++MTGA Chapter 3++
[Mich POV]
"Ok Mich Break na..Tara kain tayo sa Canteen"
"Yehey Break na"*u*..sabi ko pa na parang bata..sa nagugutom na ako eh..
"Tuwang-tuwa?"
"Pakelam mo ba!"sabay alis ko..
"Alam mo ba kung saan ang canteen?"natigilan ako dun sa tanong niya..
"Ah eh..hehehe..bilisan mo na tara na"pag-aaya ko na lang..
++Canteen++
"Mich dun ka na sa table na yun"turo niya dun sa round table na walang gumagamit.."At ako na ang o-order"dugtong niya pa..
"sure"hindi ba halata na mahilig ako sa sure?hahaha..wala kayong paki-alam..favorite word ko yun eh..=P
Pero ng papunta na ako sa may round table na itinuro ni Dianne ay may isang babaeng natisod at yung dala niyang spaghetii ay natapon sa may damit ko..
Kaya ayun lahat ng nandito sa Canteen ay nakatingin sakin at nagtatawanan pa..
Sh*t ang shunga naman nang babaeng to..Pinagtatawanan tuloy ako ngayon..saka panu na ako ngayon nito?wala pa naman akong extra uniform..
Pero laking gulat ko ng humarap siya sakin at nagsalita..
"Ay Sorry ha..hindi ko naman sinasadya eh"mapang-asar na sabi nung babaeng nakatapon sakin ng spaghetii at sa pagkaka-tanda ko isa siya dun sa MMK..
Mapapatawad ko na sana siya eh kaso isa pala siya sa mga kaaway ko..kaya hindi ako papayag na ipahiya niya lang ako..
"Sorry?"taas kilay kong sabi sa kanya..~_^
Saka ko pinulot yung mga spaghetii na nasa sahig at inihagis ko sa pagmumukha niya..
"Ang sarap ng spaghetii diba?"mas malakas na ang tawanan ngayon kaysa kanina..
Sasampalin niya sana ako pero nasalag ko yun..
At ngayon hawak hawak ko ang kanyang wrist at pilit siyang kumakawala sa pagkaka-hawak ko pero hindi niya magawa kaya mas lalo kung hinigpitan ang pagkakahawak ko..
"Anong gagawin mo?sasampalin mo ko?sana lang medyo binilisan mo para hindi ko nasalag"sarkastikong sabi sa kanya habang nakataas pa din ang maganda kong kilay..
++PAK++
Saka ko siya binigyan ng isang napakalakas na sampal..at lahat ng nandito sa canteen ay mga gulat na gulat..
Napahawak naman yung isa niyang kamay sa mukha niyang nasampal ko..pero hawak ko pa din yung wrist niya at hindi pa din siya makawala sa pagkaka-hawak ko..
"Kung hahanap ka ng mapapag-tripan..humanap ka ng iba at huwag ako kung ayaw mong mapahiya.."
Saka ko binitawan yung kamay niya..
"susugod sugod ka pa kasi..hahaha"pahabol ko pa..
Pag-tingin ko dun sa may likod ko..nandun pa si Dianne at naka-nganga pa..hindi pa nga siya nakaka-order eh..Pero ok lang kasi nawalan na ako ng ganang kumain..
"Dianne ok ka lang?"takang tanong ko..
"Uhm o-oo ok lang ako..hehehe"
"Tara na nga at nawalan na ako ng ganang kumain"hinila ko na siya palabas ng canteen
[Kath's POV]
"Good Job Mica"salubong ko ng makalapit siya samin ni Myla..
"Good Job ka diyan..tingnan mo nga ang ginawa niya sakin..tapos napahiya pa ako"
"Ok lang yan girl..at least medyo napahiya mo siya kahit papano"
"Oo nga naman Mica..ang galing nga nung ginawa mo eh"-Myla
"Wag kang mag-alala girl..makaka-ganti din tayo sa babaeng yun"
"Tama ka diyan girl..Mica punta ka na ng Cr at mag-hilamos ka"-Myla
[Mich POV]
Habang naglalakad kami ni Dianne papuntang Garden ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante dahil sa uniform kong may spaghetii..
"Grrrrrrr nakaka-asar talaga"bulong ko sa sarili ko
Pagdating namin sa garden ay naupo kami sa isang bench..
"Dianne may extra ka bang unform?"
"Naku Mich wala eh"
"Tssss..Panu na yan..bwisit kasing babae yun eh..susugod-sugod pa eh wala naman palang binatbat"
"Alam mo Mich wala talaga akong ma-sabi sa mga pinag-gagawa mo..Akalain mo yun pinahiya mo naman ngayon yung Mica"
"Ah siya pala yung Mica..maka-sugod wagas eh"
Bigla namang may lumapit saming isang babaeng estudyante..
"Ate may nagpapa-bigay po"sabay abot sakin nung uniform at umalis na..
Kanino kaya galing to?
"Mich ang swerte mo naman at mukhang may stalker ka na agad"
"Stalker ka diyan"
"Wag ka na ngang mag-inarte buti ka nga may stalker eh..tara na nga sa Cr at mag-bihis ka na..baka malate pa tayo sa next subject"siya naman ngayon ang humihila sakin papuntang Cr..
Nang makapag-bihis na ako ay pumunta na kaming room at ilang minuto lang ay dumating na yung next teacher namin..
Natapos na ang mag-hapon na papalit-palit ng teacher at puro discuss lang..
++House++
"Hello bessy na miss kita"salubong sakin ng bestfriend kong si erica sabay yakap sakin..
"Na miss agad?"
"yhup..ang lungkot pag-wala ka..nga pala samahan mo ako..pinapalinis ni Maam Sheena yung kwarto dun sa taas yung kwarto ni sir Wiliam"Si Maam Sheena anak yan ng amo namin..ang arte kaya niyan..
Simula kasi ng mamatay ang nanay ko nung bakasyon ay dito na ako napunta..at nagsisilbi akong katulong para makapag-aral ako..Tapos yung Sir Wiliam hindi ko siya kilala..baka anak din ng amo namin..
"Sino naman yung Sir Wiliam?"tanong ko sa kanya..
"Gwapong kapatid ni Maam Sheena"So kailangan may gwapo pa talaga sa unahan?
"Ah ganon ba?tara na linisin na natin"
After naming mag-linis ay pumunta na ako dun sa tinutulugan namin ni Erica..tabo kami niyan eh..
Gusto ko pa ngang antayin si Sir Wiliam eh kaso inaantok na ako..
Hanggang dito muna po..
++Rhianne++
BINABASA MO ANG
My Two Guardian Angel
FantasySi Michelle ay may dalawang GUARDIAN ANGEL..yung isa amo niya at yung isa naman ay yung matagal niya ng crush..