DEAD ON ARRIVAL
Wala akong ibang pinangarap kundi ang maging masaya. Nung araw na 'yon, nun ko lang narealize na totoo ang kasabihan na..
"People do wrong choices and they suffer badly."
Kung may gusto man akong itama sa naging buhay ko, iyon ay timing, gusto ko sanang maibalik ang mga panahong una kong nakita ang ngiti ng taong mahal ko. Mahal na mahal ko pala siya, bakit napakamanhid ko para malaman yun, at kung bibigyan ako ng pagkakataong mabuhay muli, siya ang pipiliin kong makasama ng walang hanggan.
Nakaharap ako ngayon sa sikatan ng araw, sabi ni Rizal, humarap siya rito para makakita ng pag-asa kaya dun din sana ako haharap pero huli na.
Nakatungo ako ngayon sa lapida ng puntod niya, nang bestfriend ko, nang taong kaisa-isang tunay na nagmahal sa akin at siya palang tunay na minamahal ko.
Namatay siya matapos niya akong ipagtanggol sa asawa kong nakakulong na ngayon. Paalis na sana siya noon ngunit habang papunta sa kabilang panig ng kalsada, nahagip siya ng isang truck. DEAD ON ARRIVAL.
Yung sinabi niya, bago siya mamatay habang naghihingalo at kapit ang kamay ko?
"Minahal kita, matagal na kahit nasa malayo ka pero natakot ako." Ito ang sagot na matagal ko nang hinihintay mula sa kanya. TAKOT lang pala ang hadlang kung bakit hindi niya sinabi.
Ilang sandali pa ay ibinigay niya sa akin ang susi ng bahay niya.
3 years ago, namatay na kasi ang mga magulang niya, car accident.
Dun na ako tumira sa bahay niya. Tutal, wala naman akong sarili bahay dahil naupa lang kami ni Jon.
Araw-araw, halos ilang minuto kong tinitingnan ang abstract painting na ginawa niya noon. Ganu'n pa rin ang nararamdaman ko kahit araw-araw ko iyong nakikita. Katulad na katulad nung reaksyon ko nung una niya iyong ipakita sa akin.
BINABASA MO ANG
AbSTRUCK PAINthing
Short StoryAlam mo kung ano 'yung pinakamasakit sa lahat? 'Yung mahal mo pala ang isang tao pero huli na ang lahat at hindi mo na siya makakasama kahit kelan. Ang sakit-sakit, ginusto ko lang naman na maging masaya.