SUSI

35 14 4
                                    

SUSI

Nagulat ako nang makita ko ang susi sa likod ng notebook.

"Ma'am, yan po yung susi sa likod nung painting na ipinakita ko sa inyo kanina."

Binuksan ko ang painting. Isa pala iyong malaking pinto at nakita ko roon ang puting mga gamit.

Puting damit pangkasal.

Black and white na barong.

Mga gamit gaya ng suklay at salamin. Lahat ay puti.

Ngunit kapansin-pansin ang sulat na nasa lamesa kalapit ng maliit na kahong puti.

Kulay itim.

"Maganda ba? Gusto ko sanang ikaw ang maging bride ko kapag ikinasal na ako pero malabo ng mangyari dahil kasal ka na." ayoko nang basahin pa ang mga sumusunod dahil durog na durog na ang puso ko. Sobrang sakit na, parang ikamamatay ko na.

Bakit hindi ko kaagad nalamang mahal ko pala siya, bakit?

Umalis na ako matapos maisarado ang pintong iyon. Pinagkaguluhan ako ng tao ng makita nilang ako ang nasa malaking larawang nakapinta sa nilabasan ko.

"Kung maibabalik ko lang. Kung alam ko lang." ang mga pananalitang tumatakbo sa isip ko. Sa sobrang sakit, namamanhid na yata pati ang mga kamay ko. Hindi ko ramdam na tumutulo na ang dugo mula sa roon dahil sa pagkatusok ng spring ng notebook.

Nung mga oras na iyon, inisip kong sana mawala na lang ako sa mundo pero alam kong ayaw niyang mangyari iyon.

Ibinuhos ko ang lahat ng panahon ko sa pagpipinta at pagtuturo nito sa iba. Hindi man ako kasing galing niya, alam kong nakatulong ako sa ibang taong nangangarap na magkaroon ng malaking art museum katulad ng sa kanya.

Dinagdagan ko rin ang mga art sa gallery dahil hiniling niya iyon sa akin at nakasulat iyon sa notebook.

Hindi na kami nagkabalikan pa ni Jon, matapos niyang makalaya.

Araw-araw pa rin akong napunta sa puntod ni Charl.

"Kung may next, next to this life, I will choose you to be my husband. Mali kasi ako, dapat una palang nalaman kong ikaw na talaga. Mahal na mahal pala kita."

Namatay ako 50 years later simula nung una niya akong nginitian.

10/11/62

10/11/12

ABSTRUCK PAINthing

© 2015 Anneriche'

For feedbacks and suggestions just post it on my official account @Anneriche

AbSTRUCK PAINthingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon