Chapter 2

45 5 0
                                    

Memories...


Tinignan ko ang damit ko. Nakasuot ako ngayon ng brown boho fringe top, white shorts at sandals. Of course, 'di ako magpapahuli sa trend and I'm very much aware when it comes to clothes. Fashionista ika nga nila.

Kanina pa ako pasulyap sulyap sa relo. It's still 8:30. 'Di na ako makapaghintay, I want to go now.

Sabado ngayon, walang pasok kaya pupunta kami ni Louie sa mall. I already told him iyong tungkol sa pagyaya ni My husband este Humprey para maging date niya. Sinabunutan, hinampas hampas at kung ano pa ang pinaggagawa ko sa kanya habang kinukwento ko ang proposal niya sa akin.

"Hindi ka ba nagtataka? Parang kahapon lang, halos mandiri siya sayo" iyan lang naging kumento niya.

Inirapan ko siya.

"Maybe na-realize na niya na I'm the one for him" You're just bitter Louie.

That's why I need to prepare everything for the Valentine Celebration kahit na it's still 2 weeks to go. Ngayon lang ako naging ganito kaaga maghanda, of course Humprey will be my date and everything must be perfect. 9:00 ang pinag-usapan naming, dapat 8:00 na lang sana.
Tumingin ako sa bintana at agad kong nakita ang papasok na kulay itim na Lamborghini Sesto Elemento.

Tumalon talon na ako sa saya at agad na bumaba. That's Louie's car. Sino ba naman kasi ang 'di makakakilala sa famous na sasakyan nitong lalaking 'to and ako 'yong pumili niyan.

Regalo ng parents niya 'yan noong 13th birthday niya. Ako ang pumili kasi magkapareho daw kami ng taste ni Louie sabi ni mama niya.

"Ma'am uwe daw po kayo ng maaga sabe ni madam." Pinaalalahanan ako ni Yaya Maine.

"Opo, punta na kami."

Magkakaroon ng family dinner mamaya dahil magbabakasyon ang mga kapamilya namin mula sa ibang bansa. Of course, I'm excited kasi ilang taon na din na 'di sila nagbakasyon dito. Kaya si Louie kasama ko ngayon since busy si mama at papa sa preparation for the dinner. You know my mom, hindi 'yan papayag na simple lahat, dapat bongga.

Bumukas ang pintuan sa front seat at unang sumalubong sa akin ang nakabusangot na mukha ni Louie.

"What's up?" may pinindot siya at agad sumara ang pinto.

"I got slapped by Sasha kanina. Twice" Paliwanag niya.

"Wooohh. Don't act like it's your first time." Tumawa tawa pa ako.

Kase naman ang cute tignan si Louie lalo na 'pag ganito kaseryoso ang mukha niya.

Agad na niya pinaharurot ang kanyang sasakyan. 'Wag kayong magtaka kung bakit pwede na siyang magmaneho gayong fifteen pa lamang siya. Louie is known also for his amazing skills in driving. He won an international contest last year kaya pinayagan na siyang magmaneho pero syempre may limits, hanggang Ilocos lang siya pwede.

"Hey, chill there bro. Baka mabangga tayo nito"

"Wait, natamaan ka ba sa kanya?" Nagtaas ako ng kilay.

"No." He answered na parang nandidiri.

Ang hirap naman ispellingin ito.

"So, why are you acting like a broken-hearted man?" kinanta ko pa talaga ang mga huling linya.

"Nevermind. Tssss" pagsusungit niya.

Humalakhak na lang ako. Ngayon lang ito nagkaganito. 'Di ko mapigilan ang pagtawa dahil sa sobrang kacutean.

Nakatitig lang siya sa daan at nakakunot ang noo. Sungit....

Pinagkaabalahan ko na lang ang mga cd at pumili ng isa.
Umalingawngaw sa buong sasakyan ang pamilyar na kanta.

Can this be real
Can someone tell me please
That I'm not living in a dream
I've waited for so long
I can hardly believe
That love is finally made
Its way to me
I have it all in you
You're my dream come true
It feels so good
to have you here

Bumuhos ang mga ala-ala. Ito 'yong kinanta niya noong 12th birthday ko. Syempre, hindi basta-basta 'yong pagkanta niya because that was the first time everyone heard him sing even his parents and with a piano!

"Buhay pa pala ito, haha" tinignan ko siya habang seryoso pa ding nakatitig sa daan.

"Siguro bilib na bilib ka sa boses mo kaya nandito pa ito ano" nakangiti na lang ako.

Napapikit ako habang dinadama ang napakalamig na boses na ito. Hindi na ako magtataka kung isang araw magiging sikat na singer si Louie, sa lamig naman kase ng boses at galing niya sa pagtugtog ng piano at gitara. Idagdag na natin ang mukha niyang nakakabihag at katawan na sobrang hot. Don't get me wrong, haha. Of course kita ko na iyong six-pack abs niya noon pa man.

All the sorrow and tears of yesterday
Are faded away
Now tomorrow looks so bright
Baby with you in my life

At narinig ko iyong boses kong sumabay sa kanta noon. 'Yan tuloy hiyang-hiya na ako. Kasi naman ang ganda ng boses ni Louie, samantalang ako.....Ugghh~

Tinignan ko siya at ngayon nakangiti.

"Uy, hindi naman ganon kapangit ng boses ko. Sana cinut mo na lang kase 'yong pagsabay ko sa kanta" iritado kong sinabi.

Mas lalo pa niyang nilakihan ang ngiti pero nakatitig pa rin sa daan. Ang sungit sungit lang nito kanina tapos ngayon.... Sarap batokan.

Ihihinto ko na sana 'yong kanta dahil patapos na din at ayoko ng pakinggan ang nakakahiya kong boses. Kung bakit pa kasi nakikanta pa ako...

Happy birthday Princess. Hope you liked my gift.

Thank you Louie. You've been always there. I love you.

I love you too Chez~

Hindi ko ito makakalimutan. Niyakap ko siya noon pagkatapos at hinalikan sa pisngi. Mangiyak-iyak na nga ako noon e, nacarried away yata ng sobra.

"Pati ba naman 'to hindi nacut. Ang OA ko diyan, nakakahiya" hlalakhak ko.

"Ang cute mo nga diyan e" sumulyap siya sa akin at ngumiti.

"Bolero" bulong ko. Baka nakakalimutan mo, alam ko na ang mga moves ng mga playboy. My cousins' lines. And you...

Tinigil niya angsasakyan. Nandito na pala kami. Hindi ko namalayan a.

Pinark niya ang sasakyan at una siyang lumabas. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at naglakad na kami papasok ng mall...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon