KASAL
Nasa kolehiyo na ako nang makilala ko ang taong hinangaan ko ng lubos. Magaling siya sa kahit anong sports at kahit ganoon ay hindi pa rin siya nahuhuli sa klase. Jon ang pangalan niya.
Marami ang may gusto sa kanya. May mga babae pa ngang nanligaw at nagsisilapitan sa kanya pero hindi nya pinansin.
Wala akong kamalay-malay na ako ang lalapitan niya nung makaklase ko siya sa isang subject ko.
Siguro'y nabalitaan niya rin na sikat ako sa pagpipinta kaya naging interesado siya sa akin. Simula noon, palagi ko na siyang ikinukwento kay Charl.
Tumatango lang siya sa bawat pagtili ko. Sa bawat pagyakap ko ay tinatapunan nya lang ako ng tingin. Walang masyado reaksyon si Charl.
Sa madaling sabi, tuluyan na akong nahulog sa karisma ni Jon hanggang sa minahal ko siya. Hindi ko inaasahan na ganu'n din siya.
Wala nang nagawa si Charl ng maging boyfriend ko si Jon. Pero binabalaan niya ako dahil babaero siya at may pagkasadista.
Ilang beses kaming nag-away ni Charl ng dahil doon.
Palaging kong sinasabing hindi na ako magpapakita sa kanya kapag ganu'n ang ginagawa niya. Kaya sa huli, siya pa ang nakikipagbati.
Tumagal kami ni Jon nang 3 taon at pagkalipas noon ay kinasal kami.
Masaya naman kami nung una pero nung huli na, napansin ko ang pagiging seloso at mainitin nang ulo niya. Wala na siyang ginawa kundi ang sigawan ako.
Minsan nga naaabutan kami ni Charl habang hahampasin niya ako ng kung ano kaya pati ang bestfriend ko, nadadamay sa kasawian ng marriage ko dahil magkakasugat at pasa siya para lang sanggahin ang lahat ng tatama sa akin.
Huli na nang malaman kong matagal niya na akong mahal. Itinanong ko kung bakit hindi niya sinabi pero palaging ngiti lang ang inaabot ko ngunit nung huling beses ko siyang nakausap, nag-iba na ang sagot niya.
-----------------
BINABASA MO ANG
AbSTRUCK PAINthing
Short StoryAlam mo kung ano 'yung pinakamasakit sa lahat? 'Yung mahal mo pala ang isang tao pero huli na ang lahat at hindi mo na siya makakasama kahit kelan. Ang sakit-sakit, ginusto ko lang naman na maging masaya.