Hoy crush manhid ka!

144 3 0
                                    


Masaya daw mainlove? Naniniwala ba kayo dun?

Matitiis mo bang mainlove sa isang taong walang ideang sinasaktan ka na nya?

Matitiis mo bang masaktan ng paulit-ulit kahit halos gabi-gabi ka nang umiiyak?

Matitiis mo bang sa araw-araw na gigising ka, namamaga yang mata mo?

Na sa bawat segundong kasama mo sya, unti-unti ka nang namamatay sa sobrang sakit.

Yan ang mararamdaman mo pag nainlove ka sa taong pa-fall, nakakapagod, pero ikaw? Ano sa tingin mo? Kaya mo pa bang magpakatanga?

Ano nga ba ang mas importante? FRIENDSHIP o LOVELIFE???


-----------------

*ting!*

"AAARRRGGHHH! BWISIT TALAGA!" halos ibato ko yung gitara ko sa sobrang inis. Naputol kasi yung string, ang malala pa, yung pinaka makapal na yung naputol. Nahiga nalang ako sa kama ko, ano bang magagawa ko? Wala na akong mabibilihan ngayon, 12 na kasi ng gabi hindi pa ako makatulog. Bwisit kasi eh! Hindi maalis sa isip ko si –

"Dhania Artemis Robles! Matulog ka na!" rinig kong sigaw ni Mama.

"OPO! MATUTULOG NA PO!" tinakpan ko ng unan yung mukha ko. "ARRRRGGGHHH!!!"

---*

"Hala! Dhania dear! Bakit namamaga yang mata mo?" salubong saakin ni Jeanne, best friend ko.

"Manahimik ka, wala ako sa mood makipagbiruan." Walang gana kong sagot.

"Sya nanaman iniisip mo noh? Hay nako dear! Nakukulangan ka na ng beauty sleep dahil sakanya ah!" oo, alam ng best friend ko kung sino crush ko, sa kulit ba naman nito paanong hindi nya malalaman? Inirapan ko lang sya.

"Alam mo Jeanne, hin—Aray ha!" bulyaw ko sa nakabangaan ko.

"Dhania?" napaangat agad yung tingin ko, shet. Sya si Andrei Luke Villafuerte, sya ang rason kung bakit wala akong tulog. Inabot nya yung kamay nya para itayo ako. Tinangihan ko naman agad. At tinayo ang sarili ko.

"Dhania, ano nanaman ba'ng ginawa ko?" inosente nyang sabi. ARRGGHH! Yan problema ko sakanya eh, napakamanhid nya. Wala talaga syang alam!

"WALA!" sagot ko sabay talikod at lakad ng mabilis palayo sakanya. Nakakainis talaga!!!

--- Classroom---

"Dhania dear, wala naman talagang ginawa yung tao, kung makasigaw ka naman para kang rinape! My gosh Dhania! Wala syang alam!" sermon saakin ni Jeanne.

"Yun nga problema ko eh! Wala syang alam! Ang manhid manhid nya!" yumuko nalang ako sa desk ko.

"Eh kasi naman dear, try mong umamin. Alam mo yun?" napabangon naman ako agad sa suggestion nya.

"Anong i-try! Matagal ko na yang ginawa! Last year pa! Pero ano? Hindi nya parin magets! ARRGGHH!" nakita kong pumasok ng classroom si Andrei kaya yumuko ako ulit. Bwisit talaga, aamin ako ulit? For the nth time?

---*

Last subject na namin at nagkataong vacant. Wala kaming teacher. Halos lahat ng kaklase ko nagsilabasan para pumunta sa cafeteria, at kung hindi naman ay para magbasa sa library. Lima lang kaming natira sa room. Si Jeanne, ako, si Andrei, si France at si Rachelle. Si France, kaibigan din namin ni Jeanne yan, transferee kasi sya kaya wala sya masyadong kaclose kundi saaming dalawa. Si Rachelle naman, well ewan, ayoko sakanya, inaangkin si Andrei eh, bahala sya sa buhay nya.

"Jeanne." Matamlay kong sabi.

"Oh? Hay nako dear, ang tamlay mo ah. Linalagnat ka ba?" idinikit nya yung likod ng palad nya para tingnan kung mag lagnat nga ako. "GOSH DHANIA! Ang init mo!" taranta nyang sabi.

Hoy Crush! Manhid Ka! (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon