Chapter 5

17 3 0
                                    

Chapter 5


Crosswell University.

Agad akong napabalikwas ng bangon sa mga nakikita ko, white ceiling, white bed, all over around this room is white. Hindi ako magtatanong kung nasa langit na ako o kung nasan ako. Wala ako sa teleserye, at alam na alam ko ang lugar na to. Sh*t! Seriously! Ang kaya ko lang itanong sa sarili ko this time is bakit ako andito? At kung pano ako napunta dito! The heck!
Narinig kong bumukas ang pinto kaya napatingin ako dito, si Cess.
"Ughh!" I groan as I cover my nase, I hella hate that smell. Oh shezz! Hospitals!! Your giving me headaches!
"oh? Ba't ka nakatayo dyan? Mahiga ka nga!" saway ni Cess sakin pero di ko ito pinansin at pumuntang terrace. Ang baho! Grabe!
"Hoy! Mahiga ka nga dun, iniwan lang sandali pagbalik ko nakatayo ka na at parang walang nangyari. Tsk!" sabi nya.
"Didn't I tell you how I hate hospitals?!" galit kong tanong. Nakakainis ah. Kasasabi ko lang kagabi eh, pinasok pa talaga nya ako.
"I wasn't the one who bring you here! Nagulat na nga lang akong may lalaki akong nakasalubong na bitbit ka at patakbong humingi ng tulong sa mga nurse." explain nya. Di ko maintindihan, eh, sino yun?
"Sino yun?" tanong ko.
" Di ko nakita ang mukha nya. Nakatakip kasi tsaka all black sya. Ang weird nga eh." sabi nya ulit.
All black? Mysterious? Nakatakip ang mukha? Weird nga.
Napatingin naman ako sa kanya nang may i-abot sya sakin.
"ano yan??" tanong ko at tinaasan sya ng kilay.
"kung gusto mong magpasalamat--" pinutol ko ang sasabihin nya.
"i dony say thank you's" I said as I lool at the sky. Anong oras na nga ba?
"no! I mean, kung husto mong bumawi sa ngligtas sayo--" pinutol ko ulit ang sasabihin nya. Ba't ba ang kulit nya??
"Sto--" this time she cut me off. Tss.
"Shut upo Monique and let me finish!" sabi nya at kinuha ang kamay ko sabay lagay ng hawak nyang... Napakunot ang noo ko. Isang bracelet na may nakaukit na FJ, may design na isang flower na tulip at batik design na yung iba. Babae ba ang may-ari nito?? "Nahulog yan nong lalaki kahapon habang bitbit ka nya. Di nya ata nanalayan na naihulog nya yan." sabi nya ulit. Tinaasan ko lang sya ng kilay na paranv nagsasabing "eh, ano ngayon?" sabi ko sa isip ko. Ayaw ko namang makipagdebate sa isang makulit na tulad nya. Tss. "eh ngayon nga. KAPAG, kapag lang ha? Kapag gusto mo syang pasalamatan, use that to find him." sabi nya at tsaka tumayo. "Sige bye. Puntahan ko pa si Bestfriend. Ikaw, gusto mong sumama?" tanong nya. As if naman gusto kong lumabas noh!
"nah!" pagtatanggi ko.
Papasok na dapat sya nang hawakan ko ang kamay nya. "Anong oras na?" tanong ko.
"Kinakausap mo lang talaga ako pag may kailangan ka." bulong nya at sa sobrang hina di ko man lang narinig. Tumingin sya sa wrist watch nya sabay tingin sakin nang may ngiti pero halatang peke. "11:30 pm po. Dalawang oras kang tulog. Sige maiwan na kita. Kailangan ko pa kasing kumudtahin si Syrenelle. Bye. Bye. Best. Love you. Ingat may sugat ka pa naman. Mwah. Mwah. Hehe!" pamamaalam nya at umalis na nang tuluyan.
Napatingin naman ulit ako sa hawak kong bracelet, if ever naman kayang magkita tayo. Ano namang mangyayari? Hayy. Buhay nga naman oh.

"Ano bang nangyari kagabi??? Ang tagal mo raw umuwi." nag aalalang tanong ni mama, di ko alam kung totoo ba yun o peke. Tss. Mahilig naman akong di mamansin kaya di ko nalang sya pinansin.
"adriana! Kinakausap pa kita!" sigaw nya at tsaka ako hinila para kausapin.
"ma.." mahina kong sambit. "pagod ako ok? Kita nyo siguro may sugat din ako! Galing akong ospital at ngayon. Gusto kong magpahinga." ani ko.
"alam mo bang 2:00 na nang umaga??" matigas nyang sabi at tinitigan ako na para bang tinitingnan kung totoo ba ang sinasabi ko o nagsisinungaling ba ako. Napairap naman ako. "At anong sabi mo?! Galing kang ospital?! Sa pagkakaalam ko, hindi ka pumapasok sa isang ospital at lalong hindi mo kinakayang mag stay run ng matagal. Pinagloloko mo ba ako Adriana?!" umirap na talaga ako ng todo. Bakit ko naman sya lolokohin?!
Hinila ko ang braso ko pabalik! Baka di nya alam nakakasakit na sya.
"sorry ma... Magpapahinga na ako!"

Naririnig ko pang aumigaw si mama pero di ko yun pinansin. Nakakainis! Ako pa sasabihan nyang manloloko. Tss.
Nagulat nalang ako nang may biglang sumalobong sakin.
"Ads!" napapitlag naman ako. Isa lang naman kasi ang tumatawag sakin ng ganon. Ang kuya ko, si Bullet Santiago.
"K-kuya..." nauital kong tawag sa kanya habang nakatitig sa kanya. Oh God! I smell trouble here! Ang pagkakaalam ko kasi nasa Japan sya, don kasi sya nag-aaral. High class si kuya at sobrang talino. Isa sa maipagmamalaking tagapagmana ng Santiago Company. Hindi sya ordinaryong tao, pero si ko rin alam kung anong klase syang tao.
"B-ba't ang a-aga mo yatang umuwi kuya? May a-aasikasuhin ka po ba dito?--" naputol ang pagsasalita ko ng lapitan nya ako. I stiffined when he touch my face.
"Where did you get some wound? As far as I know, you are capable of taking care of yourself. You even dont have scars until you reach this age, but how come Ads?!" matigas nyang tanong sakin. Kung tinatanong nyo kung sino lang ang nakakapagpatiklop sakin, wala yung iba kundi ang kuya ko.
'A-ano kasi k-kuya..." di ko na alam ang sasabihin ko. Walangya naman oh!
"Oh! Ba't la ba nauutal?" tanong nya at mas lumapit pa.
"Kuya naman eh!" pagmamaktol ko. Aish! Anakanamankasingnanaymo!
Tinaasan lang nya ako ng kilay. Ang suplado kong kuya. Tss. Sa kanya yata ako nagmana eh!
"kuya.." mahina kong tawag sa kanya tsaka nag pout. Malay mo effective, diba?
"hahaha..." napatawa sya at tsaka ginulo ang buhok ko. "childish!" dagdag nya pa. Bipolar!
"Si kuya talaga oh!" nasabi ko nalang. Pero infairness gumana sya, kailangan ko pa lang magpasalamat sa dalawang baliw na yun. Waf nalang pala. Tss.
"Oh! Sige na, alis na ako. Bye. Happy B-day Ads!" sabi nya sabay halik sa noo ko at may binigay sakin ma malugod kong tinanggap.
Isang gift, wrapped nga lang sya. Wait... Isang gift at "happy b-day.." Nanlaki ang mata ko. Nakalimutan ko na naman, B-day ko pala. What the! Ulyanin nga yata ako eh.
Pero wala namang dapat i-celebrate ngayon. Wala naman yatang nakakaalala sa b-day ko bukod kay kuya. Tss. Makapag party nga sa kwarto. Haha. Akala nyo ah.


A/N:pakiusap ko sa mga silent readers, sana mag comment kayo para malaman ko yung mga opinyon nyo. thank y

HIS or HER PRESENCE (first half)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon