Kabanata 2

42 0 0
                                    

March 19,2015

Nag plano kami nila Eunice, Ej at Jetro na pumunta sa MOA
Habang nasa jeep kami. Sobrang tahimik namin ni Eunice.

Hanggang nag salita si Ej.

"Patext nga ako kay mama." Sabi ni Ej.
*inabot sa kanya ang phone*

"Magpapaalam ako kay mama na pupunta tayo ng moa." Sabi ni Ej.

"Okay." Parehas naming sabi ni Eunice.

Biglang kinuha ni Jetro yung phone ko kay Ej.

"Ako na nga mag ta-type. Ang bagal mo eh. Ano bang sasabihin?" Mayabang na sabi ni Jetro.

Makalipas ang ilang minuto..
Nag text yung mama ni Ej.

Bad news: Hindi sya pinayagan. Gumala na daw kasi sya kahapon.

"Uy! Hatid nyo ako sa bahay ah?" Pasigaw na sabi ni Ej.

"Okay." Sabi naming tatlo.

Pagkatapos namin ihatid si Ej sa kanila.
Nag aya si Jetro na pumunta sa bahay nila para magpalit ng damit na pang alis.

Biglang tumawag si Archie sa phone ko.

"Hello?" Sabi ko.

"Hi mam ven. Musta?" Sabi niya.

"Hello. Okay lang naman. Ikaw?" Sabi ko.

"Okay lang din. Eto di pa rin maka move-on." Sabi niya.

"Tiwala lang. Makaka move-on ka din." Sabi ko.

"Haha. Sana nga." Sabi niya.

"Ah, sige Archie alis na kami. Nandyan na si Jetro eh. Bye." Pagmamadali kong sabi.

"Sige mam ven. Ingat. Bye." Sabi niya.

"Sige bye." Huling sabi ko.
Call ended.

Biglang lumabas si Jetro sa bahay nila.

"Ano? Tara na?" Sabi ni Jetro.

"Sige." Sabi namin ni Eunice.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Setting: SM Mall of Asia

Nag aya muna silang kumain sa Mcdo.

Sila Eunice at Jetro lang yung kumain. Ayoko kasi kumain ng kanin.

Pinagmamasdan ko lang sila kumain.
Naghaharutan pa sila sa harapan ko.
Naiingit ako sa kanila na nag seselos.
Pero wala akong karapatang mag selos. Hindi naman kami eh.
Hahaha. Feelingera ako masyado.

Pagkatapos nila kumain nag-aya akong pumunta sa Wendy's para bumili ng frosty.
Pagka-bili ko ay agad silang nag aya na gumala.

Nag ikot-ikot kami sa MOA hanggang sa napadpad kami sa sea side.
Naka tambay lang kami dun.
Hanggang sa naisipan ko nang umuwi. Baka kasi hanapin na ako ni mommy eh.
Niyaya ko silang pumunta sa bahay. Ayaw pa daw kasi nilang umuwi eh.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Setting: Sa bahay namin

Dumirestso kami sa bahay ng lola ko. Mas malaki kasi yung bahay ng lola ko kesa sa amin.
Hindi talaga namin sariling bahay yun. Nag re-rent lang kami ng bahay sa Villamor. Pati yung lola ko. Nag re-rent lang din.

Umupo sila parehas sa sofa.
Naiinggit ako kay Eunice. Ang sweet nila.
Nag-aagawan pa sila ng unan. Napansin ko na lang at naka tulog na si Jetro ng naka yakap silang dalawa ni Eunice sa unan. Ang sakit makita yung best friend mo na ang sweet nilangdalawa ng crush mo.

Pinagtripan ko si Jetro at pinicturan syang natutulog.
Tuwang tuwa kami ni Eunice sa mukha ni Jetro habang tulog sya.

Maya-maya ay biglang nagising si Jetro.
Nag kukulitan nanaman silang dalawa ni Eunice.
Pinicturan ko sila na para bang natutuwa ako sa mga pangyayari.
Ang sakit... Sobrang sakit makita yung mahal mo na masaya silang dalawa ng best friend mo.

Nag-aya akong lumabas at mag stroll kasama si Eunice.
Hiniram ko yung susi ng motor ni mommy.
Umikot lang kami sa may bandang 9th street hanggang maka balik kami sa 2nd street.

Pagdating namin sa 2nd street ay nakasalubong namin si daddy na naka sakay sa kotse nya. Pinagalitan ako kasi bawal daw ako mag drive ng walang lisensya.

Pagkatapos kong mapagalitan ay inihatid ko na sila Eunice at Jetro sa sakayan.
Pati sa tricycle ang saya pa rin nila. Nakaka-inggit.

Bumalik na ako sa bahay pagkatapos ko silang ihatid.
Grabe, hindi pa rin maalis sa isip ko na ang sweet nilang dalawa.
Ang sakit talaga. Habang pinagmamasdan ko yung picture nilang dalawa ay unti-unting nadudurog yung puso ko. Ang sakit.. Pero wala akong karapatang mag selos. Wala namang "kami" eh. Bakit may gana akong mag selos?

Nag-chat sa akin si Eunice at sinabing ang sweet daw ni Jetro sa kanya.
Agad ko namang sinabi na bagay sila. Kahit ang sakit.
Hindi sa lahat ng oras ako yung masaya. syempre iniisip ko din yung kaligayahan ng best friend ko. Kailangan kong i-sacrifice yung nararamdaman ko kay Jetro para kay Eunice. Hays. Ang hirap. Kung alam lang talaga ni Eunice na matagal ko ng gusto si Jetro eh, lalayo na yan agad kay Jetro.

Best friends?! More like lovers.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon