Prologue

59 3 0
                                    

She thought I like her.

“Louie! Please tell me hindi totoo ‘yong sinasabi nila! Alam kong gusto mo din ako.” Cheska said desperately.

Hindi ako nagsalita. Para bang kasalukuyang prinoprosesa pa rin ng utak ko ang mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na akala ng babaeng nasa harapan ko na gusto ko siya.

“Louie” mangiyak-iyak niyang sinabi. I can hear her frustrations.

Nanlambot ang puso ko. I can’t tell her. She is my friend. Bestfriend. I don’t want to break our friendship. She was there for me. I just can’t.

Saka lang ako natauhan ng lumuhod siya sa harapan ko. She’s desperate. Nabigla ako dahil akala ko that was just an act. Pero nang nagmakaawa siya, ay ‘di ko na kinaya.

“Cheska! What are you doing?!” pagalit kong tanong. “Please stand up” Sabi ko sabay  hila sa kanya.

“Sabihin mo na gusto mo din ako Louie!” nabasag ang boses niya.

Naghintay siya sa sagot ko. Pero walang salita ang lumabas sa bibig ko.

“Okay” sabay tayo at punas sa mga luha niya. “Aalis ako. Pigilan mo ako kung gusto mo din ako pero…” Mas humina ang boses niya. “kung kaibigan lang ang pagtingin mo sa akin…”

Hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil mas mahina pa sa bulong ang boses niya. Nagsimula na siyang naglakad palayo sa akin. Huminto pa siya at lumingon. Tinignan ko lang ang mata niyang blurry. Nagpatuloy siya sa paglalakad at ‘di na ulit lumingon.

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon