Chapter 11: Confession

5 1 0
                                    

Yel POV

Panibagong araw at simula na ang pagiging tunay na dancer ko. Papunta na akong school habang bitbit ang maraming gamit ko.

Para akong magka-camping dahil sa itsura ko ngayon.

One month ba naman! Kaya one-month set of clothes din ang dala ko.

Kung dati pang-intermission number lang ako, ngayon iba na!

Level up na ko sa pagiging pabebe dancer! Hehe

"I LOVE YOU BAE!"

"Yieeeeee! Ang gwapooooooo nila!!!"

"HI PAPA SHEM"

"AKIN KA NALANG!"

"CHURVA EKLABU! SO HOT!!!"

Umagang-umaga ganito ang bumungad sa pagpasok ko sa Eastwood University.

Bakit ba nagkakagulo ang mga tao dito?

Teka?! SHEM? As in si Shem Abednego? Si HULK?! At yung SILA? SIYA KASAMA ANG IBANG X-STREET?!

May fansclub siya este sila? sa school?

Kelan pa?

At kaya pala sila pinagkakaguluhan dahil sa mga porma nila. Todo outfit! Magmomodel ba sila sa school?

Ang alam ko, simula ng training namin ngayon.

Bakit nakabihis sila? Nasa may center pa talaga sila. Malapit sa may flagpole ng school.

ANO BANG MERON?

"Ayan na siya! Umalis muna kayo" rinig kong sabi ni Mr. Cruz sa gulo ng mga fans nila.

Ayan! Dinudumog sila kawawa naman.

Psh. Ang dami ko ng tanong. Pupunta na kong dance studio. Ang bigat pa naman ng mga gamit ko!

Maglalakad na ko palayo ng makarinig ako ng boses.
"Goodmorning Sunshine!"

Si....

Si....

Si....

Juancho Gulantang?!

Ay joke! Sino ba yun? Lagi ko nasasabi. Tsk!!!

Si HULK?!!!!

Boses ni HULK yun ah?! Pagharap ko, SIYA NGA! At may hawak pa siya na white bouquet of flowers.

"Ommmmmyg! Ang swerte nung girl!!!"

"Sino ba yun? Mas maganda ako sakanya!"

"Di sila bagay!!!"

UTAK:
"Goodmorning sunshine"
"Goodmorning sunshine"
"Goodmorning sunshine"

SUNSHINE? EH HINDI NAMAN AKO SI SUNSHINE?

Tapos white pa yung flowers! Ano 'to patay?!

Alam kong pabebe ako, kaya naa-attract talaga ako sa itsura ni HULK ngayon.

Pero di naman ako papayag na insultuhin niya ko sa harap ng madaming tao.

Sa harap pa ng mga fans niya! Psh

"Anong trip mo na naman ba ito HULK?"

"TRIP?!" gulat niya pang sabi

"Oo trip" sabi ko sakanya dahil ayoko ng mapahiya ulit no!

"Hindi mo na-gets yung ginawa ko?" sabay pa-cute niya pa. 

"Gets ko HULK! Di ako slow! Tsk"

"Good! Oh, flowers for you sunshine!!!" masigla niya pang sabi tapos binigay yung bulaklak

X-Street DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon