Kabanata 3

33 0 1
                                    

Ilang araw na ang nakalipas noong nag bonding kaming tatlo.
Bigla ko na lang nalaman na mag-MU na silang dalawa ni Eunice.

Nasaktan ako ng malaman ko na mag-MU na sila.
Hindi parin mawala si Jetro sa puso ko.
Hays. Paano ko kaya sya matatanggal sa puso ko?
Para sa best friend ko. Gagawin ko to.
Pero hindi ko kaya eh. Hindi talaga sya mawala sa puso at isipan ko.

Biglang nag chat si Jetro sa akin.
Tinatanong nya ako tungkol kay Eunice.
Ang dami nyang tinatanong about kay Eunice.
Yung mga likes and don'ts ni Eunice.
Nakaka-miss magka-boyfriend.
Grabe si Jetro, He'll do anything for his girlfriend. How sweet naman.
Nakaka-inggit talaga tong si Eunice.
Naka-pulot ng deserving na boyfriend.
Ang swerte nya kay Jetro.
Hinding-hindi sya iiwan kahit anong mangyari.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kuhaan ng card ngayon.
Hindi ako pinayagan ni daddy na ako lang kumuha ng card ko.
Nakaka-inis naman oh.
May plano pa naman kami nila Eunice na gagala kami. Hays.
Si daddy na kumuha ng card ko sa school.

I chatted Jetro na pumunta na sya sa school kasi kanina pa sya iniintay ni Eunice doon.
Sinabi ko na din na hindi ako makaka-sama kasi hindi ako pinayagan ng dad ko.

After an hour ago..
Nag status si Jetro ng "Ilang oras akong nag intay sa Mcdo ng Moa."
Bigla akong nagulat kasi galit na galit si Jetro kay Eunice.
Pinag-intay nya si Jetro sa wala. Hays.
I comforted Jetro. Sinabi ko na "baka hindi lang kayo nakapag kita kasi baka gumala pa sila." Puro positive yung mga sinasabi ko sa kanya.
Kailangan mawala yung badtrip nya kay Eunice.

Makalipas ang ilang oras..
Nag-uusap na silang dalawa ni Eunice.
Nag-aaway na sila..
Nag-paraya na lang si Jetro.
Sya na lang nag sorry para hindi na lumaki yung away nila.

Tinanong ko si Eunice about sa pinag-awayan nila.

"Eunice. Bakit hindi kayo nakapagkita ni Jetro?"

"Hindi lang siguro namin sya naabutan dun. Pabalik-balik kaya kami doon."

"Bakit hindi nyo na lang sya inintay doon? Kesa bumalik-balik pa kayo dun."
Bigla sya nag offline.

Kinausap ko si Jetro.
"Jetro. Okay na kayo ni Eunice?"

"Yup. Okay na kami. Ako na lang nag sorry para tapos na."

"Ahh okay."
End of conversation.

Ang iksi lang ng conversation namin ngayon.
Di tulad ng dati inaabot kami ng oras.
Ngayon parang segundo na lang.

Napaka baba talaga ng pride neto ni Jetro. Bilib ako sa kanya.
Kahit na yung babae yung may mali. Sya na lang yung hihingi ng tawad.
I feel bad kay Jetro. Dapat hindi na lang sya nag sorry kay Eunice.
Kasi actually kasalanan talaga ni Eunice eh. Hindi nya manlang inintay si Jetro.
Ayun, nag mukha tuloy tanga kaka-intay sa kanya. Hays.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Makalipas ang ilang araw..
Nag-paalam sa akin si Jetro na pumunta sa bahay.
Wala daw kasi syang ginagawa sa bahay so ayun. Gusto nya gumala.

"Uy! Libre mo ako sa Mcdo ah?" Sabi ko sa kanya.

"Sige, sige. Basta mamaya sunduin mo ako sa Family Mart ah?"

"Sige. Basta libre ah?"

"Oo na nga. Kulit neto."

Best friends?! More like lovers.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon