Chapter 1 - The Scarlet Queen

25 0 0
                                    


"Ewan ko sa'yo, Isay. Niloloko mo na naman ako!" Wayne complained. Paano, nadaya na naman siya ni Isay sa card game na nilalaro nila---Bridge. Nagpustahan na naman sila.
"Hindi ah." Isay says as she flicks her curly, scarlet hair. "Hindi ka kasi nakikinig sa rules kanina."
"Lagi ka namang ganiyan." Tahimik na sagot ng 13 years old na si Wayne.

Sanay na si Isay sa mga pagtatampo ni Wayne. Tumabi ito sa kaibigan at piningot ito sa tenga--in the gentlest way possible.

"Alam mo, Wayne, dapat kasi handa ka. Handa ka sa lahat ng gagawin ng buhay. Ng universe."
Wayne snorted. "Hayaan ka na naman sa mga ka-weirdohan mo. Universe-universe ka diyan."
"Totoo!" Sabi ni Isay at may kasama pang 'pramis, maniwala ka' hand gesture. "Ikaw kasi, parang pakiramdam mo, lagi kang iniisahan ng mundo. Dapat, relaks ka lang. Kung may hindi magandang nangyari, huminga ka ng malalim. Bilang ka mula isa hanggang sampu. Tapos, iiyak mo."
"Nge! Wala namang lalaking umiiyak, ano ka ba, kulot."
Sumimangot si Isay. "Ang babaw mo. Porque lalaki, bawal ng umiyak? Isa pa, wag mo nga akong tawaging kulot!"
"Totoo namanng kulot ka?" Natatawang sabi ni Wayne. "Ikaw ang pinakamabaho, pinaka-mandaraya..."
"Wayne." Sabi ni Isay at masama na ang tingin niya sa kaibigan.
"Pero pinakamagandang kulot na nakilala ko."
Kahit ayaw niya ay napangiti si Isay. "Baliw. Ako pa lang naman ang nakikilala mong kulot ang buhok sa buong buhay mo diba?"
"Oo nga." Natatawang sagot ni Wayne. "Wala na yatang mas mandaraya at mas kulot pa sa'yo."
"Salamat huh, pinuri mo ko tapos biglang bawi." Sagot ni Isay at sumandal sa dingding ng Horror House.
"Anong oras ulit magbubukas itong Horror House?" Tanong ni Wayne at nagpatuloy sa pagkain ng isaw, na binaba nila sandali matapos magsimula ng Bridge game.
"Mamayang alas-otso daw."
"Tuloy ang plano mo?" Tanong ni Wayne.
"Oo." Natatawang sagot ni Isay. "Kapag umalis ang truck ng perya bukas, sasakay ako sa likod nun. Hindi ako lilingon hangga't hindi nakakalagpas ang truck sa sa arko ng bayan natin. Nitong Santa Catalina. Hindi ako lilingon hanggang sa hindi ko na makita ang lugar na 'to."
"Puro ka naman ganyan." Sabi ni Wayne "Panigurado, aatras ka lang bukas."
Napabuntong hininga si Isay. "Alam ko. Mag-isa lang kasi ako. Kung sasama ka sa akin bukas, makakaalis tayo, hindi ako matatakot. Ayaw mo bang tumakas?"
"Ilang beses na ba nating napag-usapan 'to?"

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kahit tanghaling tapat, sinubukan ni Wayne na lumabas ng building para maghanap ng pagkain. Lunch break na pero yung mga bagong students, mas piniling mag-hintay sa lobby. Wala ba silang balak kumain? Imbes na makunsensya, mas pinili niyang lumakad ng mabilis at humanap ng makakainan.

Sawang-sawa na sya sa pagkain sa canteen ng college nila. Pero mas mukhang sawang-sawa na sya sa panglalandi ng isa sa mga tindera dun. Nung una, halatang natutuwa pa si Wayne sa atensyon. Siyempre, nakakakuha siya ng mga libreng snack o kaya juice. Pero kung suswertehin, nakakalibre siya ng isang buong meal.

May budget naman si Wayne. Pero, mas pinili niyang kumain sa isang isawan. Gutom pero mas pinili bumili ng tatlong stick ng isaw. Every week yata, lagi siyang kumakain ng isaw.

Muntik pang mabilaukan si Wayne dahil sa pagtapik ni Brian sa likod niya.

"Kung hindi alak, isaw ang ikakamatay mo." Natatawang sabi ng matalik na kaibigan ni Wayne.
"Siraulo." Sambit ni Wayne at bumalik sa pagkain ng isaw.
"Pre, pahirapan na naman sa enrollment. Hindi ba pwedeng mag-advanced registration ako?"
"Apat na taon mo ng tinatanong sa'kin yan." Sagot ni Wayne. "Alam mo namang hindi ang isasagot ko."
"Yun na nga eh, apat na taon na tayong magkaibigan at apat na taon ka ng registration assistant, hindi mo man lang mapabilis ang enrollment ko?"

Natawa si Wayne. Napaka-drama talaga ng kaibigan niyang si Brian.

"Walang kaibi-kaibigan sa mga R.A." Sagot ni Wayne.
"Ulol!" Sigaw ni Brian. Nagtinginan tuloy yung ibang tao sa paligid nila. "Mga dahilan mo, Wayne Ruiz. Pero si Nikki, tinulungan mo dati na makakuha ng subjects!"

The Disappearing ActTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon