Fifth Move
Yurika's POV
Isang buwan na ang nakakalipas simula nang makilala namin ni Jaine si Jin. Mabilis naming nakagaangan ng loob si Jin dahil na rin sa meron siyang sense of humor at nagpapalit siya ng schedule para maging kaklase namin siya sa lahat ng subjects. Isa rin siyang IT student katulad namin ni Jaine. Isa siyang transferee student mula sa Eastern University na kung saan ay nag-aaral din ang pinakagusto ko sa lahat.
"Bebe Jin, san ka pupunta?" tawag ni Jaine kay Jin. 'Bebe' ang tawagan nilang dalawa sa hindi ko malamang dahilan. Basta nabigla na lang ako, kinabukasan nang makausap namin ulit itong si Jin ay 'bebe' na agad tawag nila sa isa't isa.
"Tatae. Sama ka bebe?" sagot naman ni Jin ng nakangiti.
"Ew. Kadiri ka talaga kahit kelan. Osige na lumayas kana. Basta balik ka lang agad ha." nakangiting sabi ni Jaine kay Jin. Kumaway naman si Jin patalikod at saka dumeretso palabas.
"Oy babae." tawag sakin ni Jaine nang makita niyang medyo nakalayo na si Jin sa classroom namin.
"Oh, kelangan mo?" tanong ko sa kanya.
"May assignment kana ba sa WEBPROG?" napakamot naman ako sa ulo ko. Alam ko na yung mga ganyang tanong ni Jaine.
"Hmm. Sabi na eh. Mga ganyang tawag mo talaga. Oh eto." sabay bigay ko ng assignment ko kay Jaine.
"Thank you bestfriend. Kaya mahal kita e. Wag kang mag-alala, pagdating sa trigonometry lagi kang pasado." nakangiti pang sabi ni Jaine sakin at saka siya pumunta sa upuan na katabi ko lang rin naman. Napailing na lang ako sa ugali ni Jaine. Ganyan talaga siya, matalino rin naman siya kahit papano pero tamad nga lang. Minsan nga ay mas mataas pa ang nakukuhang niyang marka kesa sakin sa tuwing exam.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na ang professor namin sa WEBPROG ngunit si Jin ay hindi parin dumadating. Naramdaman ko nalang na biglang may naniniko sakin sa may bandang gilid ko kung saan nakaupo si Jaine. Tiningnan ko naman siya ng nagtataka.
"Bakit hindi pa dumadating si Bebe Jin?" pabulong na tanong sakin ni Jaine.
"Aba malay ko dun kay Jin. Nakita mo namang magkasama tayong dalawa tapos ako yung tatanungin mo." sagot ko sa kanya. Napasimangot naman si Jaine sa nakuha nyang sagot sakin.
"Nakakainis ka talaga. Nagtatanong lang naman ako. Grabe ka talaga sakin. Hindi mo na ko love." Pagkasabi nun ni Jaine, tumingin na sya sa harap na nakanguso.
"Wag kang iusli yang nguso mo. Baka maging kamukha mo si Daffy Duck." bulong na sabi ko sa kanya.
"Yuck, kadiri ka talaga. Of all characters, kay Duffy Duck pa talaga. How dare you. Hindi mo na talaga ako love." pagkasabi niyon ni Jaine ay bigla siyang sumubsob sa kanyang desk. Ayaw na ayaw niya talagang kinokompara kay Duffy Duck dahil daw sa laging nagpapaulan ng laway. Hinayaan ko na lang siya sa kanyang pag-eemote at saka ako nakinig kay ma’am.
"We have different tags in HTML. First is the heading tag… blah blah blah…" at nagpatuloy sa pagdidiscuss si ma’am.
Makalipas ang dalawang oras na discussion ay agad ding lumabas si ma’am at sa loob din ng dalawang oras ay hindi rin pumasok si Jin sa klase.
"Oy babae, bakit hindi pumasok si bebe Jin?" malungkot na sabi ni Jaine habang nagliligpit ng gamit niya. Saktong wala na kaming klase kaya nag-aayos na kami ng gamit para sa pag-uwi.
"Miss mo na agad ang bebe mo ha. Ikaw Jaine, iba na yan. Hindi na yan basta kaibigan lang ha." Panunukso ko sa kanya.
"Loka loka. Hindi kami talo ni bebe no. jkshglds" hindi ko na naintindihan yung binulong niya kaya napakunot ang noo ko sa kanya.
"Sabi mo babae?" tanong ko sa kanya.
"Wala ng ulitan sa taong bungol." naku talaga tong taong to.
"Hindi ako bungol. Baliw ka." isinukbit niya na lang yung gamit niya at saka ako sumunod sa kanya palabas.
Nasa hallway na kami para makarating sa may parking lot ay may nakasalubong kaming limang babae na parang nagmamadali sa kanilang pupuntahan. Hindi na sana namin papansinin yung mga dumaan ngunit nabigla ako nang bigla kinausap ni Jaine yung lima.
"Wait." tawag pansin ni Jaine dun sa limang nagmamadali. Hinawakan pa ni Jaine amg braso nang isa sa kanila dahilan para mapatigil ang apat na natitira
"Pakiulit nga yung pinag-uusapan ninyo? Sino ulit yung nasa clinic?" seryosong tanong ni Jaine sa kanila.
"Ha?" sagot nung isa na hinahawakan pa rin ni Jaine ang braso.
"Ano ulit yung pinag-uusapan ninyo?" seryosong sabi ni Jaine.
"Nalaman lang namin to sa mga guard dito sa campus. Nadamay daw si Jin sa gang war dun sa may underground." sagot naman nung isa sa lima. Yung underground na sinasabi nila ay yung lugar kung saan maraming gangs na nag-aaral dito sa Eastern University ang nakatambay doon. Minsan lang din ang gang war doon dahil sa halos lahat naman ng gangs dito sa school ay magkakaibigan naman.
"Gang war? Anu-anong gang yon?" tanong ni Jaine. Nabigla naman ako sa tanong niya.
"Hindi lang po namin alam kung anong gang yung mga yun ate. Bakit po?" pagbibigay alam nung babaeng hawak ni Jaine sa braso.
"Wala, wala. Osige na. Makakaalis na kayo. Salamat sa impormasyon." Sabi ni Jaine. Sinundan ko ng tingin yung lima papunta sa clinic.
"Babae, pupunta lsng akong underground. Kelangan kong malaman kung anong gang yung nag-away." nataranta naman ako sa sinabi niya kaya naman hinawakan ko kaagad siya sa kanyang braso.
"Alam mong hin..."
"Pero kailangan." sabi niya.
"Mag-iingat ka." ayun na lang ang nasabi ko. Ngumiti naman siya sakin at saka tumango.
"Ako pa ba ang hindi mag-iingat. Sige, puntahan mo na si Jin sa clinic." Pagkasabi niya nun ay tumakbo na siya papuntang underground.
BINABASA MO ANG
Touch Move (Super Duper Slow Update)
Fiksi RemajaHindi ko alam kung iaupdate ko pa ito...