Chapter 7-Slipped

17 4 0
                                    

"Jade, si Kate ba... I mean, kayo ni ate Kate?" 

Rina blinked. Fudge! Did she just say that out loud. She slipped! Tanong lang dapat niya yun sa sarili. Bakit ba napaka careless mo, bi? Nakatingin lang sa kanya si Jade. He has that amused look on his face.

"Ahm, sorry, I didn't mean to intrude. That's your privacy. I won't ask again." She mumbled trying to save her face. "It's just a slip of my curious tongue. Nevermind answering. Akyat na ako." She added then climbed upstairs not even waiting for Jade's answer. Hindi tuloy niya nakita yung ngiti ng binata habang paakyat siya ng hagdan.

Kinakastigo parin ni Rina ang sarili hanggang sa makarating siya ng kuwartong inuukopa. Nandoon na ang mga roommates niyang may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Ibinaba niya ang mga gamit. Might as well focus on herself now. She took a shower then faced her school stuff. Marami pa siyang babasahin.

She's engulfed on her readings. Lost on her own world with her books in between her thighs. Yesm she has two books as of the moment. Same subject pero magkaibang author. She's comparing the details. Salitan ang libro at notes niya. Mabilis siyang nagsusulat ng notes maliit niyang notes. Nakadikit lang naman yung sticky notes sa mga libro niya. It's not even safe to call it notes. Parang papel lang na maliit. Basta yun na yun.

Every detail na makikita niyang contradicting or hindi self-explanatory, she's highlighting it and put her question in her notes ready to ask her professor during her class. Madalas siyang ganito. Minsan mabuti para sa iba pero nakakainis din daw sabi ng ibang prof na ayaw ng matanong na student. Nagpatuloy siyang magbasa at the same time magsulat. She has this attitude na hindi mo magugulo kapag nakatuon na ang atensiyon niya sa isang bagay. Loyal, friend! Char. 

She lost track of her time. Madilim na sa labas at nakabukas na ang ilaw sa loob ng silid ng magtaas siya ng ulo para sana mag unat ng konti. Wala narin ang mga roommates niya sa loob. They probably left to eat dinner downstairs. Malamang din ay tinawag na siya kanina pero hindi lang niya narinig sa sobrang focus niya sa ginagawa. Ano ba yan Rina bawas bawasan mo rin ang ganyang habbit. Baka masanay nalang silang hindi ka kausapin. Sabihan ka pa ng snob.

After finishing six sets of books, tumayo na ang dalaga at nagligpit ng mga gamit. She looked at her reflection in the mirror, got her pouch and went downstairs just to see her roommates in the dining room as if waiting for someone.

"Bunso, saktong sakto ang baba mo, kakain na tayo." Aya ni Kuya Joseph. She looked around the dining area. Siya nalang talaga ang hindi nakaupo. Sinilip niya ang orasan. It's past eight in the evening.

"Sige po kuya. Pasensiya na po. Di ko namalayan ang oras. Please don't wait for me next time. Nakakahiya po." Nahihiyang paliwanag niya. 

"No prob. Bunso ka namin. Alam naman namin kung gaano ka ka-studious. Pinaliwanag na nila ate Lei na marami ka raw readings. Next time bunso, kapag busy ka magsabi ka para iakyat nalang namin ang pagkain mo. Mahirap na baka malipasan ka ng gutom." Ani Kuya Chad na sinegundahan naman ng iba.

Mas lalong nahiya si Rina. Napakabuti ng mga kuya at ate niya sa kanya. She doesn't feel this way sa bahay nila. Lagi kasi siyang naiiwan mag-isa. Mga assistant lang ng parents niya ang nandun o minsan yung helper lang nila na ayaw niya namang utusan kahit maglinis lang ng kuwarto niya. It's her little privacy inside their house. Alam ng mommy niya yung kaisa-isang rule niyang yun. 

She smiled at them. "Marami pong salamat. But that won't be necessary mga ate at kuya. I'll just set my alarm po para makasabay ako sa inyo. If ever naman na di ako kakain, I will let you know. Minsan kasi mas prefer ko nalang ang milk sa gabi. Yun kasi ang sabi ni mommy. Forget a man but never forget to drink your milk at night." 

Lahat ata natulala sa sinabi niya. Kuya Chad even smirked at someone. Probably irritating him. Sinundan ni Rina ang tingin ni Kuya Chad pero walang tao roon. It's just an empty chair. She just shrugged it off. Mukhang guni-guni niya ata yun.

Ate Lei was the first to break the silence. "Okay, let's eat." They prayed then started digging in. Masarap ang luto ng mga boardmates niya. Napaliwanag na sa kanyang may kanya-kanyang putaheng niluluto ang mag ito kung di sila busy. On other days, take-out ang mga kinakain nila. Tuwang tuwa si Rina sa mga kuwento ng mga ito. Laging may baong jokes sila Kuya Chad, Kuya Jim at Kuya Joseph.

She stared at the empty chair again. Kaya pala parang may kulang sa hapag. Jade's not around. 

"He has an overnight study. Nagpaalam siya kanina. Kanina pang 5 pm siya umalis. Kumain na rin siguro yun ngayon. Since ang rule dito ay dapat kahit nasaan ka, you have to eat not later than 8 pm." Kuya Chad explained. Is the question written all over her face? Natawa siya sa sarili. Siguro nga nakakabasa si Kuya Chad ng laman ng isip. Praning ka na naman girl. Baka naman kasi ikaw ang nag walk out kanina kay Jade. You went upstairs after asking him the awkward question.

"Oh. He's quite busy then po." I didn't ask tho. Iyon sana ang isasagot niya pero pinigil niya ang sarili. Dapat talagang ma-tame na yung dila niya. Mukhang ikakapahamak niya ito kung di na siya makapagpigil. She might slip again. That will be double kill.

Nang matapos ang kainan ay nagboluntaryo na siyang magligpit. Boys washed the dishes. Routine daw nila yon kasi girls ang nagluto. That's good tho. Tulungan ang gawaing bahay. So this is what it feels like to have brothers and sisters who are elder than you. Mukhang masasanay ako dito kung magtatagal ako. Sana makayanan. Litanya ni Rina sa isip.

It's already past 9 pm and everything's almost done ng may patakbong pumasok ng kusina. May bitbit itong ice cream at fresh milk. Lahat sila napatingin sa bagong dating. Humihingal pa itong sumandal sa pintuan ng kusina.

"Oi Jade, tapos na ang overnight study? Kala namin di ka uuwi." Kantiyaw ni Kuya Chad.

"I'm just bringing this over. I heard our bunso wants some fresh milk at night." He casually said as if there's no one in the kitchen aside from Kuya Chad. Namula ang mukha ni Rina. So it was for me? He run all the way here just for ice cream and milk? Paano study niya?

"Thanks." Maikling tugon ng dalaga. Ngumiti naman si Jade.

Tumikhim si Kuya Joseph. "Ayon naman pala eh. Just leave it in the refrigerator. Mukhang babalik kapa kina Kate." 

Rina's face fell upon hearing the name. Shoot! 

Don't let your tounge slip again sweetie pie! You might regret it.

Say My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon