Chapter 11: New girl.

4K 20 0
                                    

At  dahil mabait ako..(weh?) Mapapaaga ang update! :D So napagdesisyunan ko na POV ulit ito ni Irene. guys, bago niyo to basahin, gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng patuloy na nagbabasa! ^_______^ anyway, eto na talaga. 

Irene's POV

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad pabalik sa condo namin. Bakit ba hindi kumikibo si Chad? Ano na naman bang problema niya?  Hanggang sa makarating na kami sa tapat ng condo ko, hindi ko na talaga maiwasang magtanong. Ehh sa nakakabingi na yung katahimikan! Hindi ko na kaya yung katahimikan niya. T_______T

"Chad, may problema ka ba?"

Tahimik pa rin siya. Edi binatukan ko.

"Aray naman Irene! Bat ba bigla bigla ka nalang nambabatok jan?"

Tinanong niya pa. tsk.

"Kasi naman, parang ang tahimik mo bigla. Tapos ngayong tinatanong kita kung may problema ka, hindi mo man lang ako sagutin."

Tumingin lang siya sakin. Nakakatunaw yung tingin niya ,hindi ko alam kung imagination ko lang pero parang may lungkot sa kaniyang mga mata.

"Tsk. Wala ka talagang kaidedeya sa nangyayri sa paligid mo."

What does that mean? Ako walang kaide ideya? Ako nga nakapansin na hindi siya kumikibo eh.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nevermind. Hindi mo rin naman maiintindihan kahit ilang beses ko pa ipaliwanag."

Ang gulo talaga ng lalaking to. Tignan mo nga kung ano ano pinagsasasabi. Maiintindihan ko naman kung ano yung sasabihin niya eh. Okay, inaamin ko hindi nga siguro ako kasing talino ni Einstein pero maiintindihan ko naman siya eh basta handa lang niyang ipaintindi.

"Hay naku Chad. ewan ko sayo. Sige, pasok na ako. Thank you for today."

Agad na akong pumasok sa condo ko. Hahayaan ko muna siyang mag-isip isip. Kakausapin din naman niya ako pag handa na siya eh. Ayaw ko lang talagang pilitin siyang kausapin ako kung ayaw naman niya.

9:38 na pala ng gabi. Kelangan ko ng matulog, gigisingin ko pa si Chad bukas kasi kung hindi ko siya gigisingin hindi yan babangon. Hay naku.

*KINABUKASAN

Pagkabangon ko, dali dali na akong nag-ayos. Pagkatapos dumiretso na ako sa Condo ni Chad. Nakatago lang yung susi ng condo niya sa ilalim ng paso malapit sa pintuan kaya ako nakapasok. Pagdating ko sa kwarto niya, ginising ko na siya.

"CHAD CORPUZ! MAGISING KA NAAA! MALELATE NA TAYO SA SCHOOL!"

Pero siyempre joke lang. Hindi pa kami malelate, gusto ko ang talaga siyang magising.  Pero imbis na bumangon, tinakpan niya yung mukha niya ng unan. Tsk.  Tinanggal ko yung unan mula sa mukha niya at sinigawan ko ng mas malakas, yung malapit sa tenga niya.

"WAKE UP!!!"

zZZzzzZZZZZ  (-_______________-) zZZZZZZZZZzzzz

Tulog mantika talaga tong lalaking to. Pero infairness, ang ganda talagang tumitig sa kaniya. Napakainosente ng mukha niya. Pag di ako nakapagpigil ay masusunggaban ko talaga tong lalaking to.

Paano ko ba to gigisingin? Leshe. Halikan ko kaya? Ayy wag na, baka masarapan siya sa halik ko at baka mapunta pa to sa BS. Charot lang. haha. Buhusan ko kaya ng malamig na tubig? hmm.. Sounds like a good idea.  Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong hilain. Sa sobrang lakas ng paghila niya, napahiga ako sa kaniyang katawan. At ang mas nakakagulat pa, yinakap niya ako.

Teka nga, naghahyperventillate ba ako? Imagination ko lang ata to ehh. I was lying on top of Chad!

"You are really annoying, babe.."

Sexy little thingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon