"Kanina pa kita nakikitang nagmumokmok diyan." Sabi ng batang babae. Tumabi ito kay Wayne. Hindi matanggal ni Wayne ang tingin nito sa kulay nag-aapoy na buhok ng babae. Paanong parang nag-aapoy ang buhok nito pero parang umaalon? Nahihiwagaan si Wayne. Kahit sandali ay nakalimutan ng bata ang mga problema niya sa bahay. Nakalimutan niya kung bakit siya tumakas sandali.
"Alam ko na ang iniisip mo." Sagot ng batang babae. "Tulad ng mga kapitbahay namin, siguro iniisip mong anak ako ng demonyo?"
Hindi mapigilan ni Wayne ang matawa. Hindi naman kasi ganun ka-lala ang iniisip niya. Pero iniisip nga niya kung saan galing ang batang ito.
"Anong oras magbubukas ang perya?" Tanong ni Wayne.
Halatang nagulat ang batang babae. Hindi ito ang karaniwang tanong na mga usisero at tsismoso. Lahat ng tao gustong malaman bakit kulay pula ang buhok niya, kung bakit mas makinis at mas maputi ang balat niya. Lahat gustong malaman kung saang mundo ng mga weirdo siya nanggaling. Ngunit hindi ang batang ito.
"Mamayang gabi. Mga alas-otso. Bago ka ba dito?" Tanong ng batang babae.
Tumango ang lalaki. "Oo, kakalipat lang naman nung isang linggo."
"Bakit ka nandito sa perya? Ang aga pa oh."
"Tumakas ako. Tumakas ako sandali."Kuminang ang mata ng batang babae. Inisip niya, kagaya ko rin ang batang ito. Gustong makaalis sa mundong 'to.
"Ako nga pala si...Isay." Sabi ng babae at iniabot ang kamay niya.
"Um, ako si Wayne."
Napa-ngiti ang babae. "Wayne? Anong klaseng pangalan yun?"
"Ewan ko. Basta pangalan ko yun."
"Kailang mo ba ng kasama mamayang gabi? Pwede kita samahan! Lagi ako dito sa perya."
"Huh? Bakit? Wala ka bang bahay?"
"Meron." Malungkot na sagot ni Isay.
"Eh bakit ka lagi nandito?"
Umiwas ng tingin si Isay. "Eh masaya dito. Mas masaya dito."--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Eh bakit kasi hindi mo na lang siya tinanong?!" Angal ni Brian. "Ang talino mo pero ang engot mo. Alam mo yun? Paanong posible yung ganun? Ano nga ulit tawag kapag pinagsama ang mga bagay na opposite?"
"Oxymoron."
"Yun!" Sabi ni Brian. "Ikaw yun. Isa kang malaking oxymoron."
"You're a moron." Sambit ni Wayne.Nasa isang bilyaran sila. Dahil first day pa lang naman ng klase, pwede pang magliwaliw. Kinuwento ni Wayne ang lahat ng nangyari nung enrollment kay Brian. Alam rin kasi ni Brian ang scoop tungkol kay Isay. Pilit sinasabi ni Brian na first love ni Wayne si Isay.
First love, psh.
"Paano ko tatanungin? Siraulo ka ba? Ano yun, bigla ko na lang siyang ia-ambush interview?" Sagot ni Wayne.
"Anong masama dun?" Tanong ni Brian at nagsimula pumwesto para mag-billiard.
"Paano? Ganito, 'Hi Ms. Santos. Pasintabi na pero ikaw ba yung nawawalang kababata ko? Yung hindi nagparamdam kahit kailan? Yung nawalang parte ng buhay ko? Ano, ganun? Edi natakot yung tao sa'kin?"
"Lahat naman takot sa'yo, 'tol."
"Gago."
"Ikaw ang gago. Porque parehas ng kulay ng buhok at ng first name, si Isay na?"
"Hawig niya, okay?"
"Ops, sabi mo hindi--"
"Hawig pero hindi. Basta! Parang nakikita ko si Isay sa kaniya na hindi. Parang--"
"Ilang taon na kayong hind nagkita. Halos sampung taon rin. Malamang malilito ka kung siya ba yun o hindi."
"Ewan."
"Anong balak mo? Mamaya hindi ka makatulog kakaisip niyan kung siya ba si Isay o hindi."
"Makikipag-close ako. Ganun ka-simple. Kapag nakita ko na yung moon scar niya--"
"Nasisiraan ka na talaga ng bait." Sabi ni Brian at nilapag ang inumin niya. "Diba sabi mo, nasa likod ni Isay yung scar niya? Oh paano yun, paghuhubarin mo si Arianne?"
"Siyempre hindi! Pero kung kailangan..."
"Alam mo pre," Simula ni Brian. "Nakakatakot ka talaga. Lalo pag na-obsess ka sa isang bagay."
"Loko, nagbibiro lang naman ako. Basta, makikita ko yun at malalaman ko kung siya ba si Isay o hindi."
"Paano...paano pag siya nga si Isay? Anong gagawin mo?"Napasandal si Wayne sa dingding. Ano nga ba ang gagawin niya kung sakaling si Arianne at si Isay ay iisa? Kaya niya bang kausapin siya? Kaya niya bang tanungin kung bakit iniwan niya si Wayne at hindi man lang nagpaalam? Kaya ba niyang tanggapin lahat ng isasagot ni Isay?
BINABASA MO ANG
The Disappearing Act
Teen FictionScarlet hair and that stupid moon scar. Ito lang ang mga bagay na naalala ni Michael Wayne Ruiz sa childhood friend niyang si Isay. Sabi nila, first love never dies. Hindi naniniwala si Wayne sa mga katagang iyon pero iba't ibang babae na ang nakasa...