Day #1
"Bree!" sigaw ko sa babaeng may dala-dalang mga libro.
"Hoy Bree! 'Yung libro na hulog!" sigaw ko ulit sa kanya pero hindi nya ako magawang pansinin o lingunin.
Nakakapag-taka, kanina pa ako nandito sa classroom namin, kanina pa ako sumisigaw, kanina pa nag dadaldal, kanina ko pa sila kinakausap..
Pero hindi nila ako magawang pansinin, hindi nila ako magawang kausapin.
Galit ba sila sa'kin? Pati sila Andrew at Owen hindi na nila ako pinapansin, akala ko ba kaibigan ko sila? Sa pagkaka-alam ko wala naman akong ginagawang masama sa kanilang dalawa, sa pagkaka-alam ko kahapon okay pa kaming tatlo, nag-laro pa kami ng basketball, sa pagkaka-alam ko wala naman akong ginawang masama sa mga tao sa paligid ko.
Pero bakit hindi nila ako pinapansin?
"Drew!" sigaw ko ulit kay Andrew, tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanilang dalawa ni Owen.
"Hoy mga ugok! Pansinin nyo naman ako! Para naman kayong mga tanga dyan! Hindi magandang biro 'to!" sobrang lakas na ng pagkaka-sigaw ko pero hindi pa rin nila ako pinapansin. Huminga naman ako ng malalim at binatukan ko silang dalawa.
"Aray!" reklamo nila.
"Hahaha! Oh ano!? Hindi nyo pa ako papansinin?!" sabi ko sa kanila, habang hinihimas naman nila ang parte na binatukan ko. Nag-susukatan sila ng mga tingin na para bang isa sa kanila ang bumatok.
"Gago ka Owen, wala akong panahon para makipag-gaguhan sayo." seryosong sabi ni Andrew kay Owen at bumalik ito sa pag-susulat.
Umupo naman ako sa upuan na nasa tapat nila.
"Gago ka din! Kita mong seryoso ako kaka-sulat dito." inis na sabi ni Owen. Huling araw na kasi na pasahan ng notebook namin kaya naman todo pas-pas sila sa pag-susulat. Sa pagkaka-alam ko 'nung isang araw pa ako nag-pasa ng notebook ko, sinapian yata ako ng kasipagan 'nung araw na 'yun.
"Ano ba naman 'yan! Mga gago talaga kayo, pansinin nyo na ako!" pangungulit ko sa kanila pero hindi pa rin nila ako pinapansin.
Bigla naman huminto sa pag-susulat si Owen at sumadal sa kinauupuan nya, napalingon sa kanya si Drew na nag-tataka. Huminga ng malalim si Owen. "Namimiss ko na si Jake." malungkot na sabi ni Owen.
Kita mo 'tong gago na 'to miss na daw ako eh hindi nga nila ako pinapansin! Mga may sayad talaga. "Ako rin." malungkot na sabi ni Drew. Hahaha, mga baliw na yata 'tong mga kaibigan ko! Ang lalakas 'man trip.
"Kayo dalawa! Namimiss nyo pala ako! Hahahaha." natatawa kong sabi sa kanila pero bigla ako napahinto 'nung biglang nag punas ng luha si Drew.
"Wag na natin isipin sya." sabi nya sabay balik sa pag-susulat.
Ano ba ang nangyayari? Trip lang ba nila ito? Naka-shabu ba sila? Sige na nga, makiki-sabay na ako sa mga trip nila. Haha.
Bigla naman dumaan sa harapan ko si Bree. "Hoy Bree loves!" sigaw ko sa kanya at sinundan ko sya papunta sa labas ng classroom namin.
Ano bang problema namin? Sa pagkaka-alam ko okay naman kami. Wala naman kaming problema, sa pagkaka-alam ko 'nung isang araw 4th monthsary pa namin. Sa pagkaka-alam ko nag dinner date pa kami after class, pero bakit ngayon hindi nya ako pinapansin?
"Bree!" sigaw ko sa pangalan nya habang hinahabol sya sa pag-lalakad. "Bree, pansinin mo naman ako." sabi ko sa kanya 'nung naka-sabay ko na sya.
Hindi nya pa rin ako pinapansin, patuloy lang sya sa pag-lalakad. Hinawakan ko bigla ang kamay nya at bigla syang napahinto. "A-ano 'yun?" tanong nya sa sarili nya at itinaas nya 'yung kamay nyang hawak-hawak ko. "Bree." usal ko sa pangalan nya pero hindi nya pa rin ako pinansin. Nag patuloy ulit sya sa pag-lalakad. Mag kahawak kamay kami, pero parang sa kanya nag-lalakad sya ng walang kasama, nag-lalakad sya ng mag-isa lang.
Sa pinapakita ni Bree, hindi ko maiwasan na hindi masaktan, sa pagkaka-alam ko wala naman kaming problema. Hindi na ba nya ako mahal? Kaya sya gumagawa ng motibo na ganito?
Na pansin ko na lang na nasa isang bench kami ng school namin na madalas naming tambayan pag wala kaming teacher, umupo si Bree sa lagi naming inuupuan. Binitawan ko ang kamay nya at umupo sa harap nya.
"Bree, kausapin mo naman ako please." paki-usap ko sa kanya at hinawakan muli ang dalawang kamay nya na nasa ibabaw ng sementong mesa.
"Bree, I love you. Pansinin mo na ako, sorry kung may nagawa akong kasalanan sayo." naka-yuko kong sabi sa kanya.
Narinig ko naman syang napabuntong-hininga. Itinaas ko ang ulo ko at tinignan sya.
Hindi ko alam kung bakit pero, may tumulong luha galing sa mga mata nya..