -biro ko sa kanya.

"Oyy di ako two timer, di ako marunong mang-two time. Matututo pa lang dahil nakilala na kita. Hehe. Tara dun sa mga kaibigan ko." At hinatak niya ako. Loko toh ah. Gawin pakong inspiration sa paggawa nga crime sa gf niya -_-

Naglakad kami papunta sa mga kaibigan niya at...

"Cassie?!\/Frenzo?!" nagkasabay naming sabi ni Frenzo. Hindi nga ako nagkamali. Siya nga yung natanaw ko kanina palang mula sa Parking area nung lugar.

"Magkakilala kayo?!\/Magkakilala kayo?!\/Magkakilala kayo?!" seriously nagkasabay na sabi naming tatlo ni Calvin, Frenzo at Ako.

"Pare siya yung kinukwento kong parang yung kapatid ko na nakilala ko kahapon!" -sabi ni Frenzo kay Calvin.

"At pare siya naman yung katext kong pumayag na sumama dito kahapon kaya nagyeyes ako!" -sabi naman ni Calvin kay Frenzo. 

At ako? Eto nakatayo na nakangiti sa kanila. Medyo naloloka ako.. -_-

"Heyy guys what's happening here?" -bungad ng isang magandang babae.

"Ah Clay..\/Ah Clarissa.." sabay na sabi ni Frenzo at Calvin. Consecutively.

"Cassie girlfriend ko..\/Cassie kapatid ko.." sabay ulit nilang sabi. WOW! CHOIR ang peg nilang dalawa! 

"Babe, Kuya, what's wrong? Haha. Para kayong choir?" -pangaasar nung girl. 

"Ah okay, Clarissa this is Cassandra my new found friend. Yung kinuwento ko kagabi senyo nila Mom and Dad?" -Calvin 

"Ah yes I remember, Hi Cassandra, I'm Jana Clarissa Lay, Clay or Clarissa or kahit anong itawag mo sa'ken okay lang. Hehe. Nice meeting you." At inilahad niya kamay nya. Syempre inabot ko naman at nakipag shake hands.

"May Lei ka rin pala? Ako rin nice meeting you, I'm Cassandra Lei Vera. Cassie nalang." The I smiled.

"Hay nako, yung Lay ko, L-A-Y. Ansagwa ano? Haha. Ikaw ba?" -Clay

"L-E-I naman yung akin. Hehe." Sagot ko sknya.

"Bute kapa!" -Clay

"Uy teka bago kayo magchikahan ng bongga, tara dun muna tayo at kumuha ng drinks or any food." -Calvin 

"Onga pala. Tara Cassie.." -Yaya ni Clay.

Napansin kong nakangiti si Frenzo sa akin. Nag-smile na lang din ako at naglakad na patungo sa direksyon na pinuntahan ni Calvin. Hayyyy, mahaba pa ang gabi sana naman mag-enjoy ako ng bongga.

Three Years After [MHIY sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon