Chapter 1

3 0 0
                                        

Anyelle

Kasalukuyang kumakain ako ngayon ng oreo at isang c2 solo na pinuslit ko kahapon sa isang mall. Don't get me wrong, hindi ako magnanakaw dahil wala na ang may ari. Baka nga ako nalang ang natitirang may buhay dito sa mundo na ginagalawan ko bukod sa mga kasama kong daga at ipis.

28 days na ang nakakalipas simula ng mangyare ang hindi namin inaasahang delubyo. Habang nageensayo kami ni daddy sa field eh may tumawag sa kanya. Hindi ko sinasadyang makinig sa usapan nila sa telepono kasi parang may tinatago si daddy.

"Ano? Te..teka? Bakit? Ano ang ga...gagawin namin ng anak ko? Letse oo. Salamat pare, magiingat ka."

Sa sandaling iyon ay parang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Malakas ang kutob ko na masama ang napagusapan nila dahil nauutal si daddy at parang hindi mapakali. First time ko lang sya nakitang tuliro nun dahil kilala aya bilang sundalo at matapang. Tiningnan ko sya sa mata at bakas sakanya ang takot, pangamba at pag aalala. Lumapit sya sakin at..

"Anak, mag ayos ka na ng mga gamit mo. Yung makakaabot sa tatlong araw. Magbaon ka rin ng tubig at pagkain"

Nalilito man ako ay sinunod ko ang utos nya habang sya ay nag aayos na rin. Hinahanda na rin ni daddy ang sasakyan. Nalulungkot ako dahil wala si Mommy. Isa sya sa magaling na doctor sa Pilipinas at minsan hindi na nakakauwi dahil may importante daw silang research pero hindi nya sinasabi sakin kung ano yun.

"Anak, alam kong hindi pa ito ang tamang oras para ipagkatiwala ko ito sayo" Nanginginig ang mga kamay nya nun habang inaabot sakin ang isang baril at alam kong may 3 pa syang inilagay sa bag ko at mga bala. Natatakot ako sa mga panahong iyon dahil wala akong kaalam alam kung ano ang nangyayari. Isinakbit ko nalang yung baril sa bulsa para alerto ako kung may aatake saamin kahit wala naman akong ideya kung ano ang aatake saamin.

"Daddy, ano ba ang nangyayare? Sabihin mo sakin please?!"

"Anak, kailangan natin makaabot sa Maynila at may kukuha satin para maligtas tayo. Diba ang Mommy mo ay hindi maalis alis sa Ospital? Pinag aaralan nila kung paano makagawa ng antidote kasi....." Napatigil si Daddy dahil nakarinig kami ng kalampag sa may gate. Nanlaki ang mata ko ng makita kong ang raming tao ang nakaabang at sinisira ang gate namin. Lalapit na sana ako sa gate pero pinigilan ako ni dad. Pinapasok nya ako sa sasakyan at lumabas kami dun sa walang taong nakaabang. Naaawa ako sa mga taong yun, alam kong gusto rin nilang magpatulong.

"Hindi sila normal, anak. Nainfect ang body system nila. At.. at.. parang naging zombie na sila at may kakayahan silang mangain ng may buhay. Mag iingat ka anak kung mawawala man ako" Naluluha na ako nun. Pero...

"Bakit po yun nangyare dad? Imposible"

"Isang pasyente ang galing sa Canada at ipinadala sya dito sa Pilipinas para pag aralan at i-quarantine. Ang akala nila ay mababaw lang ang condition nito pero ang sabi ng mom mo sakin ay nainfect yung pasyente sa sakit na sxomariphis na kumakalat na din sa Asia. Malala na pakla ito at naaapektuhan nito ang Internal organs maging ang utak ng isang tao. A week ng inoobserve nila yung pasyente galing Canada bigla nalang daw itong nagwala at nagsisisigaw. Namumutla na ang mga balat nito at namumula na rin ang mata na parang may lalabas ng dugo. Natakot ang mga doctors and nurses dahil hindi ito nakatali at baka bigla nalang sila atakihin at tama nga dahil bigla nalang sinunggaban nung pasyente ang isang nurse at kinagat sa bandang braso. Natakot sila dahil pati ang laman nung nurse ay kinakain na ng pasyente. Tuturukan na sana ng Mommy mo ng tranquilizer ang pasyente pero bigla nalang itong tumakas at talagang malakas ang  pasyente para masira ang pintuan sa cell"

Natakot ako at biglang nag alala sa kondisyon ni mommy. Tatawagan ko sana sya ng biglang may kumakatok sa bintana. Huh? Eh umaandar kami ni daddy nun. Pagtingin ko ay parang tinakasan ako ng aking kaluluwa sa aking nakita. Yung parang zombie nasa may bintana ng sasakyan at may balak na sirain yun. Napansin ni daddy ito at igenewang gewang ni daddy yung paraan ng pagmaneho para mapabitiw ang zombie na yun. Sht lang kinabahan ako dun. Napatingin ako sa likudan at..

"DADDY! ANG DAMING ZOMBIE ANG HUMAHABOL SAATIN!" Paiyak na bulyaw ko ki dad at full-speed na pinaandar ang kotse. Naiiyak na ako. Sht.

"Anak, huwag kang umiyak. Magpakatatag ka dahil hindi ito isang panaginip. Tawagan mo mommy mo at sabihin na pupunta ka sakanya para makaligtas ka."

Tinawagan ko si mommy, "Mommy, pupunta po kami dyan ni daddy. May humahabol saamin ngayon na parang zombie. Mommy! Ayos lang po ba kayo?"

"Anak, *sobs* Magiingat kayo. Hihintayin ko kayo dito sa may Central Park. Alam kong malayo pa kayo dito pero hihintayin ko kayo. Tatlong araw nalang at aalis na ang Craft 4459 patungo sa isang planeta na ppwedeng mabuhay ang tao doon. Pero mamamalagi muna kami sa space for a couple of months dahil pag aaralan pa namin collaborated with the scientists. Advance Technology na ang gamit dito dahil inaasahan na namin na mangyayare ito. Mag iingat kayo anak."

Nabigla ako sa mga rebelasyon na narinig ko mula kay mom. So inaasahan na palang mangyayare ito? I can't believe it.

"Kailan pa to mom? Bakit umabot pa tayo sa ganitong sitwasyon?"

"Mahigit 8 years na anak nung makatakas ang pasyente hanggang sa dumami ang kagaya nya dahil nainfect ang kung sino man ang makakagat nito. Hindi lang sa Pilipinas nangyayare ito kundi... maging sa buong mundo."

Shit! Bukod sa mga nalaman ko eh biglang tumirik ang sasakyan namin. Lumabas kami ni dad at tumakbo dahil nakalayo layo naman kami sa mga humahabol na zombie pero alam kong maaabutan nila kami.

"Anak, tandaan mong mahal na mahal ka namin ng mommy mo. Gusto kong mabuhay ka kaya sundan mo kung ano ang pinagbilin ng mommy mo. Natandaan mo ba yung craft na sinasabi nya. Dun ka lang sumakay okay?" Tumango naman ako kay dad.

Nakalayo na kami ni dad pero alam namin sa sarili namin na hindi pa pupwedeng tumigil sa pagtakbo. Baka di na kami abutan ng buhay dito. Thankful naman ako kay dad at tinuruan nya ako ng boys stuff. Magagamit ko pala to para makasurvive.

Biglang tumigil si dad sa pagtakbo kaya tumigil na rin kami. Malayo pa kami kina mom dahil nasa Bicol kami nakatira. Ang saklap ng buhay namin at Daet palang kami galing San Isidro.

"Anak, kunin mo 'tong isang baril ko at bala. Idagdag mo at kakailanganin mo yan. Magpapaiwan ako para makaligtas ka. Gusto ko ang makakabuti sayo kahit na mamatay ako. Basta mabuhay ka lang."

Naiyak na lang ako. Hindi pwede! Hindi ko kakayanin!

"Daddy, sabay tayong lalaban. Hindi ko kaya *sobs* Dad! Dad!"

"Tumakbo kana! Huwag kang mag alala. Makakaya ko to! Takbo!"

Hinugot ni daddy galing sa kanyang bulsa ang dalawang baril at tumakbo opposite sa daan na tinatakbo ko. Babalik sya dun at mag isa lang? Hindi ko na napigilan umiyak at umupo ako sa may kalsada habang humahagulgol. Might as well, mamatay na ako. Pero inaantay ako ni mommy.

"I can do this! Promise dad, I'll live"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Abandoned ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon