Stalker_zone101
All Rights Reserved 2015
/dnc/
***
Ayoko na maging sabihan mo ng pagkagusto sa bestfriend ko, nanawa na ko. Sa bawat paguusap naten siya ang topic. Lagi nalang siya, siya siya! Kelan ba magiging paguusap lang naten?
Wala namang kaso saakin kung magkwento ka ng kung anu-ano. Okay pa nga un eh. Ang kaso lang ginawa mo ata akong diary mo. Yun bang sabihan ng pagka-kilig, pagka-miss at pagka-inlove sakanya.
Saklap ng life pre!
Una ginagawa mo akong diary mo! tapos ano sunod? Gagawin mo akong tulay para sa pagmamahalan niyo!
Loko ka ata eh!
O aaminin kong umasa ako sayo. Pano ba naman kasi, halos buong araw tayong magka-chat dati.
Kahit alam kong may gusto ka sa bestfriend ko, umasa pa rin ako.
Akala ko kasi kapag naging close tayo, ako na yung magugustuhan mo.
Pero hindi pala.. siya pa rin.
Di ko na ata kaya....
Parang nagpapaka-plastik na ko sainyo.
Yun bang kunwari sobrang saya ako sa tuwing magkasama kayong dalawa.. pero ang totoo dun napapairap ako ng wala sa oras sa tuwing nakikita ko kayo.
Tunay akong kaibigan, hindi ko naman tina-traydor ung bestfriend ko.
Ang saakin lng nasasaktan ako.
Sobrang sakit kasi para saakin na magmukhang tulay niyo...
Kasawa kaya un. Mukha na rin akong nagparaya kapag nagpagamit ako.
Bakit ako nagmukhang nagparaya?
Simple lang, pinakawalan kita. Imbes na tayong dalawa ung nagmamahalan, ipinartner pa kita sakanya.
Sa totoo lang dati wala lang saakin kung magkasama kayo eh, kung magka-chat o magkausap man.
Pero ngayon sobrang big deal na.
Kasi na-fall na ako sayo.
Nasasaktan na ako ng sobra-sobra.
Hindi na ako nagpapaka-manhid.
Hindi ko na kaya pang itago yung feelings ko sayo.
Masyado na siyang lumalago.
Baka kapag sobra-sobra ko itong matago, hindi ko na kayanin.
Baka kasi sumabog na ako.
Hindi ko na kaya pang umakto na parang hindi nasasaktan sa tuwing lumalapit ka sakanya.
Iniisip ko kasi na... sana ako yun..... Sana ako yung nasa posisyon ng BFF ko.
Kaso hindi eh.
Walang pag-asa na magustuhan mo ako.
Ang layo kasi ng agwat natin.
Yun bang 100% ka, ako 50-50 pa ata.
Yun bang imbes na may PAG-ASA tayong dalawa tinanggalan mo ito ng G.
Kaya eto nagmukha kang PAASA.
Umasa kasi ako sayo...
Ako kasi yung naging takbuhan mo sa tuwing nasasaktan ka.
Kaya umasa ako na... ako yung babaeng pumapawi ng mga sakit na nadarama mo.
Na ako yung dahilan sa bawat pag-ngiti mo.
Pero siya pa rin pala... akala ko ako na.
Dakilang kaibigan mo ata ako eh.
Ako na ata yun WORLDS BEST BESTFRIEND mo.
Yung WORLDS BEST BESTFRIEND MONG NAGPAPAKATANGA sayo.
Yung kaibigan mong lihim kang iniibig.
Naalala ko nun, nakatingin ako sainyong dalawa.
Habang ang mga mata ko'y napapairap kasunod nito ang pagbagsak ng aking mga luha.
Kitang kita ko kasi kung gaano kayo kasaya.
Ibang-iba kasi yung mga ngiti mo sa tuwing kasama mo siya.
Yung mga tingin mo sakanya, puno ng pagmamahal. Sakin pure kaibigan mo lang.
Oh eto, uulitin ko ulit ang mga katagang "NASASAKTAN AKO! SOBRA!" Capslock pa para intense.
Para damang-dama mo!
Kasi alam kong may chance na mabasa mo itong storyang to.
Ayyy tanga! Hindi storya toh, kwento to ng pagmamahal ko sayo.
Dito mo nga pala mababasa kung gaano kita kamahal at kung gaano din ako nagsu-suffer sa sobrang hirap.
Sobrang hirap palang maging option.
Oo nga kaibigan mo ako, bestfriend pa nga eh. Pero mukha akong option eh.
Ako kasi yung lagi mong dinadantayan, pinupuntahan sa tuwing may LQ kayo.
"Hahaha!" Kunwari nalang masaya ako. Diba yan yung pumupuno sa convo naten?
Wala na akong maisagot sa mga kwento mong "Mahal na mahal ko siya sobra!"
Ala nga namang sagutin kita ng isang tumataginting na "~T_T~".
Ano nalang ang iisipin mo.
Buti nalang sa chat mo madalas sinasabi saakin ang mga bagay na ganun.
Kasi kung sa personal yun, wala na talaga. Hindi ko na talaga kakayanin pa.
Bakit kasi kung sino pa yung gusto mo, siya pa yung ayaw sayo? More like hindi ka niya ayaw sadyang may gusto lang siyang iba...
Hindi ba pwedeng una-unahan nalang pagdating sa pag-ibig? Yun bang ipapa-reserve mo kasi ayaw mong maunahan ka ng iba.
Kasi ang unfair eh, sila may lovelife na. Ako nge-nge pa rin...
#STILLWAITINGFORTHERIGHTMAN #UMAASAPARINSAYO #DAKILANGKAIBIGANMOLANG pa rin ang status sa FB.
Bakit ba kasi ako nagdra-drama? Naalala ko nga pala... Hindi naman kayo ng BFF ko.
Wala ka nga palang PAG-ASA dun kasi may ka MU na un. Tinu-two time ka niya! Pano ko nalaman? Simple lang Bestfriend ko un eh. Remember ako ang sabihan niyo ng sikreto.
Pwede bang tayo nalang?
Hindi ko kasi afford na makita kang nasasaktan eh. Sigurado naman akong hindi kita papaiyakin gaya ng ginawa mo sakin.
Di ko keri na pagkatapos ng BFF ko sa isa, ikaw naman isusunod niya. Masakit un. SOBRA!
Pero kung hindi talaga tayo para sa isa't isa.
I think it will be better for me to die now...
![](https://img.wattpad.com/cover/47777799-288-k91795.jpg)
BINABASA MO ANG
Di ko na kaya (One Shot)
Cerita PendekKayanin mo pa kaya, kung makita mong kasama ng iba yung taong mahal mo....