Chapter 6:comfort Al

12 0 0
                                    

Anthony's POV

nung gabing yun.. di ko inaasahan na babalik na siya..

flashback

nandito na naman ako sa labas ng bahay niya mag-iisang taon at kalahati na siyang wala .. kinukulit na naman si Inay Lupe kung kelan ang balik niya pero laging sagot niya

"hindi na siya babalik iho.. wag ka nang umasa"

"Inay Lupe hanggang may umaga may pag-asa"

"bahala ka iho.. pero kung ako sayo.. kalimutan mo na siya at lumaya na sa nakaraan"

di na lang ako nagsalita..

-end of flashback

lagi akong napunta sa tapat ng bahay nila Chrish simula 8 pm hanggang 2 ng umaga.. laging umaasang babalik siya..babalikan niya ko..

pero pagkatapos ng mahigit 2 taong wala siya napagisip-isip ko na siguro nga hindi na siya babalik..siguro nga hindi na talaga niya ko mahal at siguro nga di na niya ko kailangan..kaya i decided to forget her and our past,, hindi na rin ako bumabalik sa bahay niya para madali ko siyang malimutan.. alam ko mahirap mag move on lalo na at mahal na mahal ko siya pero kailangan.. tama nga si Inay Lupe i need to leave my past para hindi na ko masaktan..

after 1 year

nakaya ko nang wala siya..

sa pamamagitan ng mga masasamang gawain katulad ng pag-iinum, pagpunta sa Clubs, pakikipagbugbugan,pambababae at kung ano-ano pa (pero di ako nag i-smoke ayaw ko nga nun) kaya unti-unti ko siyang nalimutan.. my life become misserable dahil sa kanya dahil sa pagpilit kong makalimutan siya..

nung araw na pupunta ako sa Club naisipan kong dumaan muli sa bahay niya sa huling pagkakataon.. oo last na to at tuluyan ko na siyang kakalimutan.. ang tagal kong tumigil sa tapat ng bahay nila hindi ko na rin kinulit si Inay Lupe..

flashback

nabigla ako ng may nagtext sakin

"pre nakita ko ata si Chrish sa airport kanina..di lang ako sure kung siya nga yun" tinext ako ng isa sa mga former classmate namin..

~end

at basta na lang akong dinala ng mga paa ko dito sa bahay nila.. kaya ngayon..andito ako

umasa na naman ako na may babaeng lalabas ng pinto para lang pagbuksan ako ng gate.. how stupid i am right now..

nung saktong paalis na ko nakita ko ang kotseng paparating alam kong kay Drake yun.. kaya dali-dali na rin akong umalis..

napatanong na lang ako sa sarili ko kung bakit biglaan ang pagbisita nila..

hindi na rin ako dumiretso sa Club umuwi na lang ako sa bahay nawalan na rin naman ako ng gana..

at nung gabing yun sumugod sa bahay ko si Drake at dun ko nga nalaman na dumating na nga siya.. nung umalis na siya di ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko.. gusto kong matuwa dahil bumalik na siya.. gusto ko rin magalit dahil anglakas ng loob niyang bumalik pagkatapos ng mga nangyari..

arghhh shemay naman eh ayaw ko nang ganito.. mababaliw na ko..

fast~forward

andito ako ngayon sa batangas kasama ang dati kong barkada.. pinilit lang ako kaya ako nandito ok..

pero bakit may isang tao akong hinahanap.. haaaay..

nakatingin lang ako sa dagat at sa buwan naalala ko na naman ang araw na yun.. bumalik na naman ang sakit..

nung gabi na nagbonfire sila wala namang ginawa kundi kwentuhan lang..

nabigla ako nang marinig ko si Drake na nagsalita at dumating na daw ang special guest..

hindi ko na lang sila pinansin..

pero mas lalo akong nabigla ng makita ko siyang dumating..

biglang bumalik lahat..

gusto ko siyang yakapin..

gusto ko siyang halikan..

pero wala akong karapatan..

"c.r lang ako" nagpaalam na muna ako sa kanila dahil ang awkward ng atmosphere para sa aming dalawa..

ilang minuto na rin akong wala.. napagpasyahan kong maglakad-lakad sa tabing dagat..

di ko inaasahang makikita ko siya sa tabing dagat.. kahit malayo pa lang ako alam kong siya yun pero bakit andito siya di niya kasama yung iba....

aalis na sana ako kaso nakita kong may pumatak na luha galing sa mata niya habang tinititigan niya ang langit.. lumapit ako sa kanya..

"oh" inabutan ko siya ng panyo

"A-anthony" bigla siyang napatingin sakin pero ako nakatingin lang sa langit di ko sya hinarap

"kala ko ba malakas ka bakit ngayon nagkakaganyan ka"

"..." di siya nagsasalita kinuha lang niya ang panyo ko at patuloy pa rin sa pag iyak mas lumakas nga lang ngayon

"pero okay lang na kahit minsan ipakita mong mahina ka..

hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong maging malakas.. (umupo na rin ako sa tabi niya hindi naman masyadong malapit)

hindi rin sa lahat ng pagkakataon may taong magpupunas ng luha mo sa tuwing iiyak ka

ito naman talaga gusto mong mangyari di ba"

Chrish's POV

napahagulhol ako ng iyak ng marinig ko ang boses niya,,

hindi ako magsalita dahil akala ko talaga hindi na mangyayari ito na hindi na niya ako magagawang kausapin..

pero okay lang na kahit minsan ipakita mong mahina ka..

hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong maging malakas..

hindi rin sa lahat ng pagkakataon may taong magpupunas ng luha mo sa tuwing iiyak ka

ito naman talaga gusto mong mangyari di ba" umupo na rin siya malapit sa kin

ito nga ba ang gusto ko.. ang makasakit ng iba at masaktan ng ganito..

hindi na ko umimik.. umiyak lang ako ng umiyak.. at umalis na din siya..

"wag ka nang umiyak.. sayang ang luha mo" yan ang sinabi niya bago tuluyang umalis..

mahigit isang oras na bago ako bumalik sa kanila..

"bestf bakit ngayon ka lang kala ko nawala ka na eh" hinanap ko siya pero wala pa rin siya kala ko bumalik na siya

"ah eh.. he-he-he naglakad lakad lang" sabay tungo

"bestf ok ka lang ba.. parehong pareho kayo ni Al na parang wala sa sarili ah" siniko siya ni Dre "ouch" bulong niya kaya di masyadong narinig

"ah bestf una na ko sa room ko.. masama kasi pakiramdam ko"

"cge bestf pahinga ka muna"

umakayat na ko sa room ko.. habang paakyat na ko nakasalubong ko siya

nagkatitigan lang kami.. at nagtuloy tuloy na rin ako sa paglalakad..

"thanks" sinabi ko yan ng di naharap sa kanya.. at tumuloy na ulit ako sa paglalakad..

nang makarating ako sa room ko.. naghinaw na muna ako at nahiga na

bago ko ipinikit ang mata ko.. bumulong ako sa hangin

"thanks for the comfort,, Al"

LOVE me Back, Mr. Silent CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon