Chapter Two: "ANO!?"

23 3 1
                                    

Lahat ng mata ng madla, nakatingin saamin ni Bessy at kay King.

I'm dead.

Chapter Two: "ANO!?"

Hazzel's POV

Oh God.

"Sorry, King! Sorry talaga! Waaahh!! 'Di ko sinaadya! Sorry! Sorry" panghihingi ko ng dispensa kay King.

"Sorry talaga, King!"

Huhuhu, tanga tanga ko talaga! Sa lahat ng taong pwede kong matapunan ng juice. bakit si King pa?! AGHHH!!

Kagat kagat ko ang labi ko habang si King naman, nakatingin lang sa damit niya na natapunan ko ng juice.

Bigla siyang tumingin sa akin, straight to the eye. Nanigas ako at napalunok.Tinawag ko na ang lahat ng santo. Nakakatakot si King. Mahihimatay na ata ako.

"Alam mo ba kung magkano 'tong damit at phone ko?" tanong niya sa akin.

Hala! Botcha na talaga ako! Pati pala phone niya, nabasa ko!

Hindi ako nakasagot sa tanong niya, napatingin na lang ako sa sahig.

"Bakit!? Magkano ba 'yan?!" matapang na tanong ni Aubrey.

"Fifty thousand pesos." cold na sagot niya.

Patay.

"G-grabe naman! Ang m-mahal ng d-damit mo!" 

"K-king, b-baka naman pwedeng hindi ko na bayaran 'yan? K-kahit ano, gagawin ko." sabi ko at itinaas pa ang kanang kamay ko.

"Pag-iisipan ko." sagot niya at ngumiti ng nakakaloko. Nanlamig ako sa ngiting 'yon. Ewan ko, pero, parang may meaning 'yung ngiti niya eh.

"Naku, Bessy! Grabe naman pala 'yung king na 'yun! Tara na nga! Bili na lang tayo ulit ng pagkain mo!" sabi ni Aubrey at hinila ako papuntang counter.

Pagka-order namin, umupo na kami sa table, pero, dahil malakas ang radar ko, may nasagap akong tsismis.

"Grabe naman 'yung girl kanina! I'm sure sinadya niyang banggain si King para makapag-papansin, noh?" Girl 1

"I know, right? Ugh!" Girl 2

Potek, ako pa ngayon?!

"Hoy, mga miss, FYI lang ha, hindi po sadya ni Hazzel ang nangyare. Grabe naman kayo!"  pagdedepensa ni Aubrey sa akin.

Nang makaupo na kami, "Bree, salamat ha?"

"Sus, para san pa't naging magbest friends tayo, noh?" sagot niya. Nginitian ko na lang siya.

Kwentuhan ko muna kayo tungkol kay King habang kumakain ako.

Si Zayn Mariano aka King ang pinakasikat sa school namin, tinawag siyang "King" dahil, lagi siyang sinusunod ng school, may pagkabadboy siya, bully siya, araw-araw siyang may binubugbog at pinagti-tripan, madalas siyang absent dahil gabi-gabi siyang nasa bar, madalas siyang absent dahil nga gabi-gabi siyang nasa bar, pero, okay lang 'yon dahil siya ang may-ari ng school, araw-araw siyang may babae. Kinababaliwan siya ng mga babae except sa amin ni Bessy at kinamumuhian siya ng mga lalake. Anbg dahilan kung bakit siya ganyan? Hindi ko din alam at wala akong interes malaman.

"Bessy, una na ako ha? Baka mahuli pa ako sa klase eh." pagpapaalam ni Aubrey.

"Sabay na tayo, bessy. Tapos na rin ako eh."

"Oh, sige."

Tumayo na kami at pumunta sa kanya-kanyang room.

Habang nagkaklase si Ma'am, 'di ako nakikinig. Nakuuu. Kung papayag si King na gawin ako ang lahat ng gusto niya, lagot ako. Kung hindi naman siya papayag, lagot din ako. Kailangan kong bayaran ang mga napinsala ko. Tsk. Tsk. Hazzel, you're such a mess!

Third Person's POV (Author'S pov)

Buong oras sa klase ay walang ibang inisip si Hazzel kundi iyon lamang. Lutang siya. Problemado. Dinaig pa ang bangag.

Pagkatapos ng klase ay may isang freshman na kumatok sa classroom nila, "Ms. Hazzel Rodriguez?" tanong ni freshman.

"Pinatatawag ba ako ng principal? Wala naman akong kasalanan ah! Nakuuu, baka meron? Lagot ako!" isip isip ni Hazzel.

Nangangatal niyang sinabi ang katagang, "Yes?"

"Pumunta daw po kayo sa office ni King."

"Pumunta daw po kayo sa office ni King."

"Pumunta daw po kayo sa office ni King."

"Pumunta daw po kayo sa office ni King."

"Patay." naisip ni Hazzel.

Pagkarinig ng mga kaklase  niya ang sinabi ng freshman, agad nagbulungan ang mga babae.

"Ano naman kaya ang gagawin nila?" Girl 1

"Malamang ida-drop na ni King si Hazzel!" Girl 2

"Swerte niya! Wala pang ibang nakakapasok na ibang estudyante sa office ni King!" Girl 3

Pumunta si Hazzel sa pintuan kung saan nakatayo ang freshman.

"Samahan ko na po kayo." pag-aalok ng freshman na malugod namang tinanggap ni Hazzel. 

Nang maihatid na siya sa tapat ng opisina ni King ay iniwan na siya ng freshman.

Isang babaeng nakatitig sa pintuan. Ang mga butil ng kanyang pawis ay naguunahan sa pagbagsak.

Huminga siya ng malalim sabay ng pagpihit niya ng doorknob habang sinasabi sa sarili na, "Kaya ko 'to!" 

Pumasok siya at nadatnan si King na natutulog. Ang kanyang ulo, nakapatong sa mga braso na nakapatong naman sa kanyang mesa.

"Ang cute niya matulog!! NYAHAHAHAHHAHA!" isip ni Hazzel.

Naghintay pa ng ilang minuto si Hazzel para magising si King at hindi naman siya nabigo.

"Ginising mo dapat ako." cold na sabi ni King.

"Sorry." na lang ang lumabas sa bibig ni Hazzel kesa sa dapat na isasagot niya na, "Eh ang himbing kaya ng tulog mo!"

"Gagawin mo ba talaga ang lahat para lang mapatawad kita?" tanong ni King sa kanya.

"Oo, King! Wala naman kasi akong pambayad sa napinsala ko eh!"

Napangiti si King na nagdahilan para manlamig na naman si Hazzel.

"Then, be my girlfriend."

Natigilan si Hazzel, sabay sabing,

"ANO!?"

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In a Relationship For The MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon