Day #2
Pangalawang araw na 'to, kahit sa bahay hindi nila ako pinapansin, hindi nila ako kinakausap. Bakit ganun? Nakaka-tampo na sila, wala naman akong ginagawa. Simula 'nung nasa bench kami ni Bree, hindi ko maintindihan kung bakit sya umiiyak 'nun. Niyakap ko lang sya at pinunasan ang mga tumutulong luha nya, hindi ko nga alam kung bakit 'nung araw na 'yun parang wala syang kasama, parang sya lang mag-isa. Buong araw nya akong hindi kinakausap, buong araw nya akong hindi tinetext. Tapos sa bahay parang hindi rin nila ako nakikita, ano bang mga problema nila? Sila Mama at Papa malungkot ang mga itsura nila, hindi ko alam kung may problema ba sa bahay o wala. 'Yung kapatid ko naman kagabi ginugulo ko sa pag-lalaro, reklamo lang sya ng reklamo akala nya 'yung isa kong kapatid ang gumugulo sa kanya. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari, masyado na akong naguguluhan, masyado na akong nahihirapan sa paligid ko, sa mga taong mahalaga sa'kin.
"Bree." malungkot na tawag ko sa pangalan nya, gusto ko ng makaka-usap ngayon, gusto ko ng may makikinig sa'kin, gusto ko pansinin na nya ako, miss na miss ko na sya kahit nakaka-sama ko sya ngayon.
"Bree!" inilapag ni Bree ang bag nya, at lumingon sa upuan nila Owen. "Bakit?" tanong nya. Sumenyas naman si Andrew na pumunta doon si Bree, lumakad si Bree sa kinaroroonan ng dalawa, sunod lang ako sa kanya.
"Upo ka muna." sabi ni Owen kay Bree. Sila Owen at Andrew ang tumulong sa'kin para ligawan si Bree, sila ang naging tulay para maging kami. Kaya kahit ganyan ang dalawang 'yan malaki ang na itulong nyan sa relasyon namin.
"Bakit?" tanong ni Bree pagka-upo sa harap nilang upuan.
Umupo naman ako sa tabi ni Bree at inakbayan sya, bigla naman sya napatingin sa balikat nya at hinimas 'yun, at dahil nandoon at kamay ko. 'Yun ang na himas nya. "Uy, may pahimas-himas ka pang nalalaman dyan! Haha." biro ko sa kanya pero hindi pa rin nya ko pinapansin.
Napatingin ako sa dalawa at nakita ko naman na simpleng nag-sisikuhan sila. "Ikaw na mag-sabi." bulong ni Owen kay Drew.
"Oo na! Kupal ka talaga." pikon na sabi ni Drew, na tawa na lang si Owen sa kanya. Napangiti lang ako sa ginawa ng dalawa, ganito pala mag kulitan ang mga kaibigan ko. Ngayon ko lang kasi sila namasdan habang nag-kukulitan.
"Uhm.. Bree, bukas kasi aalis kami ni Owen, uhm... Alam mo na, sa ano..." hindi matuloy-tuloy ni Andrew ang sasabihin nya parang nag-aalangan syang bigkasin ang lugar na pupuntahan nila.
Tumingin naman ako kay Bree at nakita kong naka-ngiti sya. Sa wakas, nakita ko na rin syang ngumiti, simula kahapon at kanina ngayon ko lang sya nakita ngumiti lagi kasing tipid ang mga ngiti nya at laging malungkot ang itsura nya.
"Sige." medyo na gulat ang dalawa sa pag sang-ayon ni Bree.
"S-sigurado ka?" tanong ni Owen sa kanya.
"Oo naman siguro eto na 'yung tamang panahon para harapin ko sya, siguro eto na ang tamang panahon para palayain ko sya." malungkot na sabi nya sabay may pumatak na luha sa kanang pisngi nya, mabilis naman nya 'yun pinunasan at tumayo sya. "Punta na ako sa upuan ko, gawa pa ako sa Filipino." naka-ngiting sabi nya at pumunta na sya sa upuan nya.
Tinignan ko naman ang dalawang kaibigan ko, may lungkot sa mga muka nila. Kahapon pa silang ganyan, kahapon ko pa silang nakikita malungkot..
"Pre, 1st anniversary nila bukas."
Mas lalo pa akong naguguluhan sa mga nangyayari.