Chapter 12: Rooftop

9 0 0
                                    

Yel POV

Excited ako para sa firstday ng training kanina pero ngayon, ANUNG NANGYARI?!

CS ako bukas! Community Service!!!

Tapos naguguluhan pa ko sa pag-amin ni Gio at pag-titrip sakin ni Shem.

Sabi na eh, kaya may pa "goodmorning sunshine" pa siyang nalalaman kanina.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Gio sakin. Hindi ko din kasi namalayan na umiiyak ako kanina sa sobrang takot.

1 LITTER OF TEARS yung eksena ko kanina.

Hindi ako makasalita sa sobrang iyak at takot.

Mabuti nalang at medyo guminhawa na ang feeling ko.

"Medyo okay na ako" sabi ko kay Gio

"Wag ka mag-alala. Hindi ko hahayaan na paglaruan ka ni Shem. Isa pa, nakapangako ako sa mommy mo na aalagaan kita"

May pagka-super tender loving care din pala si Gio! Parang si
Mommy Vi lang.

Napatingin ako sakanya ng bigla akong nailang. Naalala ko yung pag-amin niya na may gusto siya sakin.

Nahiya tuloy ako.

"Sige Gio, kaya ko na yung sarili ko. Baka hinihintay na ko nila Krish at Jia sa dorm"

"Sigurado ka? Hatid kita? Gusto mo?" Hindi pa naman ako pilay para magpa-hatid.

"Hindi na. Okay na ko. Sige bye Gio"

"Sige bye Yel!!! Sabay tayo mag-lunch mmaya ha?"

"Sige"

HAAAAAAYYYY!

Sobrang gulo ng utak ko ngayon! Di pa ko nakakamove-on sa isa, may panibagong iisipin na naman.

Ganito din ba ang problema ng PABEBE GIRLS?

Acheche!

UTAK: Rooftop! Rooftop! Rooftop!

Ano ba yung meron sa rooftop?! Kanina pa gumugulo sa isip ko yung bulong sakin ni HULK-este ni Shem bago siya umalis sa guidance office.

Nagtatalo ang isip ko kung pupuntahan ko ba yun o hindi?

Oo, alam kong trip niya ko lagi. LAGI NAMAN DIBA? Simula palang nung lumipat sila sa section B.

Pero bakit ba biglang na-curious ako doon? Puntahan ko kaya? Wala naman sigurong nakakamatay na trip dun?

At kung kahihiyan ko pa din ang nakasalalay doon, huling pakikisakay na ito sa trip niya.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Papunta na kong rooftop. Nang biglang may mga nagkalat na puting petals sa hagdan paakyat.

May janitor naman sa school namin ah? Bakit ang kalat dito? Psh. Pataas din yung form ng mga petals. Ang galing! Ang galing, galing nung nagkalat! Perfect!!!

Syempre, derecho pasok na ko sa rooftop. Kaso, wala namang tao! Akala ko pa naman may event. Tss.

Pero pagtingin ko sa gilid ng rooftop may isang lamesa at dalawang upuan na naka-arrange. At....

WOOOOOWWWW!!!

May coffee jelly at blueberry cake!

Mga favorite dessert ko! Yum yum! Kaso, ayoko kainin baka may lason yan! Naalala ko lang na baka si HULK ang may kagagawan niyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

X-Street DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon