IKA- 26 NA PUTOK

14.2K 503 76
                                    

ALEGRIA’S POV
“ANO ba?! Bitiwan niyo ako! Ang papangit niyo!” Hindi talaga ako tumigil sa pagwawala habang hinihila ako ako ng dalawang rebelde.
Dapat talaga akong manlaban dahil mukhang gagahasain ako ng mga ito. Ang ganda-ganda ko kaya, malamang, pinagnanasaan na nila ako. Pero, dadahlhin siguro nila muna ako doon sa sinasabi nilang Kumander Labak. Pinuno nila 'yon for sure at iyon ang unang gagahasa sa akin.
No! No! No!
Hindi ako papayag na sila ang makakauna sa akin!
Reserved na ang virginity ko kay Aldrian dahil sa usapan namin, 'di ba?
At wala na nga akong nagawa nang maipasok na ako ng dalawang rebelde sa isang kubo na may kalakihan. Sa gitna ng kubo ay may isang matangkad na lalaki na nakatayo. Matikas at balbas-sarado.
“Kumander Labak, 'andito na po ang babae!” sabi ng isang rebelde.
Tumalsik pa ang laway niya sa pisngi ko. Mukhang hindi pa naman siya nagto-toothbrush!
Kadiri, ha! Eww!
“Sino ba talaga kayo?! Pwedeng pakawalan niyo na nga kami!” Tapang-tapangan pa rin ako.
“Sige, iwanan niyo na kami,” sabi ni Kumander Labak sa dalawang rebelde. Malaki ang boses niya. Buong-buo. Lalaking-lalaki.
Hindi ko alam pero talagang sinakal ako ng takot at kaba nang kami na lang ni Kumander Labak ang naroon sa loob ng kubo. Iba ang aura niya. Nakakatakot talaga. Napaka brusko kasi ng peg niya. Pwedeng-pwede naman akong tumakbo at tumakas pero for sure, hindi pa man ako nakakalabas ng pinto ay dedz na ako. May dalawa kasing baril na nakasukbit sa gilid ng suot niyang pantalon. Bukod pa ang armalite yata na nakasabit naman sa balikat niya. Scary, 'di ba?!
Naglakad siya palapit sa akin. Titig na titig ang bruho!
Pagkalapit niya sa akin ay tinanong niya ang pangalan ko.
“Alegria,” sagot ko.
“Maganda ang pangalan mo. Bagay na bagay sa’yo!”
Naglakad siya paikot sa akin at sigurado ako na hindi naaalis ang mata niya sa akin.
Diyos ko! Help me naman po. Wala akong kalaban-laban dito. Huhu!
“'Wag po, koya… 'Wag po…” nanginginig na sabi ko.
Afraid na talaga ako.
Tumigil pa siya sa harapan ko at talagang nangilabot ako ng haplusin niya ng magspang niyang palad ang malambot kong pisngi.
“Ready ka na ba?” Manyak na manyak talaga ang datingan ni Kumander Labak.
“R-ready saan? Don’t you dare!” Napa-english na nga ako nang tuluyan.
Isang kindat lang ang isinagot sa akin ni Kumander Labak.
Jusko! Ito na yata ang kinakatakutan ko!

“AHHH!!!” Mahabang ungol ko. “Dahan-dahan lang at masikip!”
“Ikaw lang naman kasi ang nagmamadali, eh!” natatawang turan ni Kumander Labak.
“Hayaan mo na nga. Sige, ipasok mo na!”
At maya maya nga ay…
“YES!” magkasabay na sigaw namin nang sa wakas ay pumasok na.
Humihingal kami parehas.
Yes, pumayag na ako sa gusto ni Kumander Labak dahil gusto ko rin naman. Buong puso akong pumayag at walang pang-aalinlangan.
“Buti kasya sa’yo ang skinny pants na 'yan, Alegria! So pretty!” tuwang-tuwang sabi ni Kumander Labak.
“Medyo masikip nga lang kaya ang hirap ipasok sa hita ko pero keri lang, Kumander Labak!” sabay apir ko sa kanya.
Yes, siguro ay amoy niyo na rin ang berdeng dugo na umaagos sa ugat ni Kumander Labak. Beki pala siya pati na ang kanyang mga rebeldeng alagad. Ang gusto lang pala niya ay ayusan ako dahil dream niya noon ang maging fashion stylist at make up artist.
Nilagyan niya ako kanina ng make up na like na like ko naman dahil mas gumanda pa ako. At pinahiram niya sa akin ang mga damit pambabae na binili niya sa bayan. Pangarap daw niyang isuot ang mga iyon pero dahil hindi kasya sa kanya ay sa akin na lang daw.
“Sana ay kasing-sexy at ganda mo ako, Alegria!” malungkot na turan niya.
“Ano ka ba? Okey lang 'yan. Diet-diet din kasi!”
Habang pinapaganda ako kanina ni Kumander Labak ay sinabi niya sa akin ang lahat. Ang MLLH o Mga Lalaking Lalaki ang Hanap ay samahan ng mga rebelde at maton na mga bakla na hindi tanggap ng society. Dito sila sa kagubatan nagtatago upang malayo sa mapanghusgang mata ng ibang tao. Atleast daw dito, nagagawa nila ang mga gusto nila.
So, safe naman pala kami. Ewan ko ba kung bakit itinali-tali pa nila kami.
At papakawalan din naman nila kami mamaya. Pero may kondisyon…
Gusto nilang gahasain si Aldrian!
Pero dahil matalino ako, nagawan ko na iyan ng paraan. Ako pa ba? Si Alegria Manansala na sobrang maparaan. Sinabi ko kay Kumander Labak na hindi niya pwedeng gahasain si Aldrian dahil katulad din nila itong bakla. Ayun, naniwala naman siya. Hindi daw niya kaya na gumahasa ng kauri niya at baka malason siya.
I am so bright talaga!

ALDRIAN’S POV
SIGURO ay isang oras din ang lumipas saka bumalik si Alegria. Inaasahan ko na babalik siya dito nang umiiyak at punit-punit ang damit pero bakit ang saya-saya pa niya at naka-make up pa at bago ang damit.
Well, mas lalo pala siyang maganda kapag nakaayos.
“Hi, Aldrian!” kumakaway pa talaga siya habang papalapit sa akin.
Pagkalapit niya ay inumpisahan niya akong kalagan sa pagkakatali.
“Bakit parang ang saya mo? Nasarapan ka ba sa pangre-rape sa’yo ng mga rebelde?” tanong ko.
Binatukan niya ako. “Sira! Rape ka diyan! Hindi ako ni-rape, 'no!”
“Ha?!”
“Oo… Ganito kasi 'yan…”
At sinabi na nga sa akin ni Alegria ang lahat…
Na mga baklang rebelde ang MLLH at pinaganda lang siya ni Kumander Labak. At ang kailangan ko daw gawin ay magpanggap na bakla para makaalis kami. Dahil kung hindi, at kapag nalaman ng MLLH na lalaki talaga ako, gangbang daw ang aabutin ko.
“'Langya! Kaya pala Kumander Labak kasi bakla! Labak, 'pag binaligtad ay bakla!” palatako nang makalagan na ako ni Alegria.
“Kaya nga. Ayusin mo ang pagiging bakla mo paglabas natin dito sa kubo. Nasa labas silang lahat ay magpapaalam daw silang lahat sa atin.”
Kunwari ay maarte ko siyang inirapan. “Keri ko 'yan, sissy!” sabi ko sa malambot na boses.
Tawa naman nang tawa si Alegria sa pagbabakla-baklaan ko.
“Hayop ka! 'Di bagay sa’yo ang maging bakla!” tawa pa rin siya nang tawa.
Ang sarap naman pakinggan ng tawa ni Alegria. Napaka-sexy. Parang nang-aakit.
Haaay… Iba na talaga ang epekto niya sa akin.
Parang lahat ng gawin niya ay sexy para sa akin.
Nalilito na tuloy ako sa nararamdaman ko para sa kanya.
Libog lang pa ito o… pag-ibig?

Ang Paglalayas Ni JunjunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon