Tanga ako.

10 0 0
                                    

Sandoval's heiress, Savannah. Ako yun. Maganda, mautak sa negosyo sa murang edad, may appeal, mayaman. Pero eto ako ngayon nagkakandarapa sa anak ng isang guidance counsilor.

Siya si Drake. Hindi siya ideal man ng lahat, medyo loner at bad boy. Hindi naman siya jeje pero emo kasi e. Di kagaya ng dati. Nagbago siya bigla.

Tatlong taon na akong nagpapapansin sa kanya. Wala paring effect.

Gwapo niya rin e. Nakakainis!

Magaling siyang tumugtog ng gitara. Dahil nga diyan kaya nahulog ako sa kanya, biruin mo yun? Nasa music room ako non nagliligpit ng pumasok siya at biglang tumugtog. Hindi nga niya napansin na nandun lang ako.

Naaalala ko pa ang araw na yun. Freshmen palang kami nun e.

Cause every night
I think of you
It feels right
Cause it's true

Love me like you used to
And stop looking for someone new

Can you take a step back
Can you take me back
I want you badly in my arms again
Won't you be with me again

Actually nakarecord yan sa utak ko. Alam ko namang hindi para sakin yun pero kinikilig ako. Kasi napatunayan ko sa kantang yun.

Na iba siya. Marunong siya magmahal.

Alam ko namang hindi ako. Pero masaya na ko dun.

Tanga ako, oo. Pero mahal ko rin siya.

Akalain mo yun? Boyfriend pala siya ng kapatid ko? Nagbreak pala sila noon.

Kaya niya sinulat ang kantang yun.

Nadinig ko lang sa mga sabi-sabi.

Hindi naman ako nasasaktan dahil dun. Nasaktan ako ng malaman kong nagbago siya.

Yun lang.

Kasi I want the best for him.

I am the best.

For him.

Selfish yun oo. Pero tanga rin ako.

Kaya syempre pipiliin kong yun ang isipin. Kasi gusto ko siya para sakin. Hindi naman masama diba? Na magpakatanga? Normal lang yan. Lahat tayo magmamahal at lahat tayo masasaktan.

And here I am, reminiscing memories from 15 years ago.

Naging kami pero hindi tumagal. I was fond of him, sobra. Too much can kill nga sabi diba?

He's my brother now.

Looking back. Tanga nga ako.

Dahil hindi naging maganda ang bunga ng pagpaparaya ko sakanya. Dahil hindi siya minahal ng kapatid ko.

Mas okay nalang yung naging tanga ako kaysa nasasaktan ang mahal ko.

Nagkaanak sila pero nakunan.

Nakipaghiwalay ang kapatid ko.

At yun.

Nagpakamatay siya.

Umikli yung buhay niya kasi tinigilan ko ang katangahan ko.

Sana hindi ako sumuko.

Drake? Tanga ako.

OneShot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon