Chapter 2: WHAT?!

486 14 6
                                    

Hi guys!

So, here's the Chapter 2.

Thanks for the Votes, Reads and Comments.

Enjoy! ;)

- aubreeyjoy ✗o✗o

________________________________

Kathryn's POV

Nang maka-uwi na ako, sinalubong agad ako ng Nanay Selya ko. Katulong namin siya simula pa nung maliit ako. Pero siya na ang nagpalaki sa akin dahil sa madalas na nasa trabaho sila mama at papa.

Nay Selya: "Oh Kathryn, ginabi ka na yata ng uwi?"

         - " Sorry po. Naglibot pa po kasi kami ni Julia sa mall eh."

Nay Selya: "Ah ganun ba. Nakauwi na ba siya?"

         - " Opo. Nauna na po siyang bumaba ng kotse."

Nay Selya: "Oh sya, sige na. Umakyat ka na at magpahinga. Mukhang pagod ka eh."

        - " Sige po Nay. Thank you po."

Ang bait talaga ng Nanay Selya ko. Dati, araw-araw kong hinihiling na sana lagi ko nalang nakakasama mga magulang ko. Pero ngayon, naiintindihan ko na sila. Alam kong nagtratrabaho sila para sa kinabukasan ko.

Umakyat na ako sa kwarto ko at kinuha ang Journal para magsulat. Gawain ko kasi 'to. Gusto kong kumpletuhin ang 365 pages ng buhay ko para balikan ang mga memories sa mga nakaraang taon.

Oo, alam ko. Sobrang mais. Ang nerd ko talaga. Naging ganito lang naman ako simula nung pumunta sa ibang bansa si Julia. Di na ako nagkaroon ng iba pang kaibigan nun. Pero okay lang. Dito na ako masaya ngayon kahit na kasama ko na ulit ang bestfriend ko. 

        Dear Journal,

                  Mukhang hindi ko yata araw ngayon. Kasi naman, buong araw akong kinulit ni Julia about staying here sa Baguio and study. Medyo napaisip din ako kung papayag ba ako o hindi dahil sa favor na nabanggit niya.

                   Hindi pa ako nakakarecover sa kakulitan niya nang may nakabangga saking demonyo. Grabe, ubod naman yata yun ng kayabangan. Oo, aaminin kong kasalanan ko rin naman kung bakit niya ako nabangga eh. Pero atleast man lang sana, siya yung tumitingin sa dinadaanan niya para hindi kami nagkabanggaaan. Siya pa 'tong nagalit, eh siya na nga ang dahilan kung bakit ko nalaglag ang phone ko. Hindi manlang siya nagsorry. Bwisit! Pogi pa naman sana siya, kaso mayabang at suplado naman. Sayang lang kagwapuhan niya kung ganun ang ugali niya.

                     Hay nako. Dibale na. I just want to forget this day. Marami pa namang mangyayari sa buhay ko eh. Di pa end of the world para magdrama ako tungkol dito. Hay buhay nga naman. Yun lang naman Journal.

                                                                                                                                                                  -   Kath ♥

Daniel's POV

Ano ba yan! Bakit ko ba kasi kailangang magmadali?! Lahat na yata ng nadadaanan ko dito sa mall nababangga ko. At ang pinakamalala ay si Ms. Bungangera. Grabe, ang ingay-ingay niya. Akala mo naman siya lang tao dun kung makasigaw siya. Kainis naman kasi 'tong si Ate Roanna. Ngayon lang sinabi sakin na may family meeting pala. Edi sana hindi nalang ako umalis ng bahay.

Pagpasok ko sa bahay, lahat sila nakatingin sakin. Nakakahiya naman sa kanila. Kumpleto silang lahat. Ako lang pala wala kanina. Panigurado galit nanaman sakin si Lolo.

Distance to EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon