Hindi ko kaya.

47 1 0
                                    

Alexander Niel Buenaventura. 17 years old. Gwapo matalino mayaman narin. Kaso manhid, mahina, palaging talo. Failure kumbaga. Pero may gustong gusto akong babae, si Alycia. Si Alycia ang top student sa school, role model ng lahat. Siya yung babaeng kahit simple ang ganda talaga. Yung nakakabaliw? Oo. Siya yun.

Pero hindi kami pwede. Hinding hindi. Stepmom niya ang mama ko. Kumbaga parang magkapatid kami pero hindi talaga. Ang gulo no? Minalas na naman ako. Sa dami ng babae sa campus ng Imperial ay dito pako na hulog kay Alycia. Na imposible ring magkagusto sakin.

Eto ako ngayon, kasama yung bestfriend niya. Girlfriend ko. Kung ano ano na pumapasok sa isip ko para lang makalapit sa kanya. Kumakain siya ng icecream ngayon. Ang cute niya.

"Hoy Niel! Di ka naman nakikinig eh." Sabi ni Dianne.
"Sorry babe. May tinitingnan kasi ako..." Marahan kong pagkakasabi hanggang nakatingin parin kay Aly.

Humarang si Dianne. Napakunot ang noo ko at napatingin sa kanya. "Halatang gustong gusto mo talaga si Aly, no? Ang swerte niya at ang malas din at the same time." Naluluhang mungkahi ni Dianne, nakokonsensya tuloy ako.

Umalis sya at tuluyan ng naiyak. Alam kong nasaktan ko sya. Gusto ko siya, pero mahal ko si Aly.

Lumipas din ang 3 araw ay hindi na ito nagpakita sakin. Ganun ba kasakit Dianne? Minahal mo ba talaga ako?

Nasa rooftop ako ngayon, dito kami tumatambay ni Dianne tuwing lunch time. Nakakamiss din sya no?

"Niel. May sasabihin ako" Tiningnan ko kung san galing ang boses na yon, at hindi ako nagkamali. Si Aly.

Lumapit sya sakin. Sinampal niya ko. Ng malakas.

"Una, gago ka Niel. Umasa ako. Mahal kita pero ayoko sa duwag! Kung hindi kita deserve mas hindi mo deserve mo si Dianne. Ginawa niya lahat para sayo Niel. Alam mo yun diba? Mahal kita pero mas minahal ka niya. Masakit kayong tingnan, kasi gusto kita. Pero si Dianne? Ang bait niya..sobra. Alam mo bakit ka niya sinagot ha? Kasi gusto kita! Para mapalapit ka sakin. Pero nagkamali siya ng minahal ka niya. Isang pagkakamali. Dahil duwag ka. Daniel! I was never your Ms. Right, si Dianne yun. And you failed to see that? Anong kagaguhan yun? Nasaktan ako ng mahalin ka niya kasi gusto rin kitang mahalin ng ganon ka sobra. Pero I realized. HINDI KO KAYA. Niel. Hindi ko kaya. Pero si Dianne kinaya nya? Nasa St. Peter sya Niel. She lost your baby, before she passed away she wanted to say something." She handed me a note.

"Dinaya mo ko in every way that you can. I loved your lies and I still do. And I hated you for that. But babe? Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka."

OneShot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon