Chapter 8: Idiot

369 12 10
                                    

Chapter 8 Updated! :D 

Dedicated to amishyu_beshtie. Thanks for the Votes and Comment. Keep on supporting :))

Kahapon ko dapat ito i-uupdate kaso nakulangan ako ng time dahil sa Concert ni DJ. Super thanks sa President ng KathNiels na si Vice Ganda. :)

Congratulations kay DJ kasi siya ang kauna-unahang 18 year old teen hearthrob na naka-puno ng Araneta. We will always love and support you.

Ayan, read na kayo. Enjoy! :))

-aubreeyjoy ♥

______________________________________________________

Daniel's POV

Nakakainis talaga 'tong si Diego. Kung saan-saan kami dinala.

Buti nalang nakabalik pa kami sa may picnic area. Pahamak eh!

"Ah guys, bili muna kami ng pagkain. Pangdinner natin mamaya." sabi ni Julia.

"Sige, mag-iingat kayo ha?" sagot naman ni Quen at umalis na sila.

Naiwan naman kaming mga lalaki dito.

"Marco, seryoso talaga kayo ni Miles noh? Pinanindigan niyo yung sinabi niyo kanina. Kayo na talaga." Diego

"Oo naman tol. Alam niyo naman na matagal ko na siyang gusto diba?" Marco

"Naks! Ibang level ka na tol! Lumelevel-up ang kuya! Hahahaha." Enrique.

Habang nagkekwentuhan sila, ako naman lutang ang utak. Nakatingin lang ako sa langit. Hindi ko lubos maisip kung bakit hanggang ngayon, naiinis parin ako sakanya. Naiinis parin ako kay Ms. B.

Kung tutuusin, sa dami ng mga nangyari, dapat nga kinalimutan ko na yun kanina pa. Pero hindi eh.

Sa isang maliit na bagay, sobra-sobra ang pagkainis ko. Ewan ko ba. Feeling ko nagiging isip bata ako.

"HUUUUUY!"

"Amput... Ano bang problema niyo?!" Masigawan ka ba naman kasi ng tatlong mokong ng napakalas. Mga panira ng world peace eh!

"Ikaw!"

"Ako? Ano nanamang ginawa ko?" Sus. Ano bang trip ng mga 'to? Mga Istorbo sa buhay.

"Ang lalim ng iniisip mo eh. Masyado kang tulala." Marco

"Matanong nga kita. Bakit ba labis nalang ang pagkasuklam mo kay Kath? Sobrang pait ba talaga ng unang pagkikita niyo?" Enrique.

"Eh ano bang pakialam niyo tol? Oo, nabibwisit ako sa kanya. Pero hindi naman umaabot sa point na kinasusuklaman ko na siya. Parang nakakawalang respeto naman yun sa babae." sagot ko sa kanila.

"Ang sungit naman nito. F.Y.I may pakialam kami no." sabi ni Diego sabay nag-pout. Ang pangit niya. Hahaha.

"Eh ba't ba kasi inis na inis ka sakanya? Mabait naman yung tao eh." Enrique.

"Sus. Akala niyo lang yun. Pero tol, pag nakikita ko siya, ewan ko kung bakit, pero nababadtrip  ako agad sa kanya. Pag may konting kasalanan siya, lubos-lubos na ang pagkainis ko. Hindi ko nga alam kung ba't ganun eh. Wala manlang araw na di ako nainis sakanya." sagot ko.

"Naku tol, minsan kaya tayo nababadtrip sa isang tao kasi akala natin naiinis lang tayo sakanila. Nabibwiset tayo sa mga pinag-gagagawa nila dahil para satin big deal ang lahat ng kamalian nila. Pero hindi natin alam na sa likod ng mga hinanakit natin, iba na pala ang namumunga sa loob. Hindi natin namamalayan na may kakaiba na pala. Na minsan, akala mo siya ang sumisira ng araw mo. Pero ang totoo niyan, taliwas ito sa talagang nasa loob ng puso mo. Pero huwag kang mag-alala tol. Nasa unang hakbang ka palang naman sa pagkilala mo sa isang tao eh. Pero sinasabi ko sayo, kahit kailanman hinding-hindi mo mapapalitan ang tunay na nararamdaman mo. Maliban nalang kung sobra ang sakit na naranasan mo. Lahat ng 'to maaring mangyari sayo. Basta ang payo ko lang, matutong balansehin ang isip at puso." Diego

Distance to EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon