Chapter 1

136 5 3
                                    

Maine's POV

"Ms. Mendoza.." Jane. My secretary.

"Yes? What's the matter?" Tanong ko.

"Tumawag po ang daddy niyo..and pinapasabi niya po na umuwi daw po kayo maaga." Sabi niya.

"Uuwi ng maaga? Teka..yung may araw na ba? Gabi na, so you mean bukas pa ako uuwi?" Tanong ko. Medyo tang* hehe, sorry.

"Ms. Mendoza..hindi po. Ganito po..kailangan niyo daw pong umuwi NG umaga, hindi po umuwi SA umaga." Sabi ni Jane.

"Ha?" Sabi ko. "Deh joke lang, nagets ko naman kanina pa. Jinojoke lang kita. Trip ko lang ph03wSzXc." Sabi ko at ngumiti. Saka ko kinuha ang mga gamit ko at lumabas ng office ko.

Ay btw, akoooo ngaaa poooo palaaaa ay joke. I'm Maine Mendoza. At isa akong chef sa sarili kong restaurant.

Ganda ko kaya. Naks. Hahahaha!

Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar ito kasi nga uuwi na ako. Baka masapok ako ni Daddy pag di ako umuwi. Teka...

*Imagination

"Diba sabi ko sa'yo umuwi ka ng maaga?" Galit na sabi ni Daddy tapos sinuntok niya ako.

"Teka waiiit..traffic Daddy."

Tapos sinuntok ulit ako ni Daddy..yung parang kay FPJ.

*boog boog boog boog boog boog boog pak pak*

Napatumba ako. Ay putek. Ginawa niya akong punching bag. Masaya hayop na.. -.-

*End of Imagination

*BEEEEEEEEP*

"Ay beeeeeeeeeeep!" Sigaw ko dahil may malakas na busina akong narinig.

Aba't hinahamon ako ah.

Biglang may bumaba sa kotse. Lalaking nakashades.

Nagulat ako ng bigla niyang hampasin yung unahan ng car ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

Nanlisik ang mga mata ko. Not my car.

Kinatok niya yung bintana ko. Syempre binaba ko.

"Anong problema mo?! Bakit ka mangbabangga?! Papatayin mo ba ko ha?!" Galit niyang tanong sa akin.

"Teka, easyhan mo. Isa-isa lang tanong..isa lang ako diba..tapos tatlo yung tanong mo..hiraaap! Atsaka, I don't talk to stangers." Sabi ko.

"Aba't..umayos ka! Dami mong alam, stranger-stranger ka pa! Anong pangalan mo?!" Tanong niya.

"Bakit crush mo ko noh? O baka iistalk mo ko sa fb sabay add. Nako...luma na yan." Sabi ko.

"Anong crush?! Anong fb?!" Sigaw niya sa akin.

"Aba't..tang*. Nag-aral ka ba at hindi mo alam ang crush?! Yung hinahangaan! Yung fb? Facebook yun! Yung site!" Sigaw ko sa kanya.

Amputek..tao ba toh? Tsk tsk.

"Alam ko yun! Alam ko yun! Wag mo kong pag mukhaing tang*! Tinatanong ko yang pangalan mo para ipapahuli kita sa pulis." Sabi niya.

Hmm as if...if ever makulong ako, pwede agad akong makalaya dahil governor si Daddy at pwede agad akong masustentuhan. Naks lalim..di ko nga alam kung anong ibig sabihin nun e. #TangaProblems

"Ayokoooo..pilitiiin moo koooo.." Pang-aasar ko.

"Aba't! Talagang sinusubukan mo ako ha." Sabi niya. Tumahimik siya ng ilang segundo bago magsalita ulit. "Ganito..magtatanong ako tungkol sa'yo at isusulat ko sa slambook. Okay ba yun?"

Uy gusto ko yun! Saya kaya 'nun! Favorite kong tanong dun.. Favorite food. Syempre, ako naman nilagay ko.. Pagkain! Yung pagkain na pagkain pa rin tapos pagkain na kinakain.

