3

115 3 2
                                    

Chapter 3

Nasa isang garden ako't nakasandal sa mga bisig ng lalaking pinapangarap ko. Nagkukwentuhan kami't nagtatawanan pa. Ang sarap sa pakiramdam lalo na dahil hawak nya ang mga kamay ko.

"Hmm, Van? Ano na bang meron tayo?" Kinikilig na tanong ko. Hinawi ko pa ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko.

"Tayo?"

"Oo. Tayo. Tayong dalawa." I giggle. Pero hindi sya sumasagot. Narinig kong nabuntong hininga sya pero wala akong narinig na sagot.

"Kayo?" E? Bakit naging boses babae si Van, my loves.

"Van? Bakit parang naging kaboses mo si Kath-" Nang humarap ako kay Van hindi na pala sya si Van. Si Kathleen na ang kasama ko. Napatayo ako at tumayo din sya. Biglang dumilim ang paligid at lumakas ang hangin

"Anong ginagawa mo dito?" Sigaw ko.

"Ikaw pa ang may ganang magtaray? Ambisyosa!" Sagot nya at mas lalong sumama ang panahon. Nagbitak ang lupa sa pagitan naming dalawa.

"Malandi!"

"Ilusyonada!"

"Bobo!"

"Day dreamer!"

"Urrg! Umalis ka nga dito Kathleen. Ibalik mo si Van!" Inis na sabi ko pero tinawanan nya lang ako. Tawa ng isang wicked witch.

"Ibalik? Baka nakakalimutan mo, Mayumi Agatha Torres, akin sya." I gasp at ilang sandali pa biglang lumindol ng malakas kasabay ng pagtawa nya at natatanaw ko pang yakap na nya si Van.

Gumuho na ang lupang tinatayuan ko hanggang sa malaglag ako dito. Sumigaw ako pero walang tumutulong hanggang sa magising na lang ako at nasa maliit na kama na ulit.

"Wew. Panaginip lang pala." Sabi ko then tumingin sa orasan na nasa study table.

"Huwaaaa!" I panicked.

Dali dali akong bumangon at agad pumasok ng banyo. Isang rush na ligo at toothbrush lang pwede na sa tulad kong malapit ng malate sa school. Hindi na ako nagaksaya pa ng oras para magsuklay ng buhok, nanakbo na ako palabas ng lungga ko pasakay ng employees' elevator. Sa elevator na din ako nagsuklay tutal naman nasa pinakatuktok na floor pa ako at kung minamalas ka pa halos lahat ng floor dinaanan ng lintik na elevator.

"Mukhang nagmamadali ka na, hija." Bati ng isang empleyado na kasasakay lang ng elevator.

"Opo kuya. Sobrang halata ba?" Sagot ko habang nagsusuklay ng buhok.

"Halatang halata. Nakashorts ka pa, hija." Ano daw? Oh my golly wow. Sa lahat ng pwedeng makalimutan yung skirt ko pa.

"Naku! Nakakahiya!" Sigaw ko at agad lumabas ng elevator pagbukas nito. Lilipat sana ako ng ibang elevator pero ang tagal pa nitong mag-going up kaya nagdecide na akong gumamit ng hagdan. Nasa 15th floor na ako at kailangan kong bumalik sa 19th floor. Nakakahingal.

Para na akong asong uhaw na uhaw ng makarating ako sa floor ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko at pamamanhid ng hita ko.

Nanakbo na ako pabalik sa maliit na kwarto ko ng biglang bumukas ang pinto ng isa sa mga condo unit at saktong sapul sa mukha ko iyon. Sa lakas ng impact dahil sa pagtakbo ko at pagbukas ng pinto natumba pa ako sa sahig. Buti na lang carpet ang binagsakan ko at hindi purong semento.

"Ouch!" Hawak ko pa ang noo ko na feeling ko tutubuan ng bukol ano mang oras.

"Bakit ka ba nanakbo, miss?" Tanong ng boses lalaki. Tsk. Hindi man lang tinanong muna kung ayos lang ako.

Priceless - O N H O L D -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon