9 ... Wedding dress

68 4 1
                                    

Natapos na ang klase namin ngayong araw …

“honeybabe! Bili tayo ng buko juice sa labas wala pa naman yung sundo ko eh” - daniel

“sige na ff! tara?!” - ivory

“wala akong pera!”

"Ano ba yan ang yaman nyu tapos wala kang pera?!" - ivory

"Eh sa wala eh! Saka hindi ako maluho!"

“libre ko na lang kayo honeybabe”

“basta libre fight!” sabi ko.

Palabas na kami sa school para bumili ng buko juice

Habang bumibili kami ng buko juice biglang may huminto na magandang kotse sa harap namin at isang pamilyar na mukha ang lumabas sa kotse.

“Mrs. Montero?” - janelle

“hi Janelle! Pwede ba kitang ayain saglit?”

“saan po tayo pupunta?”

“basta tara na! sumama kana pinagpaalam na kita sa daddy mo”

“ah sige po wait lang magpapaalam lang po ako sa mga friends ko po”

“sure”

“ff at Daniel may pupuntahan lang muna kami ah bukas na lang ah”

"Hah? San ka pupunta? Sino siya?" - daniel

"Basta! Cge bye!"

“sige ingat ka ff!”

Nasa loob na kami ng magandang kotse na ito

Saan kaya kami pupunta?

“ah mrs. Montero saan po tayo pupunta?”

“tawagin mo na lang akong tita ikaw naman oh! hehe ”

“ah sige po mrs-- Ah tita po pala”

“siguro nagtataka ka kung saan tayo pupunta nu?”

“ah opo tita”

“mamaya malalaman mo hehe”

Hindi ko alam kung maeexcite ba ko o kakabahan?

“andito na tayo janelle”

Alam niyo ba kung saan kami pumunta?

Sa isang sikat na boutique ng mga gowns.

Pagpasok namin sa boutique isang matangkad na mukhang mayaman na fashionistang bading ang lumapit sa amin para ihatid kami sa loob.

Nagbeso-beso muna sila ni Mrs. Montero bago sila mag-usap.

“hello mrs. Montero! Long time no see! Madam kukunin nyu na po ba yung gown?”

“oo patrick!”

sino ba ang ikakasal madam?”

“anak ko”

“si khaleb? Wow! Kanino siya ikakasal Madam? Siguro sa isang mayaman at magandang girl panigurado na yan!”

Nang-iinis ata siya eh nu?

Akala niya siguro katulong ako. Haha XD sabagay hindi ko siya masisisi dahil sa itsura ko

“Oo naman hindi lang siya maganda at mayaman … napakabait din niya siya si Janelle”

at pinakilala ako ni Mrs. Montero sakanya.

She's BeautifulWhere stories live. Discover now