DISCLAIMER: This story is being edited and the first few chapters were written last 2015. You may find it korni since this story started during my jeje days. But I will try to edit it better for the next coming new chapters. Happy reading!
8 years ago...
Rina's POV
*Beep beep...*
Inaantok kong inabot ang cellphone ko nang tumunog ito. Nagulat ako ng makitang 7:02 AM palang ng umaga.
One message received
From: Diane
+639055.......
"Ang aga-aga naman nito magtext," naiinis kong sambit habang binubuksan ang message ng aking bestfriend na napakaaga pa ay nambubulabog na.
"If you want to know where your heart is, look where your mind goes when it wanders."
From: Diane
08/21/15 07:02 AM
Kumunot ang aking noo. Ano na naman kaya ang kadramahang ito ng bestfriend ko? Muli kong binasa ang text niya. Hindi na ako nag-isip pa at nag compose ako ng irereply sa napakahiwaga niyang text.
"What's with your text my dearest bestfriend? Don't tell me may tinatago ka nang boylet sa akin?"
That was the text that I composed. I reread it and hit the send button. I smiled devilishly then went to my bed to arrange it before heading to the bathroom para maligo. Nawala na ang antok ko mula ng mabasa ko ang text ni Diane. Kahit nasa CR na ako ay iyon parin ang nasa isip ko.
Pasado alas nueve na nang makarating ako sa harap ng school namin. Napaaga ako ng pagpasok ngayon dahil sa text na iyon. Mamaya pa kasing 11:30 ang first class namin sa Algebra na hindi naman kami mini-meet ng Professor namin. Ewan ko ba kung bakit kailangan naming pag-aralan ang subject na iyon eh.
Hindi naman sa ayaw ko sa subject na yun. Hindi din naman ako ganun kahina sa Math. It's just that I find it boring now that I'm already a College student. Para kasing bumabalik nalang ako sa basic Math na 1 plus one equals two. Tapos nariyan pa yung percentage, short method at long method.
One week na akong pumapasok sa university na 'to. One week na nga pero last week naman yung Foundation Week daw ng school. Aba! Akala ko pa naman malilibre ang week na yun pero sadya lang talagang may mga Prof. na masisipag pumasok kahit declared na daw ng administration na hindi pa regular ang pagkaklase. Kaya ayun kami yung natutong mag-antay sa wala sa mga ilang Prof. na sinusulit padin ang bakasyon.
Yes, college na ako. Pero medyo nalilito pa ako sa mga pasikot-sikot dito. Konti palang din ang mga friends ko. Madalas ko pang tanungin kung sino mga classmates ko kasi yung seatmate ko lang ata ang memorize ko ang pangalan. Maglilibot muna ako in the meantime kasi maaga pa talaga para sa klase ko. Kumbaga, early bird ako. Hassle pa kasi may dala-dala pa akong folder at libro. Mag-isa ko pa man din. If only, my bestfriend is here.
Ang dami ko nang nasabi. By the way, ako nga pala si Rachel Irish Nate Alexanne L. Carmen. "RINA" nalang for short. I'm 16 years of age, taking up Bachelor of Science in Political Science. Hindi man kagandahan at katangkaran, well, nasa 5'4" lang ang height ko. May mga talents din tulad ng pagluluto at pagsayaw. Di ko pa nadi-discover yung iba. Haha. Pinanganak ako sa isang average na estado ng buhay. Mag-isang anak nila Mr. and Mrs. Gregory Carmen.
Nalibot ko na ang five departments ng maalala ko na naman yung text ni Diane kanina. Nakarating nadin ako pabalik sa department namin para ayusin ang sarili ko para sa klase. Mag e-eleven na kasi.
*beep beep*
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang tumunog ang phone ko. Kukunin ko na sana ito ng biglang may bumunggo sa akin.
*blaaaagggg*
Medyo na out of balance ako sa pagkabunggo ko at hindi ko din namalayang nahulog ang folder at libro ko sa sahig. I was about to pick it up nang may kamay na nag-abot sa akin ng mga gamit ko.
"Sorry Miss. Nagmamadali kasi ako." Narinig kong sambit ng nakabunggo sa akin.
Napaka masculine ng boses niya. Tinignan ko siya at medyo natigilan ako dahil napakagwapo niya. Hindi ko na naiwasan titigan ang mukha niya lalo ang mga mata niya. Para kasi itong kumikislap.
I was about to say something ng iabot niya ang kamay niyang may hawak ng gamit ko saka nagsalita ulit.
"Sorry talaga Miss. I mean it. Sana makabawi ako sa'yo nextime." Inabot ko na ang mga gamit ko habang tumatango. Tatanungin ko palang sana ang pangalan niya ng nagpaalam na ito.
I was startled.
Tumungo ako sa CR to fix myself. Sino kaya yung guy na yun? Saang department kaya siya? Base kasi sa damit niya kanina, he's from this university. At mukha pa siyang mabait. Hmm.
Kelan ko kaya siya makikita ulit?
I shook my head in annoyance.
Ayan na naman ako nag-iisip ng kung anu-ano. Malamang di ko na yun makikita ulit. Ang lawak lawak ng university tapos gusto ko pa makita siya?
Ano yun destiny?
Mabilis kong inalis sa isip ko yung nakabunggo sa akin at pumasok na.
11:20 na ng pumasok ako sa klase ko. Nag-aantay na ang ibang classmates ko sa room namin. I took my phone off my bag saka ko nakita na may nagtext nga pala kanina sa akin. I opened the text and found Diane's message.
"May crush ako best. He's super gwapo."
From: Diane
08/21/15 11:05 AM
Napailing ako sa text niya. Kawawa naman ang bestfriend ko. Super addict sa mga crushes niya. Ako? Aantayin ko nalang na may dumating. Sa ngayon, focus muna sa pag-aaral. I was about to compose a message nang dumating na ang Professor namin.
"Okay, here's the boring class. Behave Rina." I told myself. Binalik ko sa bag ko ang phone para hindi mapagalitan sa Prof. namin. Then, the class started.
BINABASA MO ANG
Say My Name
General FictionRina Carmen met a man during her college. A man whom she thought will fulfill all his promises. A man who can let her feel butterflies in her stomach everytime he says her name. They fell in love and their dreams started to change believing that th...