"Sige game!" Excited kong sabi.

"Name?" Tanong niya.

"Maine Mendoza..dyosa." Sabi ko.

"Age?"

"Ewan ko..di 'ko alam." Teka ilan taon na nga ba ako?

"Ha. Tsk tsk. Epekto ng ipinagbabawal na gamot." Pailing iling na sabi niya. "Address?"

"Sa heaven...ayoko! Bawal! Lagot ako sa tatay ko!" Sigaw ko. "Bahala ka dyan! Bleh! Bigti ka nalang sasaya pa buhay mo." Sabi ko at pinaandar ang kotse ko, di pa man ako nakakalayo narinig kong sumigaw siya.

"Salamat sa pagsabi ng pangalan! Ipapahuli kita!" Sigaw niya.

Teka paano ko narinig? Danananannnnnn~

Bukas ang bintana. Wag tang* please.

-

"Hi dad." Bati ko pagkapasok ko sa bahay namin dahil nakita ko si daddy.

"Yo yo yooooooooo..how's life?" Cool na sabi ni Daddy.

"Life pa din daddy..walang pinagbago. Yung sa'yo ba?" Tanong ko.

"Syempre...gwapo akooo. Boom p4n3sZxC!" Sabi ni Daddy.

"Jejemooon my god." Sabi ko.

Bigla namang dumating si Mommy galing atang puso ni Daddy. Uy wow rhyme.

"Hi mommy. How's life?" Tanong ko kay mommy.

"Eto..life pa din naman." Sabi ni Mommy.

"Nako..manang mana ka sa pinagmanahan mo, Maine." Sabi ni Daddy sa akin.

"Akyat ka muna..bihis ka na tapos umakyat ka sa baba..pag nagawa mo yun..ibang klase ka.." Sabi ni Mommy.

"Example muna Mommy. Tapos gagawin ko na..pag di mo nagawa yan Mommy..nakooo..alam na." Sabi ko.

"Aba matinde!" Sabi ni Mommy. "Umakyat ka na nga!"

"Bago ako umakyat Mommy..may gusto lang akong itanong.." Sabi ko..syempre seryoso ako.

"Ano yun? May problema ka ba?" Tanong ni Daddy.

"Meron, Daddy.."

"Oh e ano ba yung tanong mo?" Tanong ni Mommy.

"Ilan taon na po ako?" Tanong ko. "Kasi..Mommy..nakakaiyak kasi hindi ko alam kung ilang taon na ako..HUHUHUHU."

Lumapit si Mommy sa akin sabay..binatukan ako.

Abaaaaaaaaa! Tinde.

"May sapak ka ba o ano? May nahithit ka ba? Edad mo hindi mo alam?" Sabi ni Mommy.

"Waaah mommy naman.." Drama 'ko pa.

Napasapo si Mommy sa noo. "Anak ka talaga ng tatay mooooo.." Sabi ni Mommy.

"Gwapong tatay." Singit ni Daddy.

Napairap si Mommy sa sinabi ni Daddy.

"23 ka na. 23 years ka ng nakatira sa mundong ito." Sabi ni Mommy.

"Ahhhhhhhhhhhhhh..so, 23 years na ding may nakatirang dyosa dito sa mundo, Mommy..naks." Sabi ko kay Mommy.

"MANANG MANA KA TALAGA SA AKIN ANAK! WOOO!" Sigaw ni Daddy at nag apir kami.

"Nakakasira kayo ng ganda." Sabi ni Mommy.

"Meron ka ba nun Mommy?" Tanong ko at tumakbo na ako papuntang hagdan. "I love you Mommy!" Sigaw ko pa.

Hihihihi dyosa ko talaga. Meeeeh.

-______________________________________-

_______________________________________

Do you hear me..I'm talking to youuu..

Hi. Di po ako marunong magpatawa. Trying hard huhuhuhu.

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon