21 ... Mysterious Girl

27 1 0
                                    


JANELLE'S POV

Bukas na pala ang kasal namin.

Goodbye SINGLE DAYS!

Sana maging maayos naman ang pagsasama namin ni khaleb ...

"Uyy FF?! Nakikinig kaba?"

"Huh?"

"Sabi na nga ba ndi ka nakikinig! Tulaley ka na naman eh!"

"Hoy! Ibora! Bakit mo inaaway si honeybabe?"

Nandito kami ngayon sa canteen para kumain ng lunch pero wala talaga ako sa focus ngayon dahil nga sa kinakabahan ako sa mangyayari bukas.

"Eh kasi daldal ako ng daldal dito yun pala hindi nakikinig si janelle! Amp!"

"May problema ba honeybabe?"

"Hah? A-ano wala naman" sabi ko.

"Sus ff! Kilala ka na namin! Alam namin na may problema ka. Wait! let me guess ... is it your wedding?"

"Yeah"

"Hay nako! Wag ka na mag-alala nandito naman kami ni Daniel! at saka kung ano ang magiging desisyon mo bukas susuportahan ka namin dba daniel?"

"Oo naman honeybabe! Andito lang kami!"

"Saka kung sakali mang laitin at awayin ka ni papa khaleb! Hayaan mo na siya at wag mo pansinin! Oh! Speaking of the devil!"

Napalingon kami ni daniel sa tinutukoy ni Ivory.

Teka? Si khaleb yun diba?

Bakit parang papalapit siya samin?

Omo?

Inayos ko ang sarili ko ng makita ko na papalapit siya samin.

Napansin ko rin na parang may black aura siya at mukhang makakapatay ng tao yung itsura niya.

Hala? Anong ginawa ko?!

Pero nadismaya ako ng lagpasan niya ang table namin at nagtungo siya sa table na nasa likod lang namin.

At mukhang hindi niya ako napansin.

Or sinandya niyang hindi ako pansinin?

Ays! Ewan!

"Omo? Si papa khaleb yun diba?"

"Kyaaahh!!"

"Ang gwapo talaga niya!"

Hala?! Naupo lang siya dito sa canteen tapos bigla siyang pinagkaguluhan ng mga babae?

Grabe talaga ang kgwapuhan niya! Ibang klase.

Tss! Tumigil na nga kayong mga malalanding tipaklong! Hindi na siya pwede kasi magpapakasal na kami BUKAS! FIANCEE niya kaya ako!

Haha! Haba ng hair ko!

Gusto kong ipagsigawan ang nasa isip ko sa mga malalanding babae na ito na kung makatitig kay khaleb ay parang hinuhubaran na ito.

Gosh!

"Ohhh .. hindi na pala kami pwede ni khaleb may magandang girlfriend na siya eh!"

"Eh diba magpapakasal na si papa khaleb?"

"Oo narinig ko nga! Pero balita ko panget daw ang mapapangasawa niya!"

"Ah kaya pala hindi pa sila nagpapakasal ay may kabit na kaagad siya!"

Hoy mga ate! Nandito lang ang pinag-uusapan niyong panget!

Binubulong niyo pa eh rinig na naman ng lahat?!

She's BeautifulWhere stories live. Discover now