27

45 1 0
                                    

Chapter 27

Naiinis ako ngayon.

At kapag sinabi kong inis, 'yung tipong inis na inis talaga. Beast mode kumbaga.

Urg! After kong maghintay ng matagal bigla na lang n'ya akong iiwan at magpupunta sa kung saan na hindi man ipinaalam kung saan. Hindi ko na naman s'ya maintindihan. Sinumpong na naman yata ng pagka-psycho n'ya.

"Ayos ka lang? Kalma lang. For sure may dahilan si Cloud." Sabi ni Ivan na focus lang sa pagmamaneho.

Bakit kasama ko si Ivan? Paano ba naman kasi, pauwi na ako after tumawag ni Cloud nang biglang bumuhos ang malakas na ulan with matching kidlat at kung minamalas ka, wala akong payong dahil ipinahiram ko kay Jaira kanina dahil umuulan na din kanina dahil akala ko hindi ako mauulanan dahil kasabay ko si Cloud. Gets n'yo ba?

Kainis talaga.

Nagcrossed-arms lang ako at nagbuntong hininga. "Ayos lang ako." Sagot ko na halatang hindi totoo dahil nakasimangot ako.

Napalingon naman ako kay Ivan na bigla na lang tumatawa. Aba, nakuha pa akong pagtawanan. "S-Sorry." Nagpipigil pa s'ya ng tawa ng mapansin ako na nakatingin sa kanya.

"Jeez. Sorry talaga. Nakakatuwa ka palang mainis."

"Nakakatuwa o nakakatawa?"

"May pinagkaiba ba yun?"

"Malaki. Nakakatuwa, positive. Nakakatawa, negative. Kumbaga mukha akong tanga sa paningin mo kaya ka natatawa or cute ako sa paningin mo kaya ka natutuwa." Sinabi ko 'yun nang pabiro pero ang sagot sa sa'kin n'ya naloka ako.

"The second one. You're cute." And smiled at me.

May kumurot naman ng kaunti sa puso ko. Ang noong crush na crush ko sinabihan ako ng cute. Kahit sino naman maloloka, 'di ba? Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Bigla kong naisip si Cloud.

"Yumi..."

"Hmm?"

"Ayos ka lang?"

Sh*t. Masyado yata akong halata.

"Huh? Oo naman. Naiinis pa rin kasi ako kay Cloud."

At nakuha ko pa talagang gamitin ang pangalan ni Cloud sa sitwasyon na 'to aa. Pero kasalanan n'ya 'to, kung hindi n'ya ako iniwan e 'di sana s'ya ang kasama ko.

Ang awkward tuloy hanggang makarating kami sa Linden Suites.
"Salamat aa." Sabi ko.

"Linden Suites?"

Tumango ako. "Dito na lang ako."

At nang masabi ko 'yan, bigla akong natauhan. What the? Bakit dito ako nagpahatid? I panicked, syempre alam n'yang dito nakatira si Cloud. For sure alam n'ya. Tanga naman, Yumi.

"A-aahm. T-try kong i-check si Cloud sa condo n'ya. Baka nakauwi na s'ya." I lied at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Nakatingin lang s'ya sa'kin. His mouth is slightly agape na parang nagtataka. "So Cloud lives here?"

"Bakit? Hindi mo alam?" Tanong ko at umiling lang s'ya.

Wow, Yumi. Gusto mo yatang mahuli sa sarili mong bibig. Urg.

"Mag-isa lang ba s'ya sa condo n'ya?" Tanong pa nito, habang nakatingin ng malalim sa mga mata ko. Hindi ako nakasagot agad, he blinks sabay nagkamot ng ulo.

"Uhm, I guess it's none of my business. Ha-ha. You should go."

Napakunot na lang ako ng noo. Pero relieved at the same time. Wala nang ibang tanong. Bumaba na ako sa kotse n'ya at nagpaalam.

Sa lobby pa lang naiisip ko na si Cloud. Baka naman may nangyari na sa kanya.

Cloud, nasaan ka?

Sent.

Hikes. Hindi ko pa man din s'ya sinasagot pinagtataguan na n'ya ako. Baka mamaya nambabae na naman 'yun.

Minus points ka sa'kin. Pero kahit bigyan ko s'ya ng minus, mukhang sa puso ko naka-100 points na s'ya. Corny ba? Just telling the truth.

Anyway, sigurado namang may importanteng dahilan kaya wala s'ya ngayon. He likes me, 'yun ang mahalaga. Ayan, mas magaan na ang pakiramdam ko.

As the elevator opens, I smiled, felt relief, then suddenly not.

---- TO BE CONTINUED <3

Priceless - O N H O L D -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon