Chapter 2

38 4 2
                                    

Will you be...


Tumingin siya sa akin nang nakalapit na ako. Ayan na naman 'yong mga intimidating na mga mata niya. Nakakamatay. Sa kahit na anong anggulo talaga, makikita mo ang godlike face niya.

Binalik niya ang tingin sa notes niyang kanina pa pinagkakaabalahan.

"Stop it Cheska" napatalon ako sa pagtawag niya ng pangalan ko.

For the first time in history, tinawag niya ako sa pangalan ko. Ngayong nasa Grade 9 na kami. For six years, I've waited for him to call me by my name.

"What do you want?" Nabigla ako, napansin niya yata ang pagtitig ko sa perpektong mukha niya.

"Can I seat?" sabay nguso ko sa bakanteng upuan na hinaharap niya.

Hindi siya nagsalita. Hindi naman sa nag-aassume ako pero silence means yes, right? Kinapalan ko na lang ang mukha ko at umupo.

Napatingin siya sa ginawa ko.

"O, I'm sorry. Akala ko kase okay lang" siyempre, may hiya din na natitira sa akin.

"No, it's okay." Sabi niya sabay iwas ng tingin.

I'm pretty sure I look like an idiot right now. Nakangiti na parang baliw. 'Yong abot tengang ngiti.

"So, what are you doing?" sabay tingin ko sa mga note na kanina pa niya pinagkakaabalahan.

I'm not blind nor stupid, alam kong notes sa niya sa English 'yon kase sumisigaw ng "English" sa harap ng notes niya. But since kanina pang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa amin, ayokong sayangin ang pagkakataon na 'to.

"Review" tipid niyang sagot habang 'di pa din tumitingin sa akin. Sungitttt...

"Oh okay" wala na kase akong masabi. Sobra lang akong namangmangha sa mukha niya. Nakakalasing. Lalo na kapag seryoso ang kanyang mukha, mas lalo lumalalim ang singkit na mata niyang nakakalunod.

Nakatingin lang ako ng diretso kanya samantaang busy siya sa pagbabasa sa notes. Ilang minute pang walang umimik, AWKWARDDD....

"Do you have a date this coming valentines?" agad- agarang tanong niya. Nilapag niya sa table ang notes at tinignan ako ng diretso.

Alam kong namumula na ang aking pisngi na parang kamatis ngayon kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

Oo,may magaganap na Valentine Celebration dito sa school sa February 14. Every year. Para siyang Promenade pero lahat makakapunta and dapat may kasamang date. I waited for him to say this for how many effin' years. OMGGGGGGGGG~

"Wala pa" sagot ko. Wala pa talaga akong ka-date.

Marami na ang nagyaya pero tinanggihan ko dahil si Humprey lang ang hinihintay kong mag-anyaya sa akin kahit na alam kong imposible. Sa nakalipas na dalawang taon ko dito sa Bangui National High School, si Louie lang ang date ko everytime may okasyon. Syempre, pumapayag din naman siya.

In speaking of Louie, asan na kaya iyon? I bet nasa mall na sila ng impaktang si Sasha. Alam mo na , playboys like Louie? (playboy na parang 'di playboy) Mall ang unang pinupuntahan, I find it corny pero other girls find it romantic. Nanonood ng movie, kakain. Boring, haha.

"Can I be your date then?" namula ang kanyang pisngi. Wait, what? Namula ang kanyang pisngi. OMGGGGGGGGGGGGGG~ maghahyperventilate ata ako nito.

Yes, I will baby. Yes, of course my darling. Tinatanong pa ba yan, ikaw na lang hinihintay ko Humprey. 'Yang ang mga sagot na naglaro sa isip ko. But I stopped myself from showing him how I'm obsessed with him right now.

"Yes" nginitian ko siya. I need to stay like a dalagang Pilipina. 'Wag kang magpakabaliw Cheska. Not now, you know he hates girls with obsession.

Sinuklian niya rin ng matamis na ngiti ang ngiting abot tenga ko.

"Okay then, mauna na ako. May klase pa kasi ako" tumayo na siya.

"O-okay" Ayan nauutal na ang lola niyo.

Naglakad na siya palayo.
Now, I'm left here with a stunned face. I still can't believe that my dreams are starting to realize. Una, nakausap ko na siya. Second, he asked me to be her date.

Nanatiling ganon ang reaksyon ko. Tulala na nakangiti. Natauhan lang ako nang biglang...

"Hoy" sumulpot na lang bigla si ang panira kong bestfriend na si Louie at umupo sa harap ko kung saan nakaupo si Humprey kanina.

"Ba't parang ang saya saya mo, e kanina lang nag-aalburuto ka sa galit?" nagtataka niyang tanong.

"You won't believe what just happened Louie!" niyugyog ko siya.

"Calm down Chez. What is it?"

"Where's Sasha?" ngayon ko lang napansin na wala na ang dakilang tagalandi.

Nagkibit balikat na lang siya at hinintay ang sagot ko.

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon