Chapter 4 - Green and Red

7 0 0
                                    

Magulo at maingay.

Pwedeng tao o lugar yung dini-describe ng dalwang salitang 'to.

Magulo at maingay sa perya. Gabi-gabi naman. Parang lahat ng tao pumupunta dito para kalimutan yung mga problema nila kahit sandali lang. Sino namang mag-iisip na dalawang ten years old, pumupunta sa perya para makalimot? Wow, ang bigat ng pinagdadaanan? Pero, oo.

Wayne gently slapped his forehead. Hindi niya maintindihan bakit ayaw mapunta nung mga piso dun sa gitna ng mga square. Isa 'to sa mga pakulong game sa perya. Maghahagis ka ng piso, hoping na mapunta yun sa gitna ng mga hugis kahon sa ibabaw ng mesa. Tapos, depende kung ano yung kulay ng square, pwede kang manalo ng prize; baso, chichirya o kaya naman bragging rights.

Ilang piso na ang nahagis ni Isay at Wayne, ni isa, walang pumasok sa square. Walang pang pumapasok sa square. Paano, ayaw sumuko ni Isay. Naniniwala ito na eventually, may isang piso na papasok dun sa square.

"Nauubos na barya ko eh." Angal ni Wayne. "Dun na lang tayo sa darts."
"Bilis mo naman sumuko."
"Anong mabilis?" Sabi ni Wayne at pinakita ang kanang bulsa niya na wala ng laman.
"Ikaw kaya nagsabi na pwede tayo gumastos ng mga piso ngayon?"
"Oo nga. Pero hopeless na 'to oh."
Isay sighed. "Tara na nga dun sa darts na gusto mo."
"Yes!" Sabi ni Wayne na may kasama pang hand gesture.

Nagtungo ang dalawang bata sa darts. Binigay ni Wayne ang bente pesos sa lalaking bantay sa darts. Kung makaputok ng tatlong lobo si Wayne, pwede syang manalo ng prize.

"Anong prize gusto mo, Isay?" Tanong ni Wayne.
"Huh? Bakit ako? Ikaw namang naglalaro." Sagot ni Isay. Tumingin si Wayne sa kanya. Kita ng batang lalaki na nakatingin lang ang mga mata ni Isay sa isang sombrero. Green na sombrero.
"Sige na. Oh, ikaw yung pangalawang dart. Anong gusto mo?" Tanong ni Wayne.
"Wala. Maglaro ka lang. Naubos ko na lahat ng piso mo kanina." Sagot ni Isay habang kinukutkot ang daliri. Nakatingin ito sa sombrero pero binalik ang tingin kay Wayne. "Enjoy mo na lang. Bente rin yan."
"Pakipot ka pa." Sabi ni Wayne at saka ibinato ang dart sa unang lobo. "Yes!"
"Naks." Sabi ni Isay na parang hanga kay Wayne. "Dalawa pa."
"Ikaw na sa pangalawa." Sabi ni Wayne. Game naman itong kinuha ni Isay. "Hinga ng malalim."
"Walang sisihan kapag hindi tumama dun sa lobo ha." Sabi ni Isay saka nilipat ang dart sa kaliwang kamay. Initcha yung dart.

Nagulat si Wayne sa resulta. Kung kanina, ni isa walang pisong tumama, ngayon naman naka-score sila.

"Yehey!" Sabi ni Isay at nag-apir ang dalawang bata.
"Oh, ikaw na dun sa huling dart." Sabi ni Wayne at iniabot ito kay Isay. Pero umiling ang batang babae.
"Ayoko. Ikaw na. Chamba lang yun."
"Isay, sige na. Malay mo, swerte ka pala dito sa darts."
"Wag makulit, Wayne." Sabi ni Isay at binalik ang dart. "Ikaw na kasi. Masasayang yung huling dart at yung bente mo sa'kin."

Kinuha ni Wayne ang kamay ng dalaga at nilagay ang dart dito, maingat na hind siya matusok nung dulo nung dart. Unang beses mahawakan ni Wayne ang kamay ni Isay. Parang ayaw niyang bumitaw. Pero naalala niyang nasa gitna sila ng perya. Magulo at maingay.

"Please, Isay." Sabi ni Wayne. Huminga naman nang malalim ang dalaga.
"Walang sisihan ha." Sabi ni Isay. Tumango si Wayne. Matapos tignan siya ng dalaga, inicha ni Isay ang dart. Nakangiti silang parehas. Pero nawala ito nung tumama ang dart sa board. Ilang inches lang ang layo sa isang lobo.
"Ano, isang round pa ba?" Tanong nung bantay.
"Sorry, Wayne. Sayang yung bente." Nahihiyang sabi ni Isay. "Tara na."

Bago tumalikod ay nakita ni Wayne na sumulyap si Isay sa sombrero. Tapos ay tuluyan siyang tumalikod na parang naghahanap na ng ibang mapupuntahan. Dumukot si Wayne ng bente sa bulsa niya. Yung huling bente. Yung reserba niya. Pambili sana ng fishball. Lilibre niya sana si Isay. Pero parang mas mahalaga yung sombrero.

"Isang round pa, kuya." Sabi ni Wayne at iniabot ang bente.
"Ano?" Sabi ni Isay at humarap muli sa kaibigan. Humawak ito sa balikat ni Wayne. "Huy, tara na. Sayang bente mo. Sobra-sobra na yung ginasta natin ngayon, oh. Diba sabi mo piso-piso nga lang dapat--"
"Sshh, ingay mo."

Magulo at maingay.
Parang si Isay. Magulo kausap, kadalasan ang ingay. Pero ito yung tipo ng ingay na okay lang kay Wayne kung araw-araw niyang marinig.

"Hayaan mo na ko." Sabi ni Wayne at kinuha ang tatlong darts. Nilipat niya ang isang dart at sa kanang kamay. Inasinta ang puting lobo. Matapos ito tumama ay sunod-sunod na inasinta ni Wayne ang pangalawa at huling lobo. Napangiti si Wayne at napailing na lang yung bantay. Bawas kita.

"Oh, totoy, ano gusto mong prize?" Tanong nung bantay. Tumingin si Wayne kay Isay na nakanganga pa rin.
"Hoy, isara mo yung bibig mo. Baka may pumasok na langaw." Sabi ni Wayne at sinara ang bibig ng kaibigan.
"Baliw!" Sabi ni Isay na natatawa. "Ang galing mo."
"Anong gusto mo?" Tanong ni Wayne.
"Huh? Ako?"
"Oo, ikaw. Alangan namang yung bantay." Sagot ni Wayne at tinignan siya ng masama ni Isay.
"Ikaw na mamimili. Ikaw naman nanalo."
"Pakipot talaga." Sambit ni Wayne. "Kuya, yung green na sombrero nga."

Ibinigay naman ito ng bantay kay Wayne. Hinarap ni Wayne ang kaibigan. Halatang nagpipigil ng ngiti si Isay na siya namang dahilan kung bakit nangingiti si Wayne. Dahan-dahang sinuot ni Wayne ang sombrero sa kaibigan.

"Wayne..." Hinawakan ni Isay ang sombrero na para bang gusto niyang tanggalin ito sa ulo niya.
"Wag." Sabi ni Wayne at pinigilan ang kamay ni Isay. "Regalo ko yan. Kunyari birthday mo."
Napangiti si Isay. "Salamat."
"Bagay sa'yo." Nahihiyang sabi ni Wayne at umiwas ng tingin. Natawa naman si Isay.
"Totoo?"
"Oo." Sabi ni Wayne at binalik ang tingin sa kaibigan. "Bagay sa buhok mong pula. Mukha kang Pasko. Green at red."
"Nakakainis ka talaga. Pero salamat."" Sabi ni Isay at tinanggal ang kamay sa sombrero.
"Ikaw pa." Sagot ni Wayne.

Lumakad ang dalawa. Naunang maglakad si Isay habang tumitingin ng iba pang mapaglilibangan. Humawak naman si Wayne sa dibdib niya, pinapakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso niya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Disappearing ActTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon