Chapter 4: Fragile

383 10 9
                                    

This is dedicated to Chenemarila dahil madalas siyang magcomment dito. Thank you sa mga good feedbacks mo. Sana hindi ka magsawang basahin ito. :))

-aubreeyjoy ✗o✗o

____________________________________________________

Kathryn's POV

- After two weeks -

"Bes! Ready ka na?" Excited na tanong sakin ni Julia.

"Oo naman bes. Super ready na ako!" Sagot ko naman sa kanya.

Start na ng classes today at sobrang excited na ako. Pero worried parin ako kasi baka matukso nanaman ako ng mga bullies. Medyo natrauma na kasi ako dati nung elementary ako eh. Pero okay lang, I have Julia naman on my side eh.

Habang sinusuot ko ang uniform ng school na papasukan namin, napangiti ako. Pano ba naman kasi, ang cute ng color combination. Sky blue na polo at navy blue skirt. Pero mas nagmukha tuloy akong nerd. Baka mas lalo pa akong mapansin ng mga bullies. 

Dibale na, papasok ako sa school para mag-aral. Hindi para makibagay sa kanilang lahat at magustuhan nila ako. I'm already contented with Julia as my bestfriend. 

"Bes, na'sayo na ba lahat ng gamit mo? Eh yung mga requirements?" Tanong sakin ni Bes. 

Worried siya kasi ayaw niyang napapagalitan ako.

"Yep! Kagabi ko pa inayos." Sagot ko naman sakanya.

Maalaga talaga si Julia. Parang kapatid narin kasi ang turing namin sa isa't-isa. 

"Great! Let's go?"

Umalis na kami ng bahay. Mahirap nang malate. First day of classes pa naman ngayon. 

Sana maging maayos ang kalagayan ko sa bagong papasukan namin ni Julia. Goodluck nalang sa amin.

(School)

Nandito na kami. Grabe, ang cute naman ng building. Color pink siya pero sakto lang naman ang pagka-pink neto. Hindi masyadong girly. Marami nang estudyante ang nagsisi-pasukan dito.

Since di namin alam ni Julia kung saan didiretso, sinundan nalang namin kung saan pumupunta ang karamihan ng mga estudyante dito.

Napunta kami dito sa Gymnasium ng school. Andaming tao dito. Dito siguro ang assembly area. Hindi pa naman time kaya umupo muna kami sa bench. Grabe, andaming nagaganap dito. May mga batang naglalaro, may mga nag-chichikahan, at may mga nagba-basketball din. Nagkatinginan kami ni Julia at sabay ngumiti. Natutuwa din siguro 'to. Hahahaha

*POOOOK!* - "Araaaaaaay!" Sigaw ko.

Ikaw ba naman kasi ang tamaan ng bola ng basketball sa ulo. Syempre masakit yun!

"Miss, sorry sa. . ." Wait kilala ko 'to ha!

"Ikaw?!" Sigaw naming dalawa.

"Anong ginagawa mo dito?!" Sabay ulit kami.

"Ba't mo ako ginagaya?!" Sabay nanaman kami. 

Tumigil na siya at tinarayan ako. Aba, daig pa ang babae. Kaloka!

"Ms. Bungangera, sinusundan mo ba ako?" Ano daw? Feeling lang ang kuya.

"Wow! Kapal ha?! For your information, hindi ko susundan ang mga lalaking tulad mo na antipatiko, mayabang, at suplado!"

Sa sinabi ko, pinagtawanan siya ng mga kaibigan niya. Mukhang napahiya ata siya. Buti nga sakanya. *evil laugh*

Distance to EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon