Kabanata 4

34 0 2
                                    

Bigla na lang akong nakatanggap ng chat from Eunice.
Break na sila.
Naaawa ako sa best friend ko. Kahit magka-MU lang sila ni Jetro.

"Raven, break na kami. Sinabi nila mama at papa na kung mahal daw talaga ako ni Jetro dapat maniwala siya sa sinasabi ko." Sabi niya.

"Okay lang yan Eunice. You did your part. Hindi ka nagkulang."

"I know pero masakit pa rin eh."

"Hays. You'll get through with this. Kaya mo yan. Malakas ka Eunice."

"Hindi ko na kaya Raven. I give up."
End of conversation.

Naaawa talaga ako kay Eunice.
Wala na sila ni Jetro.
Hays. Hindi man lang sila nag sama ng matagal.
Biglang nag chat sa akin si Jetro.

"Hey. Wala na kami." Sabi niya.

"Alam ko. Sinabi na sa akin ni Eunice." Sabi ko.

"Binlocked at inunfriend niya na ako sa Facebook." Sabi niya.

"Hayaan mo na. Nangyari na ang mga hindi inaasahang pangyayari.
Just give her some space na." Sabi ko.

"I know. Bahala na." Matipid niyang sagot.
End of conversation.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Some day passed......

Pumunta kami ng Puerto Galera with my family. Kaso hindi kasama si daddy.
Nakatanggap ako ng text for an unknown number.

"Hey! Jetro to. Musta? Number ko nga pala to."

Bigla akong nagulat. Nagparamdam siya ulit sa akin. Gosh.
Ano kayang kailangan niya? Hmmm.....
Nag reply na lang ako.

"Oh, Hi Jetro. I'm fine. Nandito kami ngayon sa Puerto Galera." Reply ko.
Agad naman akong nakatanggap ng text galing sa kaniya.

"Ahh okay."
End of conversation.

Bigla na lang akong nakaramdam ng kilig.
OMGEEEEE!
I miss him so much!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkatapos nun hindi na siya nag text.
Nagulat ako nung gabing yun, tumawag siya sa akin..

"Hey! Musta na? Hahaha." Sabi niya.

"Uy! Okay lang naman. May meteor shower mamayang 12:00 AM." Oh my gosh. Kinikilig nanaman ako sa kaniya. Waaaaaaahhhhh!

"Talaga? O'sige abangan natin." Gosh, ano to? Kinikilig nanaman ako sa kaniya. Waaaaaaaaaaahhhhhh! Talaga naman oh, lakas talaga neto ni Jetro. Napapakilig ako ng sobra! Yieeeee!

"Uhmm... Sige." Matipid kong sabi. Medyo kinikilig pa rin ako. Wahahahaha.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
12:00 AM na.
Magka-text na lang kami ngayon ni Jetro.

Magtatapat na ba ako sa kaniya? Oh my....

"What if I told you that..." Kinakabahan ako sa sagot niya..

"That?" Sabi niya.

"I like you." I like you talaga? Hahahaha. Pabebe muna syempre.

"Hahaha. :) What if I told you that..." Oh my gosh. Ano to? Waaaaaah! Nananaginip ba ako?

"That?" Sabi ko. Goshh... Kinikilig ako.

"I love you." What the fudgeeeeee! Eto na ba yun? Mahal niya ba talaga ako? Waaaaaaaaaaah! Gosh. Nakaka-kilig namaaaan.

"I love yah too." Sht. Nasabi ko na ba? Waaaaaah! WTF!

Sabay naka-kita kami sabay ng shooting star. Meant to be talaga. Gosh. Hahaha. Masyado akong feeler. Hahaha.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Gosh. Kinikilig pa rin ako. Waaaaaaah!

Kinahapunan umuwi na din kami sa Manila.

Nakatanggap ako ng text galing kay Jetro.

"Nakauwi na kayo? Text mo ako pag nakauwi na kayo ah? Ingat. :)" What the fuuuudge. Waaaaah! Kinikilig nanaman ako. Sht. Hahahahaha.

"Pauwi pa lang kami. :) Sige. Thank you. :)" with matching smiley face pa. Hahahaha. Halatang kinikilig ako. Wahahaha.

Gabi na nang nakauwi kami sa Manila.

Nag chat sa akin si Jetro.

"Musta biyahe? :)" sabi niya.

"Okay lang naman. :) medyo nahihilo pa nga ako eh." Nahihilo sa sobrang kilig. Hahahaha. Charr.

"Ahh okieeee. Pwede ba ako pumunta sa inyo bukas?" Oh my gosh. Excited na ako. Waaaaaaaaaah!

"Sige. :) laro tayo ng Xbox bukas. :)" Nakaka-excite naman. Hihihi. Sht. Kinikilig ako. Hahahaha.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
-Kinabukasan-

Ito na, nakita ko na si Jetro na naglalakad papunta sa akin, magkausap kami sa phone.

"Hoy ate ganda, ang ganda mo! Hahaha! Matatawa ka sa itsura ko eh, nagpakalbo kasi ako." Sabi ni Jetro.

"Hahaha! Kalbo!" Sabi ko.

Nakita ko na siya, so 'yon, pumunta na kami sa bahay namin.
Siyempre nagkulitan pa kami. Naglaro na kami ng NBA 2K15, Chicago Bulls yung gamit ko, parehas kami.
Idol ko kasi si Derrick Rose non kasi idol rin ni Jetro 'yon. Hahaha.
After a few moments, lumamang yung score ko.
Tapos ang daya niya kasi kinukulit niya ako kapag mag-shoshoot ng free-throw. Hahaha.
Then yung medyo malaki na yung lamang ng score ko, nabwisit siya sa sarili niya, kung 'di ba naman abnormal.
Tapos bigla niya akong niyakap! Yung yakap na kunwari sakal. Hihihi. Pagkayakap niya sa akin gamit yung braso niya humiga kami tapos nakayakap pa rin siya sa akin. Pagkatapos non, si Jetro nagseryoso na sa laro.
Ang pangit ng mukha niya kapag naka-game face. Mukhang kalabaw na nakasuot ng damit. Hahaha! Pagkatapos niya maka-score, nag-dunk yung D Rose ko sa Jimmy Butler niya.
Bigla ba naman tinakpan ng unan yung mukha ko, hahaha.
Yung nakakakilig pa doon, ay yung nagtitigan kami sa loob ng 5 seconds. Grabe! Ang sweet.

Pagkatapos ng laro biglang dumating yung mga kaibigan ko, sila na yung naglaro habang kami ni Jetro nanonood nalang sa kanila, nakaupo ako sa sahig, tapos si Jetro nakadapa sa bed. Ang sweet niya, nakasandal siya sa likod ko, inaamoy niya pa yung buhok ko. Hihihi.

"Ang bango ng buhok mo." Sabi niya sa akin. Gosh, kinikilig nanaman ako. Waaaaaah!

"Amoy conditioner noh? Hahahaha." Sabi ko na may halong pang-aasar.

"Oo na. Hahaha. Ang bango kaya." Yieeeeee. Shet. Kinikilig nanaman ang ate niyo. Hahaha. Charot.

Habang kalaban ko si Pia sa NBA2k15.
Kinukulit ako ni Jetro. Kupal eh. Hahaha. Tinatakpan ng unan yung mukha ko. Putcha naman oh. Hahaha. Ang cute niya. Oh em, nakaka-kilig.

Best friends?! More like lovers.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon