6

97 1 4
                                    

Chapter 6

"I need you."

Wala pala s'yang ibang ibig sabihin d'yan. Kailangan n'ya ako para sa isang dahilan.

"How to get home? My car is broken." Preskong sabi nito.

"Problema mo na 'yan."

"We're living under the same roof. You can help me."

"Same roof?! Yumi, nag-lilive in kayo?!" Napabuntong hininga na lang ako at napahawak sa noo ko.

"Yung totoo, Brix? Bakit naman ako makikipag live-in d'yan?!" Halos sumigaw na ako sa inis. Nakakabadtrip.

"S-sorry naman. Ito kasing si Cloud eh." Brix. Hindi ko na lang s'ya pinansin at nag-focus ako kay Cloud.

"Wala ka bang pera? Mayaman ka 'di ba e bakit hindi ka na lang mag-taxi?" I suggest pero parang wala s'yang narinig at bigla na lang n'ya akong hinila.

"H-hoy! Ano ba?!" Reklamo ko pero hindi talaga s'ya natitinag. Ano ba naman 'to lagi s'yang nanghihila. Nakakainis na aa.

"Bitiwan mo nga s'ya!" Si Brix naman nakisali na at kinuha n'ya ako kay Cloud. At ngayon parang may kuryente sa pagitan ng titigan nila.

"Ano ba'ng problema mo, pare?" Tumingin ako kay Brix at pati s'ya inis na din kay Cloud.

Nag-shrug lang s'ya at lumapit sa'kin na parang walang Brix na nag-eexist. "Today is not my day, Torres. You got me burned by hot coffee, my car is not working and I lost my wallet and my phone earlier at school. See? I have nothing. I only have you."

Dug

"S-so? K-kasalanan ko ba 'yun?" At bakit ka nauutal, Yumi? Umayos ka nga. Kailangan mong manalo laban sa pangongonsensya n'ya.

"Papautangin na lang kita ng pan-taxi mo, wag mo lang guluhin si Yumi." Suggest ni Brix pero hindi na naman s'ya pinansin ni Cloud. Bakit ba ganito s'ya? Para s'yang may kulang na turnilyo. 'Di kaya baliw talaga s'ya? As in literal?

"Torres. I wanna go home. I'm dead tired."

Hay naku. Walang ending 'tong usapan na 'to. May gagawin pa ako kaya sobrang kailangan ko nang umuwi. Ayoko nang makipagbaliwan pa. Tsk tsk.

"Fine, Mr. Linden. Pero last na 'to aa. Huwag mo na ulit ako guguluhin, maliwanag?" Sabi ko with matching pointing finger sa kanya. Nag-shrug lang s'ya at hinila na naman ako.

"Bukas na lang ulit, Brix!" Sigaw ko habang parang aso na hinihila ni Cloud. Si Brix naman tulala lang at parang gusto akong habulin. Hay naku, Brix. Pabayaan mo na tutal last na naman 'to.

Sana.

"Taxi---" Papara na sana ako ng taxi pero pinigilan n'ya ako. "Aray ko naman!" Reklamo ko. Kasi naman kung makahila sa braso ko akala mo naman ang laki laki kong tao. Slim lang kaya ako. Tsk.

"I don't want a cab."

"Bakit ba ang arte mo? Ako na nga magbabayad o! Minsan lang 'to kaya 'wag ka nang choosy!" Sabi ko. Totoo naman kasi, never akong sumasakay ng taxi. Minsan lang kapag libre ng mga kaibigan ko.

"I feel like trying the commoner's way." Napanganga na lang ako sa gusto n'yang mangyari. Baliw nga talaga s'ya. Walang duda.

At dahil wala na naman akong magagawa pumayag na ako. Bahala kang mahirapan. Ako sanay na ewan ko na lang sa'yo.

Nagpunta na kami sa bus station at madami nang tao. Ilang bus na din ang dumaan pero hindi pa kami nakakasakay kasi laging punong puno. Kaya naman nang may matanaw na akong medyo hindi punong bus pumwesto na ako. Hinila ko si Cloud para makalapit sa mismong kalsada.

Priceless - O N H O L D -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon