Five

6 0 0
                                    

Dear Stitch,

Nakakalungkot para sakin ang araw na 'to. Bakit? Simulan na lang natin sa school. Green Day namin kaya walang lecturan na naganap. Ang kaso maulan naman at hindi ko o namin feel ang atmosphere. Tapos, Huhuhuhu talaga. Hindi ko nakita ang aking MikeLaabs! Huhuhu hindi tuloy kompleto ang araw ko.

Hindi pa dyan nagtatapos ang pagdadalamhati ko, kasi naman!! Dapat mag aala Dora kami ng mga friends ko sa Green Exhibit pero hindi natuloy. May date daw kasi sila ng mga boyfriend nila! And take note, sabay sabay pa sila! Saklap men! Kaya no choice ako kundi umuwi mag-isa. Alangan namang magpakaDakilang Alalay ako sa isa sa kanila? Duh! No way! Away! Segway! Pero ang sakit talaga! Literal na iniwan nila ako sa daan! Remember, maulan. And worst, wala akong dalang payong!

At dahil nga feels like I'm walking in the rain ampeg ko, nang mapadaan ako sa wating shed na may mga HRM students ay sumilong na ako. Wala eh! Wala talaga! Basang basa sa ulan na talaga! Wala pang nadaan na tricycle.
Ilang minutes na akong nakatunganga doon. Feeling LONER! Tapos yung mga estudyanteng mga first years ata ay masayang masayang ngkukulitan. Siguro kung nandito ang Girls, ganito din kami kasaya. Haaaay, inggetera talaga ako. Huhuhuhu!

Nga pala, dumaan sa harap ko si Zeke. Naka motor. Wala lang. Hindi naman niya ako inaya. At saka hindi naman ako sasakay. Like duh?! Naulan kaya!
Pero bakit kaya hindi nya ako inaya? Sure naman akong nakita niya ako. Wala talaga siyang awa. Ako kawawa. :(

Till here.

-Moisel

Dear Stitch..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon