Spoiled kid.

16 0 0
                                    

Ngayon naman, tungkol sa clumsiness ko. Balik tayo numg grade 4 ako.

Nung grade 4 ako, ka-close ko mommy nun SOBRA, mahal na mahal ko pa siya nun. Lagi niya akong inaalagaan, worried siya lagi, pinapasaya niya ako kahi wala si daddy.
Pero nung nag-grade 5 ako....

May contest kami nun eh. OLHPS Got Talent ang title, magau-audition pa lang kami ni H kung tawagin natin, singing ang pinili namin. Ang kakantahin namin is Thousand Years, naging paborito ko yan dahil yan ang kanta na pinapass kami, yun na nga nung nagpass na ako. In the next 2 weeks ata? Contest na talaga, tuwang tuwa akong nagtanong kay mommy kung ano ung isusuot ko:

"Ma, ano isusuot ko? Ito o it--------" di ko natapos ung itatanong ko nung sumigaw siya ng "Bahala ka na! Malaki ka na! Kaya mo na yan, kaya wag ka ng maging palaasa! Argh." Galit siya sa tingin ko. Inayos ko gamit ko na habang pinipigilan ang iyak ko at umalis na "Alis na ako." Sabi ko sabay alis na dahil di niya ako narining malamang. Ang aga kong pumasok, nag-heads down ako hanggang padami ng padami ang tao sa classroom.

Nung madami na, napansin nila ako at nagtanong "Kinakabahan ka b-----" at di natuloy nung umiyak na ako. "Rei! Bat ka umii------"

"Palaasa ba ako? Ayaw niyo ba na ganito ako?" Sabi ko at confused sila at di nila alam kung ano ang sasabihin nila kaya tinawag yung Guidance Counselor namin.

"Rei... Bat ka umiiyak?" Nagtanong siya pero di ko siya sinagot. Pinatahan niya ako at gumaan ang loob ko at sinabi na sa kanya ang nangyari "Diba may contest ka? Stop crying na. Baka di pa kayo manalo dahil umiiyak ka." Nung sinabi niya yun umiyak ako at niyakap siya.

Maya maya tumigil ako at ito na.

Ring ring ring

May tumatawag. Si Mommy. Pumunta ako sa C.R. at sinagot ko call ni mommy.

"Di ako makakapunta. Masakit tiyan ko, ask H's mommy na magpicture kayo ah? Sorry." Tsaka niyang binaba. Lumuha alo ng unti at nangiba ang paningin ko. Nangiba rin ang itsura ko nung tumingin ako sa mirror doon.

"Ikaw pa ba yan, Rei?" I thought. Binasa ko mata ko at pinunasan at doon na ako nagkaroon ng confidence na kumanta ng husto, kahit wala si mommy. Napagisipan ko na kahit wala siya, mabubuhay pa ako.

At doon, kinanta namin The Climb ni Miley Cyrus. Maganda yung kanta na yun, paborito ko yun since narelease yung song na yun. At habang kumakanta, masakit yung dib dib ko kaya ginawa ko yung sinabi ng tita ni H "Yung gestures o Facials gawin mo para mawala yung stress." Kahit wala akong alam sa sinasabi niya, ginawa ko pati ang pagtingin sa isa't isa, ginawa ko.

Ang iisang thought na nasa utak ko ay "Ayaw ko na kay mommy... Sinaktan niya ako..." At doon nagsimula ang pagkagrumpy ko sa kanya.

Kaya clumsy ako dahil parang hinihintay ko ung isang tao na tutulungan ako at di ako iiwanan. Pero di lang iisang tao pala yun. Nandoon si Jade, Elle at Jae Hyung at ako naman ay naandito bilang Reika ng storya namin.

Pinaka ayaw ko marinig kanila daddy "Bat ka ganyan?" "Naiinggit ako sa ibang mag-ina dahil close sila pero tayo... ang sungit mo."

Ngayon kaya, bakit kaya ako naging ganito? Ano kaya sa tingin mo? Sino anh may gawa? Di ba ikaw? Wag mo ko lolokohin dahil pag nakikita ko na ganun sila ng nanay nila Jade, Jaehyung, Elle at Else nasasaktan aki dahil naging ganito ako dahil sayo... Ano na 'to? Traumatize? Natrauma ba? O hindi? Nasaktan lang at ayaw nang balikan?

Kaya mas kaclose ko ung mga naging kasambahay natin dahil sila na ang nagiging nanay ko instead of you.

Kahit sabihin ko na close na kami ni Mommy, Elle. Ayaw ko lang kasi balikan ung mga nangyari dati, kaya parang gusto ko lagi ko kayong kasama dahil natatakot ako baka umiyak ulit ako dahil dito. Dahil sa ginawa niya noon sa akin.

Natatakot ako eh.. Gusto ko kayo laging makasama.

Nagiging parang bata ako sa harapan niyo dahil gusto ko malaman ung feeling na spoiled kid ka? Kaya ganun.

Umiiyak tuwing gabi in secret. Nakakatakot nang umjyak ng mag-isa. Kailangan ko lang malaman ung feeling na na-spoil ka ng parents mo dahil mahal ka nila. Gusto ko yun eh... pero pati daddy ko ayaw naspo-spoiled kami dahil baka daw lumaki ng palaasa. Sila Xeon kaya? Can't you see na palaasa sila at gusto nila ang mga nakukuha ko na binibili ko na gamit yung perang inipon ko instead of asking you to buy me this and that?

Masakit sa puso, nakakagulo ng utak dahil sa ginawa niyo.

Diary ni ReiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon