Jin Zuñiga at the side...
----
Yurika's POV
"Jaine, hindi ko nga siya kilala. Kulit mo naman e." napapakamot pa ako sa ulo ko at halatang naiinis na dahil ilang beses na niya akong tinatanong.
"Imposibleng hindi. Nginitian mo yung lalaki kanina e. Sino nga yun. Kasi naman eh! Kainis ka naman eh! Sabihin mo na kasi. First time ko lang nakita yung lalaking iyon tapos nginitian mo na agad? Yung totoo Yuri, sino nga talaga yun?" ang kulit naman talaga neto ni Jaine kahit kelan. Okay lang naman sana kung salita lang siya ng salita eh, may kasama pang kulbit at pananakit. Nakita niya lang kasi na gwapo yung lalaki kaya iyan nagkakaganyan.
"Alam mo namang kapag may lalapit saking lalaki para magtanong o kung ano man ay iniiwasan ko na agad dahil baka bigla nalang akong makita ni Sonic na may kausap na iba. Baka maturn-off sakin yun." sabi ko sa kanya. Nawala bigla ang kanyang ngiti at biglang nagsalubong ang mga kilay.
"Ayun, Si Sonic na naman ang iniisip mo. Nakita mo namang isang ibon yun na sobrang tayog ng lipad tapos ikaw, eto, parang suso kung gumapang para makaahon sa kahirapan. Konyatan kaya kita dyan ng 90 degrees, makita mo." ayan na naman siya. Paulit ulit na lang siya nang sinasabi kapag napaguusapan namin si Sonic.
"Alam ko namang hindi ko maaabot ang isang iyon. Hindi na ba ako pwedeng humanga sa kanya Jaine? Hindi na ba pwede?" tanong ko sa kanya.
"Ay lintek, iba ang paghanga sa pagmamahal. Gets mo?" naguluhan naman ako sa sinabi niya. Ako mahal si Sonic? Parang hindi naman.
"Oy, hindi ko naman mahal si Sonic kaya manahimik ka na lang dyan. Imbento ka rin no." depensa ko sa kanya.
"Alam mo ba? Ang paghanga ay tumatagal lang ng tatlong buwan, pero iyang iyo --- Oh Gees.. Yuri" bigla na lang napatayo si Jaine sa kanyang kinauupuan dahil sa may biglang bumuhos sa ulo ko nang malamig na tubig.
"Papampam ka talaga Dayna no. Wala kang magawa sa buhay mong abnormal ka. Siraulo." akmang susugod na si Jaine ngunit napigilan ko naman siya agad.
"Tama na Jaine. Ayos lang ako." sabi ko sa kanya. Ayaw ko nang magkaroon pa ng gulo lalo na at ayaw ko rin na ako ang dahilan kung bakit nagkagulo.
"Lintek ka naman talaga Yurika oh. Okay ka lang niyang lagay na yan samantalang nanginginig ka na nga dyan sa sobrang lamig. Walang hiya ka talaga Dayna." akmang susugurin na ni Jaine si Dayna kaya naman agad ko siyang pinigilan.
"Tama na Jaine, ano ka ba. Tara na." bulong ko sa kanya. Tiningnan naman ni Jaine ng masama si Dayna at saka ko siya kinaladkad paalis sa lugar na iyon.
"OMYGASH..."
"Please somebody stop them."
Nagulat na lang ako sa nangyari dahil bigla na lang may humigit kay Jaine kaya tiningnan ko kung sino iyon.
"Pakielamera ka talagang babae ka. Pakielamera." paulit-ulit na sinasabi ni Dayna kay Jaine habang sinasabunutan ang buhok ni Jaine. Gumaganti naman rin ng salita si Jaine sa kanya.
“Ano ba. Tigilan mo kong walang hiya ka.” sigaw naman ni Jaine sa kanya at gumaganti rin ng sabunot. Nag-aalala ako para kay Jaine kaya naman ng agad ko silang pinigilan.
“Tumigil na kayo. Jaine, tumigil kana.” pumunta na ako sa gitna nila para awatin sila pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla ring may humila sa buhok ko at ako ay pinagsasabunutan. Nakatungo lang ako at iyak ng iyak habang pinapatigil yung taong nananabunot sa akin.
Ilang minuto lang ang nakakalipas ay hindi na ako nakakaramdam ng sakit at nanahimik rin ang paligid. Kaya naman iniangat ko ang paningin ko at nakita ko ang isang lalaki na walang ekspresyon ang mukha habang hawak hawak ang braso nang nanakit sa akin. Tahimik lang ang lahat ng nakakita ditto sa lugar namin.
“Bakla!” pagkasabi nun ng lalaking iyon ay pabalibag niya itong binitawan binitawan ang kamay kaya naman napaupo yung nananabunot sa akin.
Hinila niya ako papunta sa kanyang likuran at kanya namang inawat sina Jaine at Dayna sa pagsasabunutan. Biglang hinila nang lalaki si Jaine palayo kay Dayna. Napatigil si Jsine sa akmang pagsampal doon sa humila sa kanya ng makita niya yung lalaki at pagkatapos ay walang sabi sabing hinila niya kami paalis sa lugar na iyon.
- - - - - - - - - - - -
Nandito kami ngayon sa may lugar kung saan akala mo ay nasa parke kung saan ay may payong na malaki at may mga upuang bato ngunit nasa property parin ng Western University. Kaya kami nandito ay dahil ginagamot namin ang sugat ni Jaine dahil nagkaron siya ng kalmot nang nakikipag-away siya.
“Tuwing nakikita ko kayo, lagi kayong napapasama sa gulo.” Sabi nung lalaking tumulong samin.
“Kaklase kasi namin yung papampam na babaeng yon. Ang totoo nyan, si Yurika (sabay turo sa gawi ko) talaga ang binubully niya, e sadyang ako yung palaban kaya, ayan ako ang sinabunutan.” Nakasimangot na sabi niya. Bubuka na sana ang bibig nung lalaki pero bigla na namang nagsalita si Jaine.
“Kung tatanungin mo kami kung bakit siya ang pinupuntirya, HINDI din namin alam ang sagot. Baliw kasi yung babaeng iyon. Kaya hayaan mo na lang siya nakawala lang yun sa hawla nya.” Napa-ahh na lang ang lalaki. At ayun, nag-usap na nga ang dalawa na akala mo ay matagal ng magkakilala.
Makalipas ang tatlumpong minuto ang nakalipas ay biglang napatigil sa pag-uusap ang dalawa at napakamot na lang bigla sa ulo si Jaine. Kapag ganyan pa naman yan, ay may biglang papasok na kung ano sa kanyang utak.
“Alam mo, napapansin ko lang. Kanina pa tayo nag-uusap dito pero hindi ka pa namin kilala. Ano nga palang pangalan mo?” sa wakas ay napagtanto na hindi pa namin kilala yung lalaking kausap niya.
“Oo nga ano. Osige. Ako nga pala si Jin Emmanuel Zuñiga. But you can call me Jin for short.” at doon na tumatak ang pangalang Jin sa utak ko.
BINABASA MO ANG
Touch Move (Super Duper Slow Update)
Teen FictionHindi ko alam kung iaupdate ko pa ito...