Chapter 2

76 3 0
                                    

Maine's POV

"Maaaaaaaaaaaaine!" Rinig kong sigaw mula sa baba.

Binuksan ko yung pintuan ko at sumilip sabay sumigaw.

"Wala po kaming tindang ampalayaaaa!" Sigaw ko sabay sarado ng pintuan.

Agang-aga nambubulabog. -___-

Nagulat ako ng may biglang kumatok ng malakas sa pintuan ko.

"Pabiliiiiiiii poooooo!" Rinig kong sigaw sa labas.

"Walang tinda! Na bankrupt na! Umalis ka na dito! Expired na din yung mga tinda ko!" Sigaw ko sabay dumapa ako sa kama ko.

Narinig ko nalang na bumukas yung pintuan ko at may dumag-an (umipit o pumaibabaw) sa akin.

"Waaah Maaaaaaaaaine!" Sigaw nung umipit sa akin.

"Waaah raaaape!" Sigaw ko habang nakadapa ako.

Pinilit kong alisin ang nakadag-an sa akin kaya tumalsik siya at nahulog.

Agad akong napatayo at kinuha ang cellphone ko at tinutok sa kanya.

"Rapist! Kanina bumibili ka lang ngayon may balak ka ng rape-in ako! Ibang klase ka!" Sigaw ko.

Nakahawak siya sa may noo niya atsaka siya tumingala.

"Ang tang* mo naman. Masakit yun." Sabi ni Kathryn.

Teka..Kathryn? Ha? Kathryn? KATHRYN?! WEH? KATHRYN?!

"Kathryn?" Tanong ko.

"Ano? May problema ka sa pangalan ko?" Tanong niya habang hawak niya ng dalawang kay ang ulo niya.

"KAAATHRYN!" Sigaw ko tapos niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit na mahigpit. Hehehehe.

"Sh*t! Bitawan mo ako. Mamamatay ako!" Sabi niya.

"Ang ganda ko kasi." Sabi ko sabay alis ng yakap sa kanya.

"Saan nanggaling yun?" Tanong niya.

"Sa pinagmulan." Sabi ko sa kanya sabay batok sa kanya.

"Aray! Matinde ka talaga!" Sigaw niya at nagwrestling kami. Wahahahaha!

-

"TEKA! KILALA KO TOH AH!" Sigaw ni Kathryn.

Nakatingin kasi ako sa laptop dahil may tinatype ako. Siya naman nagfefacebook ata.

"Wala me paki." Sabi ko habang nagtatype. Tumigil muna ako at tinignan yung tinitignan niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko. Siya yung lalaking nag-interview sa akin!

"Si Alden Richards toh! Sh*t!" Sigaw niya. "Ang gwaaaapo!"

"Gwapo? Ha. Saan banda?" Tanong ko.

"Laaaahaaat!" Sabi niya.

"Panget kaya niyan. Nakita ko na yan e." Sabi ko sabay nagtype ulit ako.

"WEEEEEH?!" Sigaw ni Kathryn. "SERYOSO KAAAA?! WAAAH! POGI BA?! HUHUHUHU ANG SWERTE MOOOO!" Sigaw niya.

"Oo. At hindi siya gwapo. Panget. P-A-N-G-E-T. Okay?" Sabi ko.

"Wushu! Panget ko mukha mo e." Sabi niya. "Anak kaya toh ni VG."

"May anak pala si Vice Ganda."

"Ha. Tang* naman. Vice Governor kasi!" Sabi ni Kathryn at hinampas ako.

"Aray ko be!" Sigaw ko at hinawakan ko ang hinampas niyang part.

"Tapos kaibigan pa naman ni tito Marvin si VG. Nako." Sabi niya.

"Taaapos? Wait..may iuutos ako sa'yo." Tumigil ako sa pagtatype at tumingin ako sa kanya

"Bait mo talaga noh." Sarcastic niyang sabi. "Ano ba yun?"

"Pakihanap nung PAKIELAM ko, please. Hirap hanapin e." Sabi ko sa kanya at nagtype ulit ako.

"Ayaw ko. Pagod na ako. Nakakasawa na e." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Double meaning?" Tanong ko.

Tapos tumawa kaming dalawa. Baliw. May saltik sa ulo. Nako. Iba toh.

-

"Pangit mo."

"Gwapo mo nyan."

"Gwapo naman ako e. Kaya nga inlove ka sa akin e.

"Sinong maysabi? Ulooooooooooool! Lakas mangarap."

"Sus. Halikan kita dyan e."

"Ha. Sarap mong katayin."

"Sarap kong mahalin kamo."

Tumigil muna ako sa pagtatype. Hala. Ano ba tong ginagawa ko. Hala bakit ko pa tinatanong. Hala may may saltik talaga ako.

Hay. Nagwawattpad lang naman ako. Oo naman yes! :">

"Ms. Mendoza." Tawag ng secretary ko. Si Jane nga aba.

"Uy hi. Good morning." Bati ko. "Ano yun?"

"Pabili po ng yelo-este..may naghahanap po sa inyo." Sabi niya sa akin. "Mga pulis po."

"Puliiiiis?! Bakiiiit?!" OA kong sabi.

"Hala. Wala po akong kasalanan. Kayo po ang hinahanap." Sabi niya sa akin.

"OA mo. Sapakin ko lungs mo e." Sabi ko sabay tumawa ako at lumabas ng office ko.

Pagkalabas ko, nakita kong may pulis. At nandoon pa sina Mommy at Daddy. Wew.

"She's here." Sabi ni Mommy.

"Hi mommy, hi daddy." Bati ko pa.

"Ms. Maine Mendoza..may warrant of arrest kami para sa inyo..sa salang pagtatangkang banggain ang anak ng vice governor.." Sabi nung pulis. Anong tawag sa kasong yun? Hanudaaaaw!

"Pooo? Ha? Sino po?"

"Ako.." Biglang singit ng liba-este ng isang lalake.

Napatingin ako sa kanya at siya nga. Yung crush ni Kathryn. Panget naman, pwe.

"Ako? Ano?" Tanong ko.

"Ako yung muntik mo ng mabangga.." Sabi niya pa.

"Anong..wushu..talagang ipinapulis mo ako." Pang-iinis ko pa.

Biglang dumating sina Vice Gov at asawa niya.

"Uy pareng Marvin. Ikaw pala Gov." Sabi nung daddy niya.

"Uy VG. Nice. Siya pala yung anak mo? Laki ng pinagbago sa itsura." sabi ni Daddy. Napairap naman ako.

"Syempre, kanino pa ba magmamana diba?" Sabi ni VG. At nagtawanan sila.

(Imagine..nasusukang mukha ni Yaya Dub pag kinikilig si Lola Nidora haha)

-

"Salamat at nakumbinsi mo si Alden na hindi na ituloy ang kaso." Sabi ni Daddy.

"Nako. Ako pa. Sige. Mauna na ako. Kitakits nalang." Sabi nung daddy ni Alden at umalis na siya.

Tumayo ako. "I need to go. See you, Dad, Mom." Sabi ko at naglakad na papuntang office ko.

Hehehehehe ganda ko kaya :P bye.

_____________________________________________________________________________-

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon