"Ate! Dad! Bilisan niyo! Malalate na ako!"
Ang bagal-bagal nila kumilos. Jusmiyo!
"Eto na!"-Daddy
"Bakit ka ba kasi nagmamadali? Eh 8 pa class mo ah? 7 pa lang oh!"Nagreklamo pa si ate. Bakit ba? Masama bang pumasok ng maaga? Di naman di ba?
Sumakay na kami sa kotse at si daddy ang nad-drive since nag-leave si Kuya Ronald, yung driver namin.
Halata bang maganda ang gising ko ngayon? Haha! Ang lapad kaya ng ngiti ko! Excited na kasi akong pumasok eh! After 15 minutes eh nasa tapat na kami ng school.
"Bye Dad! Bye sis!" tapos tumakbo na ako dahil baka may sabihin na naman silang dalawa sa akin.
Yehey! Nasa school na ako! Wuhoo! Grabe! Super excited na talaga ako!
"Hi Liann!"
"Hello po ate Liann!"
"Liann! Long time no see!"Ngiti dito, ngiti doon.
Aw. Ang sakit na ng panga ko. Ngawit na ngawit na! Ugh. Buti na lang malapit na ako sa tambayan at mapapahinga ko na yung panga ko.
"Liann!"
"Hi Grace."
"Oh? Bakit ganyan itsura mo? Marami na naman ba sila sa hallway?"
"As usual."Teka, mag-iintroduction muna ako!
I'm Liann. Pero kapatid ko si ate Steff ha! Ako si Venice. Ay teka nga ang gulo! Ako talaga si Venice Liann Damian. Gumaya lang talaga ako kay sis!
Liann ang tawag sa akin ng mga classmates at kakilala ko. Pero Venice or Ven ang tawag sa akin ng bestfriend ko at ng family ko. Pati pala sila Ate Yna, Alice at Jess! Oh di ba? I'm a certified gaya-gaya! ^___^
Nag-aaral ako sa Amarrison Academy, a school for rich people, I think. Yung principal kasi namin na si Mr. Wilson ay isa sa richest businessmen dito sa Manila. Basta mayaman ka, you belong here. Third year high school na ako this school year. And uh, I'm the top student. Err kaya medyo sikat ako. Pero sabi nila, sikat daw ako di lang dahil ako yung top student, but I'm also one of the prettiest here.
Like duh? Asa naman ako! Eh andami-dami ko ngang nakikitang pretty students dito eh! Ewan ko ba sa kanila kung bakit nila nasabi yun. Siguro nambobola lang.
"Hey Grace, ikaw pa lang andito?" "Yup. Ang aga pa kaya! 7:20 pa lang oh!"
"Akala ko pa naman andito na si Ziela."Sabi ko nga maaga pa.
Umupo muna ako dun sa bench. Tutal maaga pa naman eh!
Oo nga pala, I'm here at our tambayan. Yung circle of friends ko kasi is yung mga mahilig rin sa dresses, shoes and the likes. In short, fashionistas.
Dito kasi sa school, common na ang groupies.
Kami, yung mga fashionistas, eh nagsasama-sama dito sa garden. Syempre, all about fashion ang topics namin lagi! Meron ding mga super sossy, as in ang OA na nila.Mga superstar kung baga. Inaaya nga nila akong sumali sa kanila but I rejected their offer. Hindi ko carry dun! Masyadong mahangin!
Yung mga heartthrobs eh may sarili ring groupies. Kyaaaaaaa~ Grabe nga eh! Nagsama-sama ang mga oh so hot and handsome boys sa school! Kaya laging duguan ang mga ilong ng girls pag dadaan sila!
Syempre andyan din yung mga varsity. Mga players. Siguro sila ang coolest group para sa akin. Wala lang. Feel ko kasi ang sports.
Andyan din yung mga geeks or nerds. Ok lang naman sila sa akin pero sa iba, masyado silang outcasted. Wala namang masama sa pag-aaral ng sobra di ba? Pero siguro nga sa generation ngayon, konti na lang yung super mag-aral. Oh well. Inaaya rin nila ako dito kaso kasi baka sumakit utak ko dyan eh! Baka puro cosine at sine yung marinig ko. Eh di naabno na ako?
Ahm, meron ding mga nilalayuan ng ibang groupies. Yung mga bully at wicked students. Ewan ko pero di ko sila feel. Para kasing ang sama ng aura nila eh. -_____- Nakakatakot lapitan.
Lastly, andyan yung mga normal students. Yung mga walang interests sa ibang groupies. Wala lang, gusto lang nilang i-enjoy ang high school life nila. WITHOUT RESTRICTIONS.
"Venice!!!!"
Napalingon naman ako kung sino yung tumawag.
"Waaaah! Ziela!!"
Niyakap ko siya nang mahigpit. Gosh, I really missed this girl.
"How are you? Na-miss kita bruha!" "Ayos naman! Ako rin na-miss kita impakta!"
Ayos ba ang tawagan namin? Haha.
Yeah right. I'm bruha and she's impakta. Ang cute no?
She's Ziela Angeli Willson. At kung nahihinuha niyo na, she's the daughter of Mr. Willson, yung may-ari ng school. Lagi silang nagbabakasyon sa America kaya na-miss ko siya. Bestfriend ko yan eh! Of course she's famous here. Malamang naman di ba?
"May pasalubong ako sa 'yo bruha!" "Yay! Talaga??"
Then, inabot niya sa akin yung sandamakak na paperbags. Pagtingin ko, puro dress and shoes and accessories! Yay!
"OMG impakta, thank you!! You made my day!"
"Jeez. Di ko nga nadala lahat eh. Ang bigat kasi."Okay, ikaw na super yaman. Makapagbigay ng pasalubong, WAGAS.
"Oy lika na bruha, punta na tayong room! Baka maagawan pa tayo ng magandang pwesto eh!"
"Sure! Ayoko na sa unahan! Di ako makatulog ng maayos eh."Kumaripas kami ng takbo papuntang room. Geez! Nakakahingal pala tumakbo hanggang 3rd floor! Muscle pain!
Pagdating namin sa room, ayos! Lima palang kami! Pinili namin ni Ziela yung malapit sa airconditioner. Para malamig.
Syempre, inayos na namin yung mga gamit namin. Crap. Ang dami kong dala. Puro pasalubong ni Ziela!
"Hey bruha, kamusta na nga pala kayo ni Richard?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Crap. Di pa niya pala alam. "Uhh, we broke up."