Ten

5 0 0
                                    

Dear Stitch,

Halos wala na kaming ginawa ngayong araw na 'to kasi nga exam week na. Puros pointers and pa photocopy ng reviewer ang ginawa namin. Hoolaaa, nagpapakaestudyante na ako kasi nga may Research Education na kami also known as: Thesis Making. Huhuhu kahit 1-3 chapters lang ang required dun para sa sem na 'to aba! Sobrang hirap kaya noh! Yung feeling ng namomroblema ka kasi wala kang problema. Haay naku. Stitch nakakarelate ka ba? Pasensiya na kung puro problema ang isinisiwalat ko dito. Huhuhu buti na lang laging nasa upuan niya si MikeLaabs! Hanggang bukas pa ang charger ko (cii Mike) kasi sa Wednesday at Thursday ay wala cia dahil Friday at Saturday ang schedule nila. Kaya magpapabattery full ako sa kanya bukas. Wahahahaha!
Anyways, wala naman masyadong nangyari sa school kanina. Except pag-uwi ko sa bahay ay nakita kong papauwi si Zeke galing sa bahay namin. 'Di ko na pinansin kasi nga asar pa din ako sa kanya.

Pagdating ko kanina sa kwarto ko, isang medium box ang nakita ko. Binuksan ko agad kasi may 'Moi' na nakasulat sa gilid nung box. At literal na nagulat ako kasi punompuno ito ng chocolates. May isang balot pa ng Oreo cookies.

Alam mo ba Stitch, bigla akong may naalala nung makita ko yung Oreo. Bukod kasi sa favorite ko yun, parang sentimental sign din yun para sakin.
Teka, ng tataka ka ba kung kanino galing yung box? Ako din nagtaka kaya hinanap ko kung may return address -este card na nagpapakilala kung kanino siya galing. Pero wala eh.

At alam mo ba Stitch, bigla na lang sumigaw si lola.
"Moisel! Galing dito kanina si Ezekiel. May nilagay sa kwarto mo. 'Di ko na tiningnan kasi busy ako. Alam ko namang hindi bomba yun."

Natigilan ako kanina. Anong ibig sabihin nito? Peace offering? Baka nga. Ang mean niya naman kasi. Pero paano kung my iba pang ibig sabihin?
Aaaaaiisshh! Wala na yung ibang ibig sabihin bukod sa Peace Offering. Moi, wag kang assuming ulet. Tulog nah!

Halaaa Stitch, pinapatulog na ako ng sarili ko. :/

Till here,

-Moisel

Dear Stitch..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon