Day #3
"Bree tara na." naka-ngiting sabi ni Andrew habang hinihintay si Bree sa pag-aayos ng gamit nya.
"Oo sandali lang." sabi naman nya at isinukbit na ang bag nya sa balikat nya.
"Bree ako na mag-bubuhat ng gamit mo." sabi ko sa kanya pero nag-simula na syang mag lakad at hindi na naman ako pinansin.
Ganito pala ang pakiramdam ng hindi ka pinapansin ng mga tao sa paligid mo, kahit pamilya ko hindi ako pinapansin, tatlong araw na akong hindi kumakain, ewan ko pakiramdam ko busog na busog ako at pag kumain ako parang sasabog na ang tiyan ko, pag nasa bahay naman ako nandoon lang ako sa loob ng kwarto ko, nag kukulong tutal naman hindi nila ako pinapansin. Ang sakit pala sa pakiramdam, pati 'yung taong mahal ko hindi ako pinapansin, pangatlong araw pa lang ngayon, makakaya ko pa kaya sa matagal na panahon?
Hindi maalis sa isip ko 'yung sinabi ni Drew kay Owen na 1st anniversary daw nila ngayon. Tinatanong ko sila kahapon kung sino, pero hindi nila ako pinapansin. Hindi ako maka-tulog, tatlong araw na. Himala nga eh, buhay pa ako.. Pero dahil sa hindi nila ako pinapansin, pakiramdam ko tuloy isang kaluluwa na lang ako.
Sumakay na kami sa sasakyan nila Drew, umupo ako sa back seat katabi si Bree, nasa unahan naman si Owen katabi si Drew na nag da-drive.
Buong byahe tahimik lang kami walang nag sasalita kahit ako, bakit pa ako mag-sasalita eh hindi naman nila ako pakikinggan o papansinin 'man lang.
Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko na namalayan na nandito na pala kami...
Sa isang sementeryo malapit sa school namin..
"Bakit tayo nandito?" tanong ko sa kanila pero bumaba si Owen at binuksan ang pintuan ng sasakyan para makababa Bree, dali-dali naman din akong bumaba. "Uy! Bakit tayo nandito!?" medyo inis kong tanong kay Owen pero hindi pa rin nila ako pinansin.
Umalis sandali si Bree at may biniling bulaklak sa may malapit na nag-titinda, bumalik si Bree sa kinaroroonan namin na dala-dala 'iyon, may hawak din syang puting kandila.
"Tara na." usal ni Bree sa dalawa. Pero umiling lang sila. "Kaya kami pumunta dito para sa inyong dalawa, puntahan mo na sya matagal ka na nyang hinihintay." makahulugang sabi ni Owen habang naka-ngiti, ngumiti naman si Bree, tumalikod ito at nag umpisa mag-lakad.
Sunod-sunod lang ako kay Bree, mga naka-sampung hakbang pa lamang sya ng huminto sya sa isang puntod doon. Umupo sya sa damo at isinindi ang puting kandila at inilapag doon ang bulaklak. Hindi ko gaano maaninag ang pangalan na naka-ukit doon dahil madumi ang lapida. Naka-tayo lang ako sa likod ni Bree.
"Kamusta ka?" tanong ni Bree sa lapida, baliw na ba sya? Bakit nya 'yun kinakausap?
Huminga ng malalim si Bree bago nag salita. "Happy 1st anniversary, sorry kung ngayon lang ako naka-dalaw dito after 8 months, sorry kung ngayon lang ako naka-dalaw sa puntod mo after 8 months. " umiiyak na sabi nya habang nililinis ang dumi na nasa puntod gamit ang kamay nya. "Sorry kung ngayon lang kita kinakausap, hindi ko pa kami tanggap. Nandito ka pa rin eh." sabay turo sa puso nya. "Nandito ka pa rin sa puso ko, hindi ko matanggap na namatay ka ng dahil sa'kin. Bakit mo naman kasi ako iniligtas? Sana hinayaan mo na lang akong malunod at mamatay, kesa ikaw ang binawian ng buhay." unti-unti ko na aaninag ang pangalan na naka-ukit sa puntod na nililinis nya.
"Pero alam mo ba mahal na mahal pa rin kita? 'Yung pangako ko sayo na ikaw lang ang mamahalin ko tutuparin ko 'yun..
Happy 1st anniversary Jake."
Jake V. Laureano
Date Of Birth: December 21, 1995
Date Of Death: July 30, 2010
Kaya pala hindi nila ako pinapansin.
Kaya pala hindi nila ako kinakausap.
Isang kaluluwa na lamang pala ako.
-End-
