Third Move

145 11 2
                                    

Third Move

Yurika's POV

"Yurika gising, lunch break na." naalimpungatan ako sa paggising sa akin ni Jaine. Isa lang pala panaginip ang lahat. Ang akala ko isa na akong matapang na babae, at higit sa lahat akala ko magkakaroon na ako ng lovelife. Napailing na lang ako sa naiisip ko.

"Tara na." sabi ko sa kanya tsaka tumayo at dumiretso na papuntang cafeteria.

"YURIKA!" napapikit na lang ako sa nangyari. Basang basa ako ngayon dahil sa may biglang sumaboy sa akin ng tubig.

"Oops! Sorry. Nagkamali ako ng natarget e." sabi ni Dayna.

"Tanga, kami pa talaga ang niloko mong baliw ka? Nakita mo namang kaming dalawa ni Yuri ang nandito sa room. Tapos sasabihin mong nagkamali ka ng target? Nagpapapansin ka ba talaga? Wala kang magawa sa buhay mo ano kaya pati yung taong nananahimik pinagtitripan mo." biglang singit ni Jaine. Ang sama ng tingin ni Jaine kay Dayna.

"Okay ka lang ba Yuri? Naku basang basa ka na tapos ang baho mo pa." naaawang sabi sa akin ni Jaine. Napayuko nalang ako at pasimpleng inamoy ang sarili ko. Totoo nga ang sinabi ni Jaine na mabaho na nga ako. Kaya nung hilahin ako ni Jaine ay hindi na ko nagmatigas pa.

* * *

"Wala na talagang ginawang mabuti sayo yang Dayna na yan. Masyado syang mambully. Dapat kasi lumaban ka. Nagpapakasanta ka dyan samantalang kung anu-ano na ang ginagawang kawalanghiyaan sayo niyang tao na yan. Lumaban ka kasi Yuri. Maawa ka na naman sa sarili mo." naiinis na sabi sa akin ni Jaine. Alam kong ayaw lang akong mapahamak ni Jaine at masaya ako dahil kahit papaano ay may kaibigan akong katulad niya na hindi ako iiwan kahit kailan.

"Jaine, alam mo namang hindi ko kaya ang gusto mong mangyari. Sa panaginip lang naman ako nagiging matapang at hindi ito panaginip." sabi ko ng makalabas ako ng shower room at nakapagpalit na rin ng bagong uniform. Tiningnan ko ang mukha ni Jaine na nakakunot ang noo at parang handa na ako hampasin ng kanyang hawak na bag.

"Ewan ko ba sayong babae ka. Minsan nga magpakademonyita ka. Mabilis kang kukunin ni Lord kapag sobrang bait mo sige ka." naiinis na sabi niya. Napailing na lang ako sa mga pinagsasasabi niya. Hindi naman ako kukunin agad ni Lord, alam ko yun.

"Baka magaya ka kay Ate Xenica na nakapagenroll na para mag-aral nga ng college pero ang gusto naman ay maging katulad ni Mother Francisca at St. Catherine." sabi ni Jaine. Natawa ako sa kanya at napailing. Hindi ko na lang siya pinansin at inaya na syang lumabas para maglunch. Pumayag naman siya kaya dumeretso na kami sa cafeteria.

* * *

Pagkarating namin sa cafeteria ay agad nagtinginan ang mga estudyante sa gawi namin. Ang mukha nila na sobrang saya ay napalitan ng busangot na mukha.

Tinignan ko si Jaine pero nagkibit balikat na lang sya at tumuloy na lang sa may counter para umorder ng makakain. Sumunod naman ako sa kanya at saka pumila narin.

Nang malapit na akong umorder ay may biglang sumingit sa harap ko.

"Manang pabili nga po ng gulaman. Thank you." sabi ng sumingit. Hindi na ako nabigla ng si Dayna ang sumingit na iyon.

Tumingin ako sa likod dahil may kumakalabit sakin. Nakita ko ang isang lalaki at sumenyas siya na pumunta daw ako sa likod niya. Hindi ako pumayag kaya umiling ako sa kanya at tiningnan ang likod ni Dayna na hinihintay ang order niyang gulaman. Kinalabit ulit ako nung lalaki sa likod ko pero hindi na ako tumingin sa kanya.

Nang paharap na si Dayna sa may pwesto ko ay siya namang hila sa akin nang lalaki sa likod. Magrereklamo sana ako dun sa lalaki ngunit nabigla kong basa na ang kanyang uniform. Agad na naglabas ng panyo si Dayna at maya't maya ang hingi ng tawad sa lalaking nanghila sa akin.

"Sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko talaga sinasad--" napatigil si Dayna sa pagsasalita at pagpunas sa basang damit nung lalaki dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ni Dayna pataas.

"Walang kwenta." pagkasabi nun ng lalaki ay tsaka niya binitawan ang kamay ni Dayna na may kasamang pwersa. Napaupo si Dayna at halata mong papaiyak na siya. Walang nangahas na tumulong sa kanya dahil nasa harap pa niya ang lalaki.

"Wala talagang kwenta." ulit nung lalaki at saka tumingin sa akin.

Nagpasalamat ako sa kanya sa pamamagitan ng pagngiti, tumugon naman siya ng isang tango at saka siya umalis sa cafeteria.

Touch Move (Super Duper Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon