PILOT EPISODE

252 2 0
                                    

Sarado ang gate na papasukan ko ngayong araw hindi ko alam kung bakit ito sarado at hindi ko rin alam kung bakit ikay lunes na lunes
Wala akong kasabay na mga estudyanteng papasok ng school .
Masyado ba akong maaga pumasok para sa first day ko o sadya lang nga talagang late ako ngayong umaga??

I knocked the gate twice,thrice ..again and again and again pero ni isa yatang tao ay walang bumukas ng gate.
Ano kaya kong batuhin ko ito ng malaking bato baka sakaling sa paraan na iyon ay mapapagbuksan na nila ako ng gate ?
Or sumigaw ako ng may studyante pa po dito sa labas..papasukin nyo po ako.
Baka sa sigaw kong iyon agad agad akong pagbubuksan ng gate then done!!!
Makapasok na ako...

Hayssst..nakakaloka itong first day ko sa bweset na paaralang ito.!!!!

Bakit kasi kailangan pang dito ako ilipat ng magaling kong ina eh pwedi namang sa ibang school na lang na madaling makakapasok ng gate na walang kailangang gawin..
Tuloy heto ako at parang tangang kumakatok na wala namang tao na nakakarinig.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko at maghahanap ng pweding pasukan paloob.
At sakto namang may punong acacia na malapit sa wall na sa tingin ko ay maaabot nito ang taas i suddenly smile evily.
Pinapatagal pa eh meron namang madaling paraan.
Well binabawi ko na ang malas ngayong first day of school dahil meron parin namang swerte na naghihintay sa akin.

Mabilis akong pumunta sa lilim ng puno.tinitingnan kung gaano ito kataas at kasanga.
Kung aakyat ako na walang may makakaalam wala ring bad news na matatanggap ang ina ko at walang allowance na mapuputulan...

I secretly laughing in my mind.

Agad kong inayos ang packbag ko sa likod ko at dahan dahang inaakyat ito.
Thank tree at masyado itong sangahin nang sa ganoon ay mapapadali ko ang pag aakyat sa puno at ng maka pasok narin sa bwesit na school na ito na wala namang silbi ang mamahaling gate kung hindi namang marunong tumingin kung may estudyante pang nasa labas..

Hinay hinay sa pag akyat deretso lang ang tingin sa taas para hindi ka mawalan ng concentration at hindi karin madala sa purinarya sakaling bumagsak ka..

Lagi ko na itong ginagawa simula grade one palang ako.
Syempre may trainor ako at iyon ang kawawa kong kakambal na lalaki na ipinadala ni ina sa canada dahil mas magulo sya than me.

Yep,i a have a twin.and he is a boy.
His name is nathaniel.
Bully,arrogant,cute,womanizer and of course troublemaker .
Kaya hirap na hirap si ina na alagaan kami ng sabay dahil kapwa may attitude kami pareho kaya minabuti nyang sa canada nalang ituloy ni nathaniel ang pag aaral ng sa ganoon ay tumino tino sya kahit papaano.
Pero sino nga ba niloloko ni ina eh mas lumala pa nga daw yong lalaking iyon dahil kinukunsinti rin sya ng chairman na ganon dapat ang gawin ..

Malapit na rin ako sa wakas sa kalagitnaan ng puno ng may naririnig akong sigawan,tawanan,murahan at pasipol sipol sa loob ng campus na para bang nag aaway away ito.
Saglit akong natigilan sa pag aakyat pero ng makabawi ako ay agad din naman akong tumuloy na patuloy ding sinasabayan ang mga ingay sa loob.

Anong mayroon at may away ito?
Nasaan ba ang principal director at mga guard? bakit hindi pa nila inawat ang mga ito?
Hindi kaya naglalaro itong mga to at kung ano ano ang mga pinag sasabi at kailangan pa nilang magmura?

Napailing iling na lang ako sa mga iniisip ko at lihim na napapangiti.minsan talaga hindi halata sa mukha ko ang pagiging troublemaker
masyadong alintana kasi ang inosente kong mukha....

Tssk.tssk..
-----
-----
Ayan natapos din ang mahaba habang akyatan siguro naman pwedi na akong tumalon pababa...
Agad akong sumilip sa baba kung may tao pa ba doon dahil medyo naririnig ko parin ang mga ingay na iyon.
Pero bakit parang wala naman yatang tao doon??
Haisst .namamaligno ba ako??
O kanina pa tapos ang mga awayan na iyon??

Sleeping With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon