First Move

2.2K 47 27
                                    

© 2013 by jariestories

ALL RIGHTS RESERVED

Nung una, isa lang itong one-shot story. Isa lang talaga itong entry pero dahil sa nabitin ako sa gawa ko (at may nagsabi rin na nabitin din daw sila, kaya sobrang natuwa ako) at saka gusto ko ring humasa ako sa pagsulat kaya pahahabain ko nalang. Dadagdagan ko lang yung mga scenes. (^o^)

Dedicated parin ito kay ate Jhing... (*o*)

✄ - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

                                           NO PROLOGUE

                     Genre: Teen Fiction, Romance, Humor

✄ - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

 First Move

Yurika's POV

"Ano ba kayo? Wag nga kayong makulit? Para kayong mga kiti-kiti, Oh my goodness. Aray..." sabi ko habang simpleng pinagtutulak yung mga babae, nakaharang sila masyado sa daraanan ko.

Kung hindi nyo alam, nandito ako ngayon sa park para SANA makalanghap ng sariwang hangin at magmuni muni dahil sobrang pagod ako netong mga nakaraang araw dahil sa maraming pinapagawang project dahil malapit nang magbakasyon, pero sa kasamaang palad, parang MAS polluted pa yata dito hindi lang dahil sa mababaho nila dahil sa kanilang hininga o di kaya'y sa mga kili kili nilang amoy sukang paumbong ; sobrang ingay pa nila na akala mo ay may artista o di kaya alien ang napadpad dito sa lugar na ito.

"They are so gwapo talaga. I know, one of them will be mine." narinig kong sabi nung isang babae dito sa gilid ko.

"So assuming? Duh!" pabulong kong sabi habang nakikipagsiksikan parin sa kanila

"Yeah right, kaya nga kapag tumingin lang ang isa dito sa pwesto natin hahablutin ko agad sya tapos dadalhin ko agad sya sa simbahan." sabi nya sa babaeng nagsalita kanina. Parang ngayon lang nakakita ng gwapo.

Eh ang masaklap? Gwapo ba talaga? Hindi natin alam...

"Desperada much?" bulong ko pa ulit na sabi.

Hindi lang pala ang magkaibigan na ito ang kilig na kilig kung hindi pati narin ang lahat ng babae na nandito sa park at kung maka-irit akala mo parang mga natatae lang o di kaya'y parang mga kinukurot sa singit.

Aalis na sana ako nang may biglang sumigaw. Nagulat ako sa boses.

"Pusang kinalbo naman o, sinong lapastangan ang nanuntok sa napakaganda kong mukha?" sigaw nung babae. Kaya napatingin kaming lahat sa pwesto nya. Akala ko babae, ayun pala binabae. Aalis na sana ako sa pwesto ko para sana umuwi na at matutulog nalang ako nang biglang may humila ng buhok ko.

"Saan ka pupunta babae? Akala mo makakatakas kana ha. Ang kapal ng mukha mo para suntukin ako. Wala kang karapatan. Ayan ang nababagay sayong walanghiya ka. Hampaslupa ka." sabi nung bakla habang sinasabunutan ako.

Touch Move (Super Duper Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